A/N: Late update. Pasensya na pangit ang previous chapter. I'll do my best sa chapter na ito.
---
Chapter 3
Chris's POV (First POV ko 'to \m/)
Tapos na ang klase. Nakita kong umalis na si Sam sa classroom.
Grabe naman 'to. Nakalimutan na ba niyang birthday ko at bibigyan niya ako ng regalo? May date pa nga kami eh. Ay, mali pala. Sasamahan ko daw siya sa mall para magbili ng regalo.
Hinabol ko si Sam. Palabas na siya ng gate.
Binilisan ko ang pagtakbo. "SAAAAAM!"
"Oh, Chris?" sabi niya.
Nakalimutan ba talaga niya? ...
"Tatakas ka?" yun na lang ang nasabi ko.
"Tatakas saan?" nagtatakang tanong niya.
Aray naman. Nakalimutan ata talaga.
"Regalo ko?!"
"Regalo? Anong re---? AAAAAAAAAAAH! OO NGA PALA, BIRTHDAY MO! HAPPY BIRTHDAY ULIT! Dali, punta na tayo mall! Sorry Chris, ah. Medyo marami akong iniisip eh."
"Ayos lang 'yon. Halika na?"
--
Sam's POV
Sumakay na kami ng jeep. Madami pa rin akong iniisip.
Bibilhan ko nga pala ng regalo si Chris. Bakit ko nakalimutan? Ang sama ko naman.
"Chris?"
"Hmm?"
"Sorry."
"Wala 'yon." sabi niya.
"Sorry talaga. Promise, bibilhan kita ng kung anong gusto mo."
"Talaga? Kahit anong gusto ko?"
"Oo, basta affordable ha?" Mapang-abuso din pala itong si Chris.
"Yeah, affordable. Pero pwede i-claim ko muna soon?"
Soon? Grabe 'to ah. Nagpupunta-punta pa kami ng mall. Eh, hindi naman pala niya kukunin ang regalo niya ngayon. Baliw.
"Bakit soon pa?" tinanong ko siya.
"Gusto ko lang. Pwede naman yun makapaghintay."
"Talaga lang ha? O sige, uuwi na ako."
"Uuwi? Kakarating lang natin oh."
Oo nga naman, kakarating nga lang namin. Nakarating na kami sa mall.
"Wala naman akong kailangang gawin sa mall. Kaya uuwi na ako." sabi ko.
Gusto ko na rin makapag-relax at makapag-isip. Pero hindi ko yun magagawa kung may kasama ako. Magagawa ko lang yun sa bahay. Sa kwarto ko. Kung saan mag-isa ako.
"Wag muna oh. Please? Gusto ko pa i-celebrate birthday ko." sabi ni Chris.
Suuus! Kung hindi lang niya birthday. Kanina pa ako sumakay ng jeep pauwi.
"Sige, Boss. Ikaw bahala." sabi ko na lang. Wala naman akong choice, diba?
"Thank you." sabi niya.
Pumasok na kami sa mall at sinundan ko na lang siya kung saan man niya gustong pumunta.
Tumigil siya sa harap ng isang Italian restaurant. Yuuuum! Taray ng lalaking 'to ah, dito pa naisip manlibre. Mayaman!
"Uy, tulala ka." biglang sabi ni Chris.
BINABASA MO ANG
What if? (ON HOLD)
Teen FictionMahilig ang magkakaibigang Sam, Jasmine at Carmi na pag-usapan ang mga "What ifs?" sa kanilang buhay. What if magakakatotoo ang isa sa mga what ifs nila? ~~~ On hold due to insistent public demand (lol that's on the contrary) and busy author.