Chapter 2

37 0 0
                                    

A/N: Dahil GV ako at hindi mawala sa isip ko yung sinabi ng classmates ko, mag-uupdate ako ng (possibly) mahaba na chapter.

---

Chapter 2

Sam's POV

Niyakap ako ni Chris.

Nakakagulat naman itong lalaking ito. Pumiglas na ako sa pagkakayakap niya.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Chris.

"Ewan..." sagot ko.

"Ano ba ang nangyari?"

"Mamaya na, Chris. Ayoko munang pag-usapan. Baka maiyak ako ulit eh."

"Oh, sige. Kain muna tayo. Matutunaw na itong ice cream mo oh." sabi niya sabay abot sa akin ng aking ice cream.

"Salamat, Chris." sabi ko, at kinain ko na ang ice cream. Ang SARAAAAAAAP!

"Kain tayo, dali." sabi niya.

"Malapit na time, oh. Five minutes na lang."

"Sayang naman. Sige, sabay na lang tayo lunch. Okay?"

"Sure, basta libre mo ulit."

"Hilig mo naman sa libre."

"Ganun talaga. Ano, game?"

"Sige na nga."

"YEHEEEEEEEY! Thank yooooou! Teka, Chris. Maiba nga ako, ba't parang ang bait-bait mo sa akin ngayon? May kasalanan ka ba sa akin?"

"Ako? Ikaw nga may kasalanan sa akin eh."

Kapal neto, sa bait kong 'to!!

"Bakit naman ako, Mr. Chris Japheth Martinez?"

Biglang nag-iba yung mukha niya. Parang kawawang puppy. Hala, sad siya. Bakit naman?

"Kinalimutan mo birthday ko. Sakit, mehn!" sabi niya at pinalo-palo ang kanyang dibdib. Parang baliw lang.

"Weh? Di nga?!" Birthday niya? Talaga lang ha?

"Oo. Ba't ayaw mo maniwala?"

"Hindi naman, naninigurado lang. Happy birthday! Sorry, wala akong gift sa'yo."

"Ayos lang, ganon ka naman talaga eh."

"Nagtatampo? Bahala ka na nga dyan. AH!!! Alam ko na! Bibilhan na lang kita ng regalo mamaya. Punta tayo mall?" sabi ko.

"Sige! Walang bawian ha? Humanda ka kung babawiin mo yan."

"Yes, sir. Paano, see you later!"

*riiiiiiiiing*

Ganda ng tiyempo nitong bell.

Pumunta na kami sa classroom. Math time. May surprise quiz si Ma'am Rivera. Buti na lang, handa ako. Naka 13/15 pa ako.

Nagdiscuss na si Ma'am. Wala ako sa mood makinig kaya't nagbasa na lang ako ng pocketbook. Siyempre, patago lang. Ayoko namang mapagalitan no.

Nakatapos ako ng dalawang chapters nang natapos ang Math class. Sumunod naman ang Health. Ayoko pa ring makinig kaya nagbasa na lang ulit ako. Parang tatlong chapters ata ang natapos ko nang narinig ko yung bell.

*riiiiiiiiiing*

"Uy, Sam. Kain na tayo." sabi ni Jasmine.

"Oo nga, Sam. Sabay na tayo. Hindi tayo nakapag-sabay kanina eh." sabi ni Carmi.

"Uh, mauna na lang kayo. May sasabayan ako eh." sabi ko.

"Talaga, sino?" tanong nilang dalawa.

"Secret. Bleeh!" sabi ko sa kanila.

"Ang unfair nito. Mag-share ka naman!" sabi ni Jasmine.

"Wag ka ngang mag-ingay dyan." sabi ko.

"Mag-share ka na kasi." sabi naman ni Carmi.

"Yeah, right. Uuwi na si Marc."

'Yun na lang sinabi ko. Parang nakakahiya kasi kung sabihan kong sasabayan ko si Chris eh.

"Talaga?! Kelan daw?"

"Next month."

"Tagal. Next month pa?"

"Ay, hindi! Kasasabi lang eh?!"

Nagtawanan na lang kami.

Nakita ko si Chris, naghihintay sa labas.

"Sige, guys. Mauuna na ako ha. Bye!" sabi ko sa kanila.

Lumabas na nga ako.

"Happy birthday, Chris!" sabi ko nung nakita ko siya.

"Salamat."

"Halika na, kain na tayo."

"Dali, gutom na rin ako eh."

Pumunta na kami sa canteen at nag-order ng pagkain para sa aming dalawa. Naupo na kami sa bandang gilid ng canteen. Kumain na rin kami.

Tahimik lang kaming dalawa habang kumakain. Siguro wala kaming masabi o sadyang gutom lang talaga kami. Syempre, sino ba namang hindi magugutom kung ice cream lang kinain sa recess?

Di naglaon, siya na ang pumutol sa katahimikan naming dalawa.

"Bakit ka nga pala umiyak kanina, Sam?" bigla niyang tanong.

"Uhhh. Wala 'yon. Kalimutan mo na lang 'yon." sabi ko.

Napasimangot ako dahil naaalala ko yung sinabi ni Mrs. Cuevas. Tuluyan na raw mawawala ang scholarship ko. Sayang naman ang pinaghirapan ko.

Ugh, ba't ganito? Feel ko iiyak ako ulit.

"'Wag kang malungkot, Sam. May kasama kang gwapo ngayon oh. Smile na nga." sabi niya.

"Ha-ha. Nakakatawa."

Panira naman kasi ng moment eh. Baliw talaga.

"Grabe naman 'to. Sige na, smile na."

"Ewan ko sa'yo."

"Uy, galit ka?"

"Kumain ka na nga. Ang dami pang sinasabi eh."

"Sorry na. Ayoko lang naman makitang malungkot ka. 'Yan na lang gift mo sa akin. Nandito lang ako, don't worry." sabi niya.

Ano raaaaaaaaaaw? Kung makapagsalita naman 'to, parang...

Pero salamat na rin sa kanya, mas gumaan ang loob ko.

---

A/N: I need to sleep na. Sorry kung pangit ito na update. Next chapter soon.

What if? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon