*GRADUATION DAY*
"Congratulations graduates"-wika ng aming school president.
"Woooooohhhhh!!! Ang saya graduate na tayo!"-sigaw ng isa sa mga kaklase namin.
"Congrats pare!"-bati sakin ng kaibigan kong si Jacob.
"Salamat pre!"-sagot ko sabay tapik sa balikat nya.
"Tae dirk!! Congrats para ngayon at congrats para sa inyo ni Alexine. Ninong ako ha!!"-masayang sabi ng hayop na si Zach.
"Ano ka ba Zach!!"-siko sa kanya ni Carleigh.
"Loko ka talaga. Oo ba, ninong kayong lahat kahit hindi ako ninong ng mga anak nyo."-tawang sumbat ko. Totoo naman eh.
"Tol, mabuti na yang nakabuo na kayo ni Mareng Alexine dahil napag iwanan na kayo! Hahaha"-singit naman nitong si Collin.
"Tara na guys!! Dahil may celebration pa tayo!"-sigaw ni Zale. May selebrasyon kasing gaganapin sa bahay nila Jacob. Balita ko din eh aalis sila ng asawa nyang si Terrylle papuntang amerika. Doon na ata manirahan pero hindi ako sigurado dahil alam kong may lihim na pag iibigan itong si Jacob at Emmaline. Ang gulo no? Ang totoo nyan. Fixed marriage si Jacob at Terrylle at sa kasamaang palad ay nabuntis nya pa ito nakaraang taon kaya nabuo si Errol at Edmund. Kambal pa! Lahi na ata nila Jacob yon. Hindi nya mahal si Terrylle, si Emmaline talaga ang mahal nya. Ewan ko lang kung bakit naging ganun ang sitwasyon nila.
"Wooooohhhh!! Ang saya naman ng hinanda mong selebrasyon Jacob."-sigaw ng kaibigan ni Terrylle na si Ellisze. That's why ayaw ni Jacob kay Terrylle dahil party goer ito at mahilig magfling 'daw', maldita at ewan. Samantalang si Emmaline ay mahilig lang magshopping dahil yon na ang nakasanayan nya. Tumawa lang si Jacob bilang sagot. Dahil nakadikit na naman si Terrylle sa kanya at halata mong nagpipigil.
Nakita ko naman ang mahal kong si Alexine dun sa sulok nitong garden kasama si Emmaline,Zale,Audrey at Carleigh. Kaya pinuntahan ko ito dahil maggagabi na baka mahamugan pa sya. Pagkalapit ko ay nakita ko si Emmaline at Audrey na umiiyak.
"Hey girls! What's happening here?"-tanong ko kaya napatingin silang lahat sa gawi ko.
"Hon!??"-tawag sakin ni Alexine sabay tayo at yakap sakin.
"Problem??"-tanong ko sa kanya. Tumango naman ito. "Mind to share?"-tanong ko sa kanila dahil ang tahimik na nila.
"Girls?? I guess we need to! Para malaman din nya."-suggest ng mahal ko.
"It's Emmaline's problem!"-kumunot naman ang noo ko.
"Hey! What is it?"-sabay luhod ko para magkapantay lang kami. Laging ako ang comfort zone ng mga girl friends ng mahal ko kaya sana'y na sila sakin.
"Buntis ako Dirk!"-biglang nagwala ng puso ko sa narinig ko kay Emmaline.
"Ano?!! Si Jacob ba?"-tanong ko at tumango naman ito."alam nya na ba?"-tanong ko ulit pero umiling lang ito. Lumingon ako sa kinatatayuan ni Jacob at nakita kong karga nya ang kambal nya.
"Paano yan? Ang alam ko aalis sila."-umiyak naman sya sa sinabi ko.
"I have an idea hon. Why don't you and the boys go out tonight. Kunyari despedida pero ang point nun is makapag usap lang si Jacob at emmaline. I think maiintindihan ni Terrylle yon."-komento ng magaling kong asawa.
"Mukhang malabong maiintindihan ni Terrylle yon!" Sabat ni Carleigh.
"Pero paano si Ebony at Slate? Eh asawa din nila ang mga kumag na kaibigan ni Terrylle?"-wika ni Zale.
"Papayag din ang mga yan"-saad ni Audrey.
"Susubukan kong kausapin si Jacob at Terrylle ngayon."-saad ko.
BINABASA MO ANG
Pair of Hearts
RandomPair of Twins. Different gestures. Similar in actions. Opposite attitudes. The same visions in life.