Chapter 5 First Night

18 1 0
                                    

     Nasa loob ako ng magiging silid ko, simple lang ito pero hindi naman ganun kaliit sakto sa dalawa o tatlong tao dahil may tatlong single bed naman. May isang C.R dito sa kwarto pero sabi ni Harold may dalawang Shower room naman pero hiwalay yung sa mga lalake at babae. Katabi lang ng dorm na ito ang Shower room para sa mga babae.

Napatango nalang ako habang nag eexplain siya, at oo siya yung bumunggo sakin kanina at nag aya kaya sumunod nalang ako sakanya.

"May tanong ka ba Miss Mirai?"

"Ahm... s-sino makakasama ko dito?" tanong ko dahil napansin kong may mga gamit sa isang single bed kung kaya't dalawang single bed yung bakante.

Napangiti siya bago mag salita.

"Si Miss Kyla" napatango nalang ako kahit hindi ko kilala.

"Karagdagan? Bago kita iwan Ms.Mirai"

"W-wala na. ."

"Sige maiiwan na kita mag pahinga kana" wika niya saka bago umalis ay nag iwan ng matamis na ngiti sakin.

Namula yung pisngi ko dahil aaminin kong sobrang gwapo ni Harold. Napaka desente at gentleman.

"Ughh!! Ano bang sinasabi ko kakakilala ko lang sakanya" napahiga ako sa kama. Ang lambot pero namiss ko bigla yung sarili kong kwarto sa bahay. Kung pwede lang dito si Milky, kumain na kaya siya? Siguro naman dahil hindi pababayaan ni mama si Milky.

nagulat ako nang may pumasok sa kwarto na babae at mukhang siya yung makakasama ko pero nakaramdam ako ng takot dahil siya yung babae na may hawak lagi ng tali, nakangiti ito at may dugo yung uniporme na suot niya.

"A-anong n-nangyari sa uniform mo?" utal na tanong ko habang takot na takot pa rin.

"T-tulungan mo ako"

"A-anong tulong? B-bakit may d-dugo ka? A-anong g-ginawa mo?" takot na tanong ko pa rin habang napapa atras ako hanggang sa napasandal nalang ako sa dulo ng kama at yakap yung mga tuhod ko habang nanginginig.

"Tulungan mo akong patayin sila" wika nito habang tumatawa, nakakabingi ito at palapit ng palapit sakin. Gusto kong tawagin si Harold pero sariling boses ko ay hindi ko marinig hanggang sa naramdaman kong may umaalog sakin at tumatawag ng pangalan ko.

"Mirai! "

"Gising mirai!"

Napamulat ako ng mga mata ko habang takot na takot habang tagaktak yung pawis ko.

"R-ryuji. ." nasambit ko lang saka niyakap niya ako hanggang sa tumulo ang mga luha ko. Panaginip, masamang panaginip lang pala.

"Tahan na buti dumating ako at naririnig kong nag sisigaw ka at napansin kong nakapikit ka at nananaginip."  Wika niya sabay abot ng isang basong tubig sakin.

"S-salamat" ininom ko yung tubig habang unti unti nahihimas masan na ako.

"Anong klaseng panaginip yung napanaginipan mo?" tanong niya habang nakatingin sakin.

"uhm. . N-nakakatakot siya m-may mga dugo" tanging nasambit ko lang saka tumulo muli yung mga luha ko.

"S-sorry, mag pahinga kana muna Mirai tatawag nalang ako ng nurse sa clinic para ma check ka" 

Maya maya may pumasok na babae napakunot ang noo nito na naka tingin kay ryuji at napatingin sakin saka dumiretso lang sa higaan nito at may inayos na mga gamit nito.

"Kyla bantayan mo muna si Mirai tatawag lang ako ng Nurse"

"Bakit ka nandito sa dorm ng mga babae?" Tanong nito habang nag aayos pa rin ng gamit nito.

"Pinadala sakin ni Harold yung kumot at unan ni Mirai dito kaya nandito ako."

"Okay" wika lang nito.

"R-ryuji wag kana tumawag ng nurse o-okay na rin naman ako gusto ko na rin mag pahinga." wika ko saka napayuko.

"Sigurado ka?" tumango nalang ako saka nag paalam nalang ito bago umalis.

Nahiga muli ako at sinubukan kong tignan si Kyla pero nag tulakbong ito ng kumot.

Habang lumalalim yung gabi ay hindi pa rin ako maka tulog namimiss ko siguro yung sarili kong kwarto. Tinignan ko uli si Kyla pero halatang tulog na ito.

Sinubukan kong buksan ang isa sa mga bintana para sumilip sa labas nakita ko yung building na tinutukoy ni harold na Shower room katabi nga lang talaga ng dorm. Ilang saglit lang ay may nahagip ang mga mata ko na pamilyar na tao sakin.

Palinga-linga ito sa paligid, nag taka ako dahil may kausap pala siya. Nabaling bigla yung tingin ko sa may pinto dahil parang may pumipihit dito. Agad ko sinara yung bintana saka dumiretso sa higaan ko habang pinikit ang mga mata ko at nag talukbong ng kumot.

Narinig kong nabuksan nito yung pinto saka may liwanag na tumutok sakin naramdaman ko yung pag lapit niya sa may bintana mga ilang segundo rin siyang nakatayo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at pilit na pinipikit ang mga mata para hindi niya malaman na gising pa ako. Narinig ko nalang ang maingat na pag sara niya ng pinto.

Sino kaya yun. .
at
Ano kaya ginagawa ni Kairi ng gantong oras sa labas. . .
at s-sino kaya yung kausap niya?

------

♣ Zack.

Vote.Comment.Follow Thank you.

ThinkingWhere stories live. Discover now