Prologue

431 11 2
                                    


Lahat naman siguro tayo merong kaibigan... 


Yung kaibigan na kayang gawin lahat para lang sa'yo? 


Yung kaibigan na kahit alam niyang 'yun na 'yung pagkakataon para mabigyan siya ng spotlight, pero isinakripisyo nya pa para lang sa'yo? 


Yung kaibigan na okay lang kahit sobrang sakit na, pero para sa'yo, titiisin niya yung sakit? 


Yung kaibigan na okay lang sa kanya kahit hindi mo na siya nabibigyan ng pansin, pero dahil masaya ka sa isa mo pang kaibigan, okay lang... okay lang na nasasaktan sya, kasi masaya ka. 


Yung kaibigan na mahal na mahal ka? 


Yung kaibigan na kahit binabalewala mo na lagi, hindi ka pa rin iniiwan? 


Pero kahit minsan ba... naisip mong mag-sakripisyo para sa kanya? 


Kahit minsan ba, in-appreciate mo yung mga bagay na ginagawa niya para sa'yo? 


Kahit minsan ba, inisip mo kung nasasaktan na sya? 


.....Hindi naman 'di ba? 


Pero kahit ganun, andyan pa rin sya, minamahal ka at hindi ka iniiwan. 


Pero paano na lang kung magsawa na siya? 



May chance pa bang mabago mo lahat ng pagkakamali mo? 


May chance pa bang mapatawad ka niya?


"All this time, 'Cci, ako lagi yung nagpaparaya. Ito lang yung hinihingi ko sa'yo.. bakit hindi mo pa maibigay?" 


Ano kayang mangyayari sa kuwento ng pagkakaibigan ni Ricci Rivero at Brent Paraiso? 



***

AUTHOR'S NOTE 

Hello! :) Guys, hindi po ito love story okay? Tungkol po ito sa friendship, para maiba naman haha. Hindi ko ipinapangakong sobrang ganda ng story na 'to, pero ito lang yung mapapangako ko: Maraming lessons kayong makukuha dito. :) Sana po basahin nyo! :) Thank you and God bless! 


Torn (BrenCci Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon