Chapter 1

80 1 1
                                    

A/N: Introductory chapter pa lang ito. Confusing ata ang first part eh. Eto na. Sana magustuhan niyo :D

---

Ako si Sam Katie Yap. Honor student, scholar, breadwinner and working student. May isa akong kapatid, grade 3 siya. Graduating student naman ako.

Fifteen years old ako. Oo, nagta-trabaho ako. Child labor? Hindi naman. Nakakakuha ako ng pera sa pagbebenta online at pagde-design ng mga logos at websites. Bukod pa doon, nakakatanggap naman kami ng pera galing sa mga insurance.

Kami na lang ng kapatid kong si Suzy ang nagkakasama. Kaya, nag-aaral ako nang mabuti para sa aming dalawa.

---

Sam's POV

*riiiiiiiiiiing*

"Uy, time na!"

"YEHEY, recess!"

"Kain na tayo!"

Nagsisigawan ang mga kaklase kong atat na atat masyado sa pagkain. Akalain mo, umalis agad na hindi man lang nagpapaalam sa teacher? Ewan, ganyan ata talaga sila.

"Sam, kain na tayo." sabi ng friend kong si Jasmine.

"Di bale na, mauna na kayo. Pupunta pa kasi ako sa office of student services eh." sabi ko.

"Sige, Sam. Basta, pagkatapos mo doon punta ka sa canteen ha? Nandoon lang kami." sabi naman ng isa ko pang friend na si Carmi.

"Bye!"

Pupunta na sana ako sa office nang nag-ring ang phone ko.

"Hello?" sabi ko.

"Hello, Sam?" sabi ng kabilang linya.

Teka, parang alam ko itong boses na ito ah.

"MARC?!?!"

"Aray, Sam. 'Wag mo akong sigawan." sabi ni Marc.

"Sorry naman. Na-miss ko kasi boses mo eh. Tagal mong di tumawag ah." Hala, nagb-blush ata ako. Miss ko na itong lokong 'to ah.

"Nagtatampo ka, babe?"

"Babe ka diyan! Bakit ang tagal mong hindi tumawag, ha?"

"Busy ako eh."

Busy? Aba, may ibang babae na ba itong boyfriend ko?

"Busy? Meron ka na bang ibang pinagtutuunan ng pansin?" tanong ko.

Wala naman sana.

"Umm...Oo babe, eh. Sorry talaga."

WHAAAAT?!

"..." hindi ako makasagot.

"Babe?"

Tanging ina, naiiyak yata ako.

"Uy babe." sabi niya.

"May b-b-bago k-ka na?" nauutal na tanong ko.

"BALIW! Porket may pinag-aabalahan, may bago na agad? Grabe ka naman, babe. Wala ka bang tiwala sa akin? Sakit ah!"

"Wala talaga?" tanong ko.

"Wala ka talagang tiwala sa akin, ano?"

"Meron, siyempre. Sorry, babe. Dapat pala nagtanong muna ako. Sorry po."

"Eh di magtanong ka."

"Okay. Ano bang pinagkaka-abalahan mo?"

"Mga papeles. Babalik na ako diyan sa Pinas. Sa piling mo. Miss na kita, Sam. Miss mo na ba ako?"

What if? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon