15:48 | NOVEMBER 6, 2022 | MM RESTAURANT SOFT OPENING, MERRIMONT CITY
"Hindi yung land ang cursed, kundi yung clans na nanirahan sa island." Pagpapatuloy ko ng kwento ni Liam.
'For some unexplainable reason, invested ako sa story. It's like I am being magnet to it.'
"Exactly!" Hiyaw din naman ni Liam na nagpagulat sa amin. Sabay-sabay pa kaming napakislot sa gulat.
"Okay, what's next?" Mukha namang interesadong-interesado si Gizo sa usaping ito.
"Five families were known to live there. Nang malaman nila ang totoo na wala silang kawala sa sumpang ito, series of strong novas happened again so they came back rushing to the village and seek punong babaylan's protection." Kwento ni Liam saka tumuon sa presentation niya.
'This is so odd that we're actually listening to this kid.'
"With the efforts of everyone, they discovered something para maprotektahan sila against the curse of the stars na tanging sa island lang nila pwedeng gawin. It's like an everyday ritual. Exhausting, but at least they are alive. They found a way to build a barrier throughout the village. The island that was once they thought a cursed land has now become their sanctuary. Mali sila ng pagkakaintindi sa simula pa lang. Kung nalaman lang nila agad yung paraan para maprotektahan sila doon sa isla, sana wala ng naisakripisyong mga buhay." Sabi ni Liam na tila ba nakikisimpatya sa mga mamamayan ng isla na 'yon.
"So base sa kwento mo, kung hindi na buhay ng mga villagers ang kinukuha ng stars, kaninong buhay na ang kinukuha nila? Correct me if I'm wrong, but you said the consequence of each nova is sucking the highest form of life sa Earth. At dahil protektado na sila, sino nang pinapatay ng sumpa?" Tanong ni Mina na nagpa-snap sa aming lahat.
'May punto siya. Oo nga, hindi ko naisip ang bagay na 'yon.'
"Tha-that's one I am not certain about." Sagot ni Liam at saka bumaling muli sa presentation niya. Agad akong napalingon kay Mina sa naging sagot ni Liam sa kanya at gayon din siya sa akin. Kumunot pareho ang mga kilay namin pero ipinagsawalang-bahala na lang namin ito.
"That's nice. And now that they are protected, they live happily ever after! Meeting's adjourned!" Pag-agaw ni Vincent ng atensyon naming lahat. Tumayo pa siya at kinuha ang leather jacket niyang sinampay niya sa sandalan ng upuan. Tumayo rin si Gizo sa kinauupuan niya.
"That's what they thought." Agaran ding niyang sagot na nagpatigil sa pagkilos ng dalawang lalaking kasama namin. "Akala ng lahat, each cursed family was gathered on the island. Little did they know, a boy wandered the city and built his life on his own. The name's Elijah Tuazon." Bagay na dahan-dahang nagpa-upo sa dalawang lalaking ito.
BINABASA MO ANG
The Nova: Seekers' Cry
AventureTHE NOVA SERIES #2 • ONGOING • Sa pag-aakalang nakaligtas na ang mga indibidwal na sina Mina, Lacey, Nighzelle, Gizo, at Vincent sa delubyong naranasan SAMPUNG TAON na ang nakararaan, itutulak sila ng isang kaganapan para balikan ang matagal nang na...