16:23 | NOVEMBER 6, 2022 | MM RESTAURANT SOFT OPENING, MERRIMONT CITY
"And all the things that you said, that's not just a plain story." Komento ko sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan naming lahat.
"And the way you spoke to her," I said referring to Lacey. "It's like, you know her already." Dagdag ko pa.
"I know all of you, but you don't know me. Let's keep it that way." Tanging sagot niya sa akin.
'For a kid, he knows how to play with words.'
"I believe the story is not yet finished." Singit ni Gizo sa usapan dahilan para mabaling ang atensyon namin sa kanya.
"I think so too. May natitira pang 25 slides sa presentation niya." Sarcastic namang sagot ni Vincent na nakatuon sa screen ng projector.
"After 15 years of Nova Vel, that was 2012, punong babaylan saw another nova reaching the Earth again. It was stronger than the other novas. It was even stronger than the Nova Vel. It was known by the experts as Nova Cen, but to the villagers, they called it The Tribulation." panimula niya muli sa pagkukwento.
'How is an astronomical event can create great trouble and suffering?'
"Noong una, hapyaw na panaginip lang ang binibigay ng bituin sa punong babaylan tungkol sa bagong padating na nova. Ngunit nang magtagal, kahit gising siya nakakakita siya ng mga pangitain. Tinawag nila itong The Tribulation dahil ang mismong punong babaylan ang unang nakaranas ng panganib nito. May mga araw diumano na bigla na lang siyang nawawalan ng malay, dudugo ang ilong, tainga, o minsan luluha ng dugo, mayroon ding mga pagkakataon na nakakaramdaman siya na parang pinupunit ang bawat parte ng katawan niya—na para bang humihiwalay ang kaluluwa niya sa pisikal niyang katawan." Nakakakabang kwento ni Liam na sa hindi mapaliwanag na dahilan ay tila ba nararamdaman ko rin.
"From all those signs na nakita nila, they knew na kakaiba ang darating na nova. Then, one day, punong babaylan had a vision kung kaninong katawan ang pinili ng bituin. An innocent young man, Deimour Tuazon. It was the first time a star targeted a human with no connection at all sa curse. Hindi siya kasama sa cursed clan, not even a villager, and we already established the truth that Deimour is not a real Tuazon, so bakit siya pupuntiryahin ng sumpa?" Sabi ni Liam na nagma-make sense nga, if ever na totoo man itong Deimour Tuazon na 'to.
"It was Mary. Nang makakuha ng vision ang punong babaylan tungkol sa nova'ng paparating, nakikita niya rin pala 'yon. Doon nagising ang dormant na bituin sa loob niya. Vel woke up, and Mary Anatalia slept. Yung kasama niyo 10 years ago sa pekeng mundo, it was not really Mary Anatalia, that was Vel. The star of chaos. She made sure na sa katawan ni Deimour lalapag ang Nova Cen. At kung anuman ang rason niya, siya lang ang nakakaalam." Rebelasyon ni Liam. Nanatili kaming tahimik at seryosong nag-aantay sa kwento niya.
BINABASA MO ANG
The Nova: Seekers' Cry
AventuraTHE NOVA SERIES #2 • ONGOING • Sa pag-aakalang nakaligtas na ang mga indibidwal na sina Mina, Lacey, Nighzelle, Gizo, at Vincent sa delubyong naranasan SAMPUNG TAON na ang nakararaan, itutulak sila ng isang kaganapan para balikan ang matagal nang na...