4

5 2 1
                                    

Akala ko nananaginip lang ako kahapon. Totoo pala lahat yon. Akala ko joke lang. T.T

Goodmorning sunshine! May pasok ka di ba?

Yan ang bumungad sakin na message. Wag na tayo magtaka kung paano nya ko nacontact. Nauna pa sya gumising sakin! He already made my day.

Ang sarap padin sa feeling na may naggogoodmorning sayo na totoong tao. At hindi si simsimi lang ang kausap mo. Awwww.

Alam kong sya yon. Kahit di ko alam number nya at walang pangalan yung message nya. Ramdam ko eh.

Who's this? Good morning to you, too.

I replied back with that. And suddenly may tumatawag na sakin.

"Hey, Mio to."

"Uy! Aga ha."

"Do you casually reply to unknown numbers like that?"

"Uhh, oo? Naggoodmorning eh. Edi naggoodmorning din ako. Haha"

"Don't do that to other numbers ah. Lalo na kung di ako yun."

Ay si kuya possesive? Nakakaloka! Umaga palang winiwindang nako neto. Yung ngiti ko lumalabas sa umaga.

"Adik to. Feeling ko kasi ikaw yon. Kaya ko magreply ng ganun."

"Good. Get ready na. Baka malate ka. Hatid kita?"

Ouch. Wait lang. Sumakit yung panga ko bigla. Umabot hanggang tenga yung ngiti ko eh. Abot langit! Pinipigilan ko eh. Pero ergh. Nalabas talaga!

"Wala ka bang ginagawa? Haha!" Kunwareng ayaw, pakipot lang naman. Haha.

"Wala eh. Sanay pati akong may ginagawa at gumigising ng maaga so I'm making use of it today."

Hindi ko na mapigilan ngumiti. Shuta! Very highschool! Ngayon lang nagkacrush! Parang timang! Totoo, kinikilig ako na parang bata. Para kong tanga. Kahapon ko lang nakasama pero wagas naman yung epekto nya sa sistema ko. Lakaaaas!

"Get ready. You're going to be late. Daan ako jan in an hour."

Gusto kong sabihing, 'No need, I'm driving'. Pero hindi ko masabi! Parang may factor na gusto kong sunduin na lang nya ko.

At para naman akong tanga na super ayos. I dont wear makeup when going to school. Sa school nako nagaayos kasi. Kasi we have an office when I spend most of my time with. Grabe ha. Todo pustura. Kala mo may party ha. Kung makaayos akala mo sasagala. Hahahahaha. Bwiset ka Nana. Bwiset!

I'm near. Get ready.

Naghurumentado ang buong sistema ko sa message ni Mio. Parang natatae na gustong kiligin na gustong tumambling. Huy kalma, Na. Kalma.

"Stunning. Ang ganda ng umaga ko ha!"

Halos maubo ko eh. Badtrip! Bat ganun! Bakit ganoooooooon yung epekto sakin ng mg sinasabi nya? Hindi b dahil nagmomoveon lang ako? E jusko ang tagal na non magiisang tao na! Iba na to.

"Oa ha. Parang papasok lang ako sa school eh."

"No, totoo. Ang ganda mo talaga. I'm in awe"

"Leche! Malelate na ako! Haha. Tara!"

We then rode off. At alam nyo? He was just the most stunning driver I had. Taena, walang wala si Tom Cruise sa paningin ko sakanya. Iba eh!

"O sya malelate ka na. Text me when you're done. Magcocoffee lang ako at dadaan ng embassy."

As his gesture last night, he kissed me on my cheek. Hindi nako masyadong nastun. Pero shet. Nalalaglag naman pati sinulid ng p*anty ko!

At napatingin din naman ako talaga sakanya sabay iwas. Awkward bes!

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon