First

326 7 5
                                    


RICCI. 

Ay, so kaya pala kami pinapunta ni Coach Aldin dito sa gym para mamili ng First 5! Excited na ako, sana mapili ako. Malapit na rin kasi ang Finals, at Ateneo ang makakalaban namin. 


Kahit young team kasi sila, ang lakas na ng both offense and defense nila. Every game, nag-iimprove sila. Kaya pinaghahandaan talaga namin sila. 


"Okay, guys. Alam nyo naman na siguro kung bakit ako nagpatawag ng training ngayon, knowing na Thursday at rest day sana natin." seryosong sabi ni Coach. Kanina pa pala sya nandito. Kasi kayo eh, dinaldal nyo ako! 


"Yes, coach!" sagot namin agad. Ayaw kasi ni coach yung kinakausap ka, ta's hindi ka sasagot. Nako, very wrong ka kung ganun. 


Kailangan ko pa ba magpakilala? Sige na nga, tutal mabait at masunurin at GWAPO naman ako eh. 


'Ehem. Hangin naman nito. Bagyo alert!' eto talagang utak ko laging nakontra sa'kin! Crush siguro ako nyan ano? 


Anyway, eto na talaga. 


Ricci Paolo Rivero. 6'1. Gwapo. Pogi. Gwapo. Pogi. Gwapo. Pogi. Mabait. Masipag. Masunurin. Mabait ulit. 


Yan guys ha. Oh, yung hindi maniniwala, mabubulag! 


Okay, sige. Walang naniwala. 


Sige, ganyanan! 


"Ricci Rivero on Earth!" nagulat ako sa pasigaw na sabi ni Coach Aldin. Nakatingin pala lahat ng teammates ko sakin. 


"Y-yes po, coach?" medyo natakot ako run a. Ayaw kasi ni Coach na lutang ka kapag may sinasabi sya. Kasi kayo eh, ang feeling close nyo! Porke ba ang gwapo at ang bait ko eh. 


"Wait lang. Jeron, explain mo muna. May kakausapin lang ako." He said tapos umalis na sya ng gym. 


"'Cci, Brent, isa lang sainyo yung pwede maging guard, so, ano... uhm, magdecide kayo. Sino gusto magparaya? I'll give you 5 minutes to talk. Okay, you're free to go outside na. Hahaha syempre joke lang, kami nalang lalabas. Sanay naman kaming nagpaparaya eh." Ayon, Hugot si Capt.! Hahahaha! "Boys, tara sa labas." sabi ng leader tatay, tapos nagsi-sunuran naman yung mga bibe. HAHAHAHA JOKE. 


BAKA MAMAYA, DI AKO PAPASUKIN SA DORM E HAHAHA. 


"'Cci, ano?" panimula ni Brent. 


Okay, guys. Magseryoso muna tayo, ay ako lang pala. May mga panahon talaga kasing kailangan mong magseryoso. Ayun eh! 


"Brent, please?" sabi ko naman. 


"Huh?" Medyo di nya yata na-gets. 


"Brent, alam mong ginagawa ko lahat sa training para ma-impress si Coach, para masama ako sa First 5. Ngayong finals, mas gusto kong mapasama sa First 5." sabi ko. 

Torn (BrenCci Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon