Chapter 3

1 0 0
                                    

*after 4mos*

"Aray!! Hooo.. Arrrraaayyyyy!! Hoooo"-sigaw ni Azure sa loob ng traysikel. Manganganak na sya."dirk kahit anong mangyari wag na wag kang hihingi ng tulong sa mga magulang ko naiintindihan mo?"-pakiusap nito sakin. "Arrrrraaaaaayyyyyyyyyy!!! Hooooo, hoooo!!"-sigaw nya ulit.

"Malapit na tayo hon, konting tiis pa!"-alalay ko sa kanya. Nakarating din kami sa ospital ngunit..

"Hindi po kaya ng misis nyo ang normal delivery mister kaya ililipat po namin sya sa operating room para sa cs"-wika sakin ng doktor na magpapaanak sa kanya. Alam kong kasya pa ang pera ko sa kapag na CS sya kaya hindi na ako nagtanong pa. Nakita ko nalang na pinapasok na sya sa OR.

*after 45 mins*

"Mr. Sarmiento??"-tawag ng isang nurse. Lumapit naman ako.

"Eto na po ang baby mo"-kumunot ang noo ko dahil isa lang ang binigay nya sakin.

"Bakit isa lang po ito? Kambal po ang anak ko?"-tanong ko.

"Sir.. Itinakbo po sa ICU ang isang baby dahil may heart failure po ito. "-biglang huminto ang takbo ng paligid ko sa narinig ko. Heart failure? "Sir, Mamaya po kukunin ulit namin si baby para malagay na po sya sa nursery section po"-dagdag nya. Kinuha ko nalang ang isang anak ko na hawak nya at tiningnan. "Ang ganda mong bata. Mana ka sa nanay mo. "-Ang tanging nasabi ko. Nag aalala ako sa isang anak ko.

"Ano po ang magiging pangalan nila Sir?"- tanong sakin ng staff.

"Ah.. Sila ay sina Purity Psyche Leev at Maureen Vallery Elyshia!"-sagot ko.

Andito pala ako sa record section dahil ipaparehistro ko na sila.

"Pasulat nalang po sir para sa tamang spelling"-utos nito sabay abot sakin ng xerox copy ng birth certificate.

*after 1 week*

"Uhaaaa, uhaa, uhaaaa!!"-iyak ng isang anak ko. Tulog naman ang isa. Pagtingin ko sa batang umiiyak eh halos magkulay itim na ito sa kaiiyak kaya sa sobrang gulat ko ay kinarga ko kaagad ito at ginising si Alexine.

"Hon, si Purity!!"-gising ko sa kanya.

"A-anong nangyari?"-tanong nya kaya tiningnan nya  ito."dyos ko!! Dalhin natin sya sa ospital!"-naiiyak na sabi nito. Kinarga nya din si Maureen para maisama.

*sa ospital*

"Hon, uwi na kayo ni Maureen.. Ako na magbabantay kay Purity dito."-nag aalala ako sa kanya. Simula nagsama kami hindi ko sya narinig na sinissisi ako. Ni hindi sya nagrereklamo.

"Mamaya na hon.."-sagot nya habang hawak hawak nya ang kamay ni Purity.

"Para makapagpahinga ka naman. Balik ka nalang mamaya."-bigla namang tumulo ang luha nya."bakit ka umiiyak?"-tanong ko.

"Tingin mo dirk? Gagaling sya di ba?"-umiiyak na tanong nya.

"Oo gagaling sya. Malakas ata si baby natin. Hindi sya basta basta nalang susuko"-haplos haplos ko ang buhok nya hanggang likod. Sa pamilya ko wala din akong aasahan dahil tingin ko galit pa sila sakin. Nauubos na ang perang inipon ko dahil labas pasok si Purity sa ospital sa loob ng isang linggo. Desperado na ako. Ayoko ding humingi ng tulong sa mga kaibigan namin dahil sobra sobra na ang naitulong nila samin. Ang tanging naisip ko ay ang pamilya nya. Sila nalang ang tanging paraan para sa kaligtasan ni Purity pero ang sabi nya hinding hindi kami hihingi ng tulong sa magulang nya.


"Hon, tingin ko hihingi na ako ng tulong kina Mommy."-wika nya nung dumating sila sa ospital kasama si Maureen.

"Akala ko ba ayaw mo kahit anong mangyari?"-tanong ko sa kanya.

