Chapter 4 Fake Love

29 1 0
                                    

---
Nagising ako nang tapik tapikin ni Lily yung balikat ko. Nakatulog pala ko ng hindi ko namalayan.

"Kairi nakita mo na ba yung transferee kanina?" Tanong ni Lily habang nag humihikab pa rin ako sa antok. Napailing lang ako bilang kasagutan sa tanong niya.

"kanina pa kasi wala." dagdag nito at mukhang malalim ang iniisip niya.

"Ano pangalan nung transferee? "

tanong ko sakanya.

"Nalimutan ko kairi" tugon niya lang saka umiwas ng tingin.

"Sige Lily bibili lang ako ng pagkain saglit" wika ko bago lumabas ng room.

Habang nag lalakad ako sa hallway ay sinubukan kong sumilip ng kunti sa dalawang nag tatalo.

"Pano pag may ibang nakakita sa inyo? Ano nalang iisipin nila?" Si Hannah at James, hindi na ako magugulat kung patago silang nag tatalo ng ganito.

"Shh... kindly Shut your F*cking mouth."  Inis na wika ni James dito.

"Wala na akong pakelam kung may makarinig o may makakita satin tutal ganun rin naman ginagawa mo! Pagod na rin ako James sa pag papanggap na masaya tayo sa mata ng lahat." Wika ni Hannah habang unti unti nababasag yung boses nito.

"P-pati sa harap nang mga magulang natin kailangan natin mag panggap na masaya sa pagiging tayo na matagal nang wala." Tama yung iniisip ko sakanila na pagpapanggap nalang yung ginagawa nila pero para saan? At bakit?

"Hannah hindi lang ikaw yung napapagod at nahihirapan pero wala tayong magagawa para sa reputation ng Pamilya nating dalawa ito. Kahit sinusubukan kong takasan, but every minute makes me realize all things that i've done is wrong." Mahinahong wika ni James habang niyakap niya ito. "Bakit kailangan nating matali sa ganto. Nasasaktan ako ng hindi mo magawang mahalin yung totoong gusto mo at yung lalakeng gusto ko sana" hanggang sa pareho silang umiyak nang patago.

Hindi ko maintindihan yung pag mamahal na sinasabi nila.

Pareho silang nakakulong sa pagpapanggap ng pag-ibig para sa reputasyon ng pamilya nila. Para silang mga puppet nang mga magulang nila.

----

Pabalik na kami sa klase habang naka sunod lang ako kay Harold mukha tuloy akong buntot niya tapos tinitignan pa siya ng lahat kaya napasimangot nalang ako.

"Ang gwapo niya talaga noh" narinig kong bulong nung mga babae habang kinikilig.
"Siya pa rin yung nag rank 1 last year diba?"  Tanong nung isa.
"Oo matalino talaga siya" pag sang ayon nung isa.

"Sobrang perfect niya kaya."  wika nung isang babae.

Hindi ko napansin na huminto si Harold sa pag lalakad kaya nabangga ako sa likod nito. "S-sorry" wika ko pero tinignan niya lang ako saka binaling yung tingin sa mga babae.

"Girls. . wala kayong klase?" tanong ni Harold habang nakangiti sa kanila.

Nakakapag taka nung tinignan ako ni Harold kanina, napaka lungkot ng mga mata nito hindi niya ba gusto na hinahangaan siya o ayaw niya yung nabangga ako sa likod niya.

"Sorry Mr.President babalik na kami sa klase" wika nung isang babae.

"O-oo tama siya aalis na kami Mr.Prez"

"Sige Mag-aral kayo ng mabuti" wika ni Harold habang nakangiti sa kanila at yung mga babae kumakaway pa bago umalis at nakangiti.

"Mirai wag kang yumuko at lagi mong tignan yung mga dinadaanan mo. Pano nalang kung nabunggo ka sa pader" wika nito na may halong pang aasar.

"Tch. . yung likod mo pader" wika ko saka sumimangot uli pero narinig ko yung mahinang pag tawa niya saka lumakad uli at sumunod lang ako na naka tingin sakanya.

Pag dating namin ni Harold sa klase ay may guro na nagsusulat sa harap. Tinignan niya lang kami saka  pinatuloy sa loob, sumunod lang ako. Halatang naka tingin silang lahat samin at agad akong umupo sa upuan ko.

Nakaka bingi yung katahimikan ng lahat pero kung tutuusin kung andito ba naman yung presidente sino ba naman yung hindi tatahimik.

Sinubukan kong sumulyap sa kabilang bintana at mukhang wala si Kairi dahil bakante yung upuan niya

nahagip ng paningin ko yung babae na nakatingin sakin kaya sinubukan kong ngumiti pero sumama yung tingin niya sakin. Aba't nginitian ko na nga sinamaan pa ko ng tingin kaya umiwas nalang ako ng tingin dun sa babae nakakatakot baka awayin ako. (Huhubels)

Asaan na kaya si Kairi bakit hindi siya pumasok. Akala ko ba ayaw niya yung hindi pumapasok sa klase.

nung dati pumupunta pa siya sa bahay namin para hatakin ako pumasok araw-araw sa school kaya nalungkot ako dahil wala nanaman siya.

"Yes Mr.Harold just guess.." 

"Literary 1640's pertaining to alphabet letters , from Fr. littéraire, from L."

"Great answer thank you" wika nung guro namin saka namangha yung iba. Ang galing niya. Napatingin ako sakanya at tumingin rin sakin na naka ngiti, kumunot lang ung nuo ko.

Lumipas yung dalawang oras ay natapos yung klase namin kay Sir. Valdez.

"Ryuji" tawag ko saka lumingon naman agad siya.

"N-nakita mo si Kairi?" Tanong ko sakanya.

"Hindi, bakit miss mo na?" kwelang tanong niya. Tumango lang ako saka lumapit siya sakin at pinat ung ulo ko na parang bata. Ngumiti lang siya bago lumakad palabas.

Nakaramdam ako ng lungkot pero biglang may nang bunggo ng kung sino man kaya napakunot ako ng noo.

"Let's go"

-----

Vote.Comment. Thank You.

♣Zack

ThinkingWhere stories live. Discover now