Chapter 1

2 0 0
                                    

"Hindi ako papayag na isang katulad nya ang mapapangasawa mo!"- boses ng ama ng minamahal ko.

"Mahal ko sya papa!"-sagot nito sa ama na umiiyak.

Nalaman kasi nila na may namagitan na sa amin at ang malala pa, may nangyari na sa amin.

"Hindi! At ikaw lalaki umalis ka sa pamamahay ko na ito ngayon din!"-pagpapalayas nito sakin.

"Kung paaalisin nyo po sya ngayon ay sasama po ako sa kanya!!"-sigaw nito.

"Hindi ako makapaniwala na magagawa mo sa amin ng Mama mo ito  Alexine!!"-sagot nya.

"Hayaan mo na siya Alex kung dyan sya masaya!"-napatingin kami sa nagsalita at ito ang mama niya.

"Ma, thank you!"-wika nito.

"Nagkakamali ka Alexine! Sige umalis na kayo kung yan ang gusto mo! Wag ka ng bumalik pa dito!"-usal nito.

"Ma!! Bakit po?"-tanong nito.

"Umalis na kayo Alexine!! Ikaw lalaki, ikaw na ang bahala jan sa kanya dahil yan din naman ang gusto nyo!"-wika nito sabay talikod samin.

"Ma!!!"-sigaw niya.

"Alex let's go!"- aya nito sa asawa at sumunod naman ito.

Niyakap ko si Alexine para makomportable.

"Dirk? Bakit ganun sila Mama't Papa?"-tanong nya sakin.

"Kasi mahirap lang ako. Nag aaral pa, ano nalang ang ibubuhay ko sayo di ba? Gusto mo ba dito ka nalang?"-tanong ko sa kanya.

"Hindi! Ayoko! Tara na umalis na tayo!"-aya nito sakin at nagpunas ng luha sa pisngi nito. Medyo bratinela ang babaeng nagustuhan ko.

Habang naglalakad kami papunta sa bahay namin ay napag usapan namin ang pag aaral.

"Dirk!! May naitabi akong 75K dito!"-ngising sambit nito sakin. Napabuga ako ng wala sa oras.

"Ano??! Saan mo naman galing yan?"-tanong ko. Grabe na sya.

"Alam ko na kasing tututol sila satin kaya naghanda na ako. Nag-withdraw na ako kanina sa ATM ko bago pa nila ito e-close!"-wala sa sariling sagot nito.

"Anong gagawin mo jan?"-tanong ko.

"Sandali!! Bakit ba