Mina
18:07 | NOVEMBER 6, 2022 | MM RESTAURANT SOFT OPENING, MERRIMONT CITY
"Hi, Armina Angeles." Pagpapakilala ko sa kararating lang na babae saka nag-alok ng pakikipagkamay. Siya yung Nighzelle na kanina pa nababanggit sa usapang ito. I recognize her actually, from high school.
"Nighzelle. Nighzelle Verama." Pagtanggap naman niya sa kamay ko
"Yeah, I know. You're a well-known writer. I haven't read your book yet, but this guy told me that the first book you wrote was the written record of what happened to the nova. Iyon raw ang katotohanan at ebidensya sa lahat ng sinabi niya sa amin kanina. What's the title again?" I asked her still kahit alam ko naman ang sagot sa tanong na 'yon. I just want to keep this conversation going, finding a way para hindi maging awkward dahil sa ginawa ko sa kanya noon.
I remember her. Just like Gizo, isa din ako sa mga nilapitan niya noon para kausapin tungkol sa nova at sa kaibigan raw namin na naiwan doon. I didn't believe her. Of course no one would believe her. Her story is insane, but I should have been nicer. Instead of talking, I pushed her away in a most humiliating way and called her crazy. I even mentioned that she needs a doctor. Usapan-usapan din kasi sa campus noon na weird talaga siya and I was a kid back then, so just like everyone else, I judged her.
Yes, nakokonsensya ako. Looking back, masyado akong nag-overreact sa approach niya sa akin. Idagdag mo pa yung pang-guguilt trip sa amin ni Liam kanina tungkol sa pagiging mag-isa niya all this time. If this is in case really true, doble ang magiging guilt nito sa akin. Knowing this girl carried the burden all along. I can't imagine the feeling that she has been dealing with the pain of the past alone, mga alaalang sa kanya lang naiwan.
"Nightfall, pero h'wag niyo siyang paniwalaan. He's just a huge fan kaya—" dirediretso niyang pagpapaliwanag pero pinutol ko na ito agad.
"I'll give it a try. Naaalala kita noong high-school. Sorry kung naging harsh ako sa'yo noon. I'm not saying na pinaniniwalaan ko na kayo sa..." sasabihin ko sana ay kalokohan pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko. "Ginawa niyang presentation." Saka ako lumingon sa projector na sinetup ni Liam.
"Pero I'll give it a try and will think again? Sorry, I don't know the right words to say. See you when I see you." Sabi ko na lang saka naglakad palayo.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa pinanggalingan ko ay nakaramdam ako ng malamig na kamay na humawak sa braso ko.
"Hey, Mina." Tawag sa akin ni Lacey.
"Hi, Lacey?" Sagot ko sa kanya na patanong rin para kumpirmahin ang pangalan niya.
"Yes, Lacey Castriño." Tugon naman niya. "This may be another level of weirdness pero we need you more than ever." Sabi niya na lubhang pumukaw ng atensyon ko.
"More than ever? Wait, did you regain your memories?" Tanong ko agad sa kanya.
"No, no, no. Gaya ng nabanggit kanina, isa rin ako sa mga humusga kay Nighzelle, but I read the book already. And you should too." Nagpause siya sandali sa pagsasalita saka malalim na bumuntong hininga. "I regret pushing Nighzelle away before. I will not do the same thing again." Halos bulong niyang sabi.
"You did a lot of amazing things sa librong sinulat ni Nighzelle. Things that no one can do except you. We need that talent of yours again. Nighzelle already lost her hope a long time ago. I believe ikaw na lang ang pag-asa natin." Sabi niya saka hinubad ang necklace na suot niya. Nagulat ako sa pendant na naandoon. Inabot niya sa akin ito para mas mapagmasdan.
BINABASA MO ANG
The Nova: Seekers' Cry
AdventureTHE NOVA SERIES #2 • ONGOING • Sa pag-aakalang nakaligtas na ang mga indibidwal na sina Mina, Lacey, Nighzelle, Gizo, at Vincent sa delubyong naranasan SAMPUNG TAON na ang nakararaan, itutulak sila ng isang kaganapan para balikan ang matagal nang na...