"Sila nalang ang tanging paraan ang naisip ko. Kung kailangan kong lumuhod sa harap nila gagawin ko basta para sa inyo at ng mga anak ko"-sagot nya habang nanggigilid na ang luha sa mga mata nya. Niyakap ko sya.

"Pano kung ilalayo ka nila sakin?"-tanong ko habang yakap sya.

"Iiwan ko si Maureen sayo. Kailangan ni Purity ng operasyon. Kung dadalhin sya nila mommy sa amerika sasama ako pero dirk babalik ako. Lahat ng yon ay para sa kalagayan ni Purity. Sasabihin kong isang anak lang si Purity para hindi mahirap satin."-bigla naman akong naiyak sa sinabi nya. Magkakahiwalay kami.

"Ayoko Alexine! Dito lang tayo"-wika ko.

"Pero Dirk! Paano si Purity? Kaya ba natin syang ipagamot?"-tanong nya.
Tumahimik nalang ako dahil hindi ko din alam."kakasimula mo pa lang sa trabaho mo, ako ? Walang trabaho. Paano na?"-naiiyak nyang sabi.

"Payag na ako pero ipangako mong babalik kayo ng anak ko?"-wika ko habang kinakarga si Maureen.

"Pangako ko babalik kami kapag okay na lahat kay Purity."-sabi nya habang yakap yakap nya ako.

Nanghihina na ang tuhod ko habang iniisip ko na malalayo sila samin. Mahirap.

"Mag iiwan ako ng budget ni Maureen"-kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Mag iiwan? Bakit? Kailan pa bumalik mga credit cards mo?"-tanong ko.

"Doon na ako galing kina Mommy. Nakiusap na ako."-sagot nya.

"Alexine?? Gumawa ka ng paraan na ikaw lang ang nagdedesisyon? Minamaliit mo ba ako?"-galit na tanong ko.

"Dirk hindi. Sorry kung di ko nasabi. Sorry!"-hinging paumanhin nya.

"Ano ba tingin mo sa akin Alexine? Dahil ba hindi ko maibigay ang mga kailangan mo? Kaya ka nagdedesisyon ng ikaw lang! Ikaw mismo ang nagsabi na hindi tayo hihingi ng tulong sa magulang mo."-giit ko. Pakiramdam ko binuhusan ako ng mainit na tubig ngayon."wag ka na mag iwan ng budget ni Maureen. Kaya ko syang tustusan kahit hindi galing sayo. Pumapayag akong dalhin nyo si Purity sa amerika para sa operasyon pero siguruhin mo syang ibalik sakin kapag gumaling na sya"-dagdag ko habang kinukuha ko ang mga gamit ni Maureen na dala nya. Uuwi kami ng bahay. Itataguyod ko si Maureen. Alam ko na ang mangyayari sa  sitwasyong ito. Sana... Madaming sana.

*after 5 days*

Nabalitaan ko nalang na nakaalis na sila papuntang amerika. Si Zach at Carleigh ang magiging tulay ng pagkikita daw namin sa internet. Yon daw ang pakiusap nya. Hayst.

Nasa office ako ngayon. Nangangapa pa sa nangyari sa amin. Kay Carleigh  ko iniiwan si Maureen. Para makaluwang sa gastos ng yaya dahil sya na din ang nagpresentang magbabantay sa anak ko.

"Mr. Sarmiento!!"-tawag sakin ng secretary ng boss ko. "Pinapatawag ka ni sir sa office nya po."-dagdag nito.

"Salamat"-wika ko at nagsimula ng maglakad papunta sa office ni boss.

"Congratulations Mr.Sarmiento!"-bati sakin ni boss.

"Para saan po yon sir?"-tanong ko. Tumawa lang ito.

"Alam mo bilib din ako sa perseverance mo, bago ka pa lang sa kompanya ko pero you already closed 15 consecutive deals. And that last deal was the 25billion costs of that project."-nanlaki ang mata ko sa sinabi ng boss ko. Seriously? Pumayag si Mr.Songeu sa deal.

"Talaga po?"-di makapaniwalang tanong ko.

"Yes! And with that.. I want you to be the new executive manager of my company."-mas lalo akong nagulat sa sinabi nya.

"Po? Pero po baka.."-hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita din sya.

"No buts Mr.Sarmiento"-giit nya."So congrats again. See you on the next board meeting"-pagtatapos nya.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayong araw. Parang gusto kong magtatatalon sa saya.

Pair of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon