CHAPTER 2

132 0 2
                                    

Eto na po yung chapter 2. Sorry natagalan! Don't forget to comment, vote or like! Thank you guys. I love you all! -diannepogi

******************************

QUINCY's POV

"Quincy! Please! Mahal na mahal kita. Please! Bigyan mo ko ng isa pang chance. Please!"  Si Amiel. Latest ex. Nagmamaka awa sakin para balikan ko.

" After mo ko gaguhin? After mo kong saktan babalikan mo ko? Hindi ako kasing tanga ng ibang babae mo" Galit kong sagot!

"Please naman Quincy! Just give me another chance. Hayaan mong ma i prove ko sayo na hindi ko na gagawin yun. Please. I love you! I love you so much!" nagmamaka awang sabi ni Amiel.

Nilapitan niya ko. Hinawakan sa mga balikat. Ako naman dahil bet ko ng umalis nagpupumiglas ako. Pero ayaw niya akong pakawalan. Pinilit ko umalis masyadong malakas si Amiel. Pa ulit ulit niyang sinasabi ang mga katagang mahal kita habang pinipigilan akong makawala sa kanya.

"QUINCY! Ma la late ka. Gising na hoooy!"

Puto! Panaginip lang pala! Akala ko naman totoo na. Sakto pa yung movie na pinapanood ng pinsan ko sa panaginip ko. ONE MORE CHANCE! Psssssh. Dire diretso ako sa banyo. Napa ngiti na lang ako nung makitang wala pang tubig yung timba. AYOS! Hahaha. Pinatulo ko yung gripo. Sumandal. 5 MINUTES PA. INAANTOK PA TALAGA AKO. Tapos, biglang

"HOOOOOOOOY! Wag ka na matulog jan Quincy."  Si Daddy. Ginigising ako. Alam na alam na madalas akong makatulog sa banyo. Nagising ako sa lamig ng tubig. Sumisipol sipol ako habang nag bibihis. Iniisip ko kung kakain pa ko kaso napansin kong madilim. Mukhang iiyak ang langit. Tska na nga ako kakain. Umalis ako ng 9:30 sa bahay. Pag baba ko ng Boni biglang umulan! Kumukulo pa ang tiyan ko. Naka quota naman ako dahil binigyan ako ng lolo't lola ko ng pera. Kumain muna ko sa McDo habang nagpapatila ng ulan.

**********************

BRAD's POV

Normal ko ng gising kapag may pasok ang 8. Ayoko ng nagmamadali. Medyo matagal ako mag ayos. Kumain pa ko bago naligo. Umalis ako ng 9:45. Umuulan pa. Nak ng teteng! Ang hirap mag byahe kapag ganito! Hassle mag dala ng payong pero kailangan. Pag sakay ko ng bus mas lalong lumakas ang ulan. Pagka bayad ko natulog muna ko. Traffic naman sa Edsa.

**********************

QUINCY's POV

Anaaaaaaak ng! 10:20 na. Malakas pa din ang julambong. Pano ba to? Bakit kasi hindi ko ugaling magdala ng payong? Kapag 10:30 na at malakas pa din tong ulan. Gow na ko! Ma uubos na nga yung kinakain ko. Na jajae pa ko. Lamig pa dito sa McDo! Dadaan pa ko ng dorm. Nakooo! "Looooooord, puhleaseeeeeee. Pahinain niyo naman ang julanbong" Mukhang dininig naman ni Lord ang prayer ko. By 10:30 wala ng ulan. Malakas na ambon na lang. Wala na akong magagawa! Malapit lang naman yung terminal ng jeep kaya tinakbo ko na! AJA! AJA! AJA! Kapag nga naman minamalas malas ka pagdating ko sa terminal kaka alis lang nung isang jeep. Pagdating nung bagong jeep sa tabi ako ng driver umupo. Nag bayad. Sinaksak ang headset sa tenga at ginala ang mga mata. Maya maya may dumaang poging lalaki sa harap ko!

Arrrrrrrrrrrrrrruuuuuuuuuuuuuuuuuuy! Ang puti! Ang gwapo! Biyaya ni Lord sa mga kabataang girls like me. Kaso di tumabi sakin. Bakit ganon? MALAS! Kapag sa likod ako sumasakay wala akong nakaka sabay na gwapo pero ngayon namang sa harap ako sumakay tska may naligaw. Nagka tinginan pa kami nung dumaan siya. Haaaaaay nakooo! Kung ganito sa byahe edi okay. Hindi boring! Dun siya umupo malapit sakin. Nung nag bayad siya napatingin ako sa anya kasi same place kami ng bababaan. Mukhang schoolmate ko pa ata to! :D

***********************

BRAD's POV

"Oooooh! Boni! Boni! Lapit na." nagising ako sa sigaw nung konduktor. Baba ako agad. Hindi na umuulan pero malakas ang ambon. Papalapit na ko sa jeep ng may makita ko yung babaeng nag bayad kay manong driver. Mukhang chix. O nililinlang lang ako ng mga mata ko. Baka kasai maganda lang sa side view o sa malayo. Nung makalapit na ko sa jeep nalaman kong tama ang hula ko. Dumaan ako sa harap niya at nagkatitigan kami. Ang ganda niya sa unang tingin at mas gumaganda pa siya lalo kapag tinititigan. May something sa mga mata niya na hindi ko ma explain. Iniisip ko kung tatabi ba ko sa kanya o hindi pero nag decide ako na dun sa malapit sa kanya na lang umupo. Nag bayad na ako. Nakita kong napa tingin siya sakin nung sinabi ko kung san ako baba. Tumingin ako ulit sa kanya. Nagkatitigan nanaman kami. Ang ganda talaga niya! Iba siya tumingin. Captivating!

"Hooooy! Sukli mo boy!" naiinis na sabi nung driver

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon