"Now what, Liam?" Tanong ni Lacey kay Liam mula sa kabilang selda. Kasalukuyan siyang kino-comfort ng kapatid niyang si Racey. Ako nama'y nakapatong ang mga braso sa rehas habang hawak-hawak ni Pim ang mga kamay ko mula sa labas. Kapwa namin tinitignan ang singsing ng isa't isa. Kasama ko sa seldang ito sina Liam at Vincent na parehong nakaupo sa bench.
"Hindi dapat 'to nangyayari. This is all wrong. I did exactly what she told me. This shouldn't be happening." Tanging sagot ni Liam. Nagkatinginan kami ni Vincent sandali.
"Well, actually, mister, iyan talaga ang mangyayari sa inyo for blowing up the public restroom that's sitting right next to a gasoline station. What were you all thinking? Especially you, Nighzelle." Galit na anas ni Naira saka bumaling sa kapatid. "Mabuti na lang hindi sumabog yung gasoline station. Alam niyo bang pwedeng may mamatay sa ginawa niyo? Come on, guys! Hindi na kayo teenagers! At ang lalakas ng loob niyong isama pa itong kapatid ko sa mga kalokohan niyo!" Baling naman niya sa amin.
'Kung alam niya lang kung anong tunay na dahilan ng lahat.'
"Alam mo, miss, ang ingay-ingay mo. Daig mo pa nanay ko sa pagiging talakera mo. Hindi namin siya sinama, kusa siyang sumama. Anong hindi mo maintindihan do'n?" Hindi na napigilan ni Vincent ang mapasabat sa usapan. "Saka ikaw na nagsabi, hindi na kami teenagers kaya h'wag mong i-baby 'yan." Sabi pa niya saka tumayo at lumapit sa parte kung saan naroroon si Naira. Agad na nagreact ang mukhang boyfriend o asawa niya sa inasal ni Vincent. Mula sa loob ay hinigit niya sa kwelyo si Vincent, dahilan para dumikit ang mukha nito sa Rehas.
"Don't you ever speak to my girlfriend like that or I will break your face kahit nasa loob ka pa ng kulungang 'yan, naiintindihan mo?" Banta pa nito kay Vincent.
"Drev, stop it. Hayaan mo na siya." Pagpigil ni Naira sa boyfriend niya pala. Inalis rin naman ng lalaking 'yon ang pagkakahaltik sa kwelyo ni Vincent. Ngumisi lang si Vincent at lumipat sa kabilang parte ng kulungan namin.
"Gizo, are you sure it's going to be fine? Makakaalis ka naman dito agad, hindi ba?" Tanong ni Pim sa akin na halatang-halata ang pag-aalala.
"Yes, I will. This is just a misunderstanding." Tanging sagot ko sa kanya dahil kahit ako'y hindi sigurado sa pinapasok kong 'to.
"Ron, can you please call mom and dad, tell them I'm not going home tonight. Sasamahan ko rito si Gizo." Pagbaling ni Pim sa kapatid niya.
"I will stay here with you, but of course I will tell them that." Sagot rin naman sa kanya ng kapatid.
Sa gitna ng kanya-kanyang usapan dito sa presinto ay hindi ko sinasadayang mapatingin sa mga babae na nasa kabilang selda at marinig ang kanya-kanya nilang usapan.
"Your hair's still wet." Pagpapatungkol ni Naira sa buhok ng kapatid. "Don't worry, honey. Anytime soon darating na rito ang lawyer natin. Just tell them pinilit kang isama nitong mga 'to at wala kang kahit na anong kinalaman sa nangyaring pagsabog." Dagdag pa niya.
"No, ate. They're right, sumama ako nang kusa. What happened there was also my fault. I'll take full responsibility." Sagot naman ni Nighzelle sa kapatid. Badya na sana siyang magsasalita ulit pero pinigilan siya ng boyfriend niyang si Drev. Sa patuloy kong pakikinig sa usapan nila, hindi ko namamalayan na nakatingin na rin pala si Nighzelle sa akin. Ngumiti ako bilang pagbati, ngumiti rin siya pabalik saka muling kinusot-kusot ng towel ang basa niyang buhok.
Napatingin naman ako sa kabilang dako kung saan nag-uusap nang mahinahon ang magkapatid ring sina Lacey at Racey.
"Should I call mom and dad? Or your mom?" Tanong ni Racey sa kapatid habang kapwa nakasandal sa isa't-isa na napag-gigitnaan ng rehas.
BINABASA MO ANG
The Nova: Seekers' Cry
AdventureTHE NOVA SERIES #2 • ONGOING • Sa pag-aakalang nakaligtas na ang mga indibidwal na sina Mina, Lacey, Nighzelle, Gizo, at Vincent sa delubyong naranasan SAMPUNG TAON na ang nakararaan, itutulak sila ng isang kaganapan para balikan ang matagal nang na...