Chapter.3 Buried Garden

27 1 0
                                    

--
Nag dadalawang isip ako kung hahanapin ko yung Harold o hindi. Ang hirap naman mag hanap ng taong hindi ko kilala at lalong hindi ko alam kung saan hahanapin. Sinubukan kong mag tanong tanong sa iba pero karamihan sa kanila ay puro Student Faculty ang sagot sinubukan kong itanong kung nasaan ito pero sabi nila nasa likod lang ng building nito.

Kung kaya't nagtungo ako sa likod ng building at napansin kong medyo malayo pala ito na akala ko pag narating ko na yung likod nito ay may maliit na silid akong makikita. Habang patuloy ako sa pag lalakad ay namangha ako sa mga bulaklak at halaman sa gilid ng mga daan. Napahinto ako saglit saka nakita yung isang building na hindi naman kalakihan at may dalawang palapag lang naman ito.

Nang makalapit na ako sa building ay may biglang itim na paro-paro ang lumilipad sa harap ko. Sinubukan kong i lahad ang palad ko saka bumaba ito dito. Karaniwan pag mag gantong itim na paro-paro sinasabi nilang may patay o may mamatay. In good side of other minds sinasabi nilang simbolo ito ng yumaong mahal nila sa buhay na kahit papaano ay nag paramdam sa kanila.

Biglang humangin ng malakas saka lumipad yung itim na paro-paro sinubukan kong sundan hanggang sa nag palinga linga ako sa paligid at napansin kong nadala ako ng paro-paro sa likod ng building nito.

Nakita ko yung paro-paro na bumaba sa isang rosas na lanta dahil sa tagal na rin. Hanggang sa dumami yung mga itim na paro-paro sa paligid.

"I-Isa itong hardin. . ." wika ko sa sarili habang pinag mamasdan ang buong lugar. Mukhang hindi na ito naalagaan lumapit ako sa bilugang mesa at may dalawang upuan rito umupo ako saglit saka pinagmasdan ang paligid mula sa kinauupuan ko. Masarap siguro manatili dito habang umiinom ng tea saka magandang hardin ang nakikita ng iyong mga mata.

Pero napag iwanan na ito at hindi na naalagaan kaya lahat ng halaman ay namatay.

Napalapit ako sa isang puno na halatang sobrang tanda na habang nalalagas ang mga tuyong dahon nito.

Ang bigat ng pakiramdam ko parang ang lungkot ng paligid.

"Ms. Mirai"

Napaharap ako bigla sa nag salita. Saka biglang nag siliparan yung mga paro-paro palayo. Tinignan ko siya saka nakahinga ng maluwag.

"Ginulat mo ko" wika ko sakanya habang nakita kong nakatingin siya sa puno. May dumapo na itim na paro-paro sa kanang balikat niya.

"S-sorry" basag ko sa katahimikan ng paligid.

"You found this Garden" wika niya saka ngumiti.

"H-hindi n-nadala lang kasi ako sa paro-paro kaya hindi ko sinasadyang marating ito sa pag sunod saka sa mangha na rin." wika ko habang nahihiya sakanya.

"usual kasi masyadong colorful yung mga paro-paro na nakikita ko tapos ang gaganda nilang tignan pero namangha ako dahil itim ito at hindi ko inaasahan na marami sila rito."

Napansin kong pinagpag niya yung balikat niya saka lumipad yung itim na paro-paro.

"Mirai . . Butterflies can't see their wings. They can't see how truly beautiful they are, but everyone else can." wika niya habang seryoso yung mukha niya. " People are like that as well."  Bulong niya pero rinig ko iyon.  Ang lalim niya pero halatang may meaning yung sinabi niya.

"Let's go? And Can i have the documents Miss Mirai?" wika niya saka napa awang yung bibig ko dahil s-siya pala si Harold  . .

"S-sorr-" pinutol niya yung pag hingi ko ng tawad. "Wala kang kasalanan Miss Mirai nag kamali lang ng inutusan si Gng.Salazar" wika niya at saka nag tungo na kami sa loob ng Student's Faculty.

Pinaupo niya ko sa isang couch at sinubukan kong ilibot yung paningin ko habang may kausap siya sa telepono.

Sobrang linis ng office niya at naka ayos yung mga libro ayon sa mga categorya nito. Sa gilid ng malaking lalagyanan ng mga libro niya ay may malaking painting ng isang babae. Ang ganda nito hindi man ito hawig ni monalisa pero nakaka mangha ang itsura nakaupo ito sa mala pang reyna na upuan habang maayos at tuwid na naka upo habang bumagay yung puting bestida na suot nito, mula sa makinis at mala niyebeng kulay na balat sa mapulang labi nito at mapuputi at pantay na ngipin, maski yung mga mata niya ay nakangiti. Masasabi ko talaga na napakaganda ng painting samahan pa ng magandang ipinortrait nito.

"You have interest in paintings?" Basag nito sa katahimikan na kung saan napa lingon ako sakanya na kinagulat ko.

Jusme.. ikaw ba naman na bigla bigla nalang ito mag sasalita at susulpot sa likod mo.

"Sorry nagulat ata kita" wika niya saka tumawa ng saglit.

"A-ano... a-ang ganda lang nung babae" pautal na sabi ko.

"Tomboy ka pala" pang aasar nito saka tumawa. "Hala! Hindi no!" pag tanggi ko but he hold my chin and his face was so closer on mine.

"Just kidding. . Ayoko maging lalake ka and I already see how truly beautiful you are"  wika niya habang nag init at namula yung pisngi ko sa sinabi niya kaya bigla ko siyang tinulak para mapalayo yung mukha niya sakin.

Grabe pinag papawisan ako ng malamig kahit naka aircon naman itong office niya.

"H-hinding hindi mang yayari yun" wika ko lang saka ngumiti siya at bumalik sa desk niya.

"B-balik na ako sa klase Mr.Harold" wika ko na tatayo na sana ako pero "Wait... Just stay here Mirai.." pag pigil niya.  "P-pero--"  "I will handle it" wika niya lang sakin habang nakangiti.

Ang gaan agad ng pakiramdam ko sakanya. He just calm and serious at first but definitely he's kind but he had a playful side na sa tingin ko ay tinatago niya. He can Smile and Laugh but something inside of him that control those things. Something he put a limit on his own.

--

Vote. Comment. ThankYou.

♣ZACK.

ThinkingWhere stories live. Discover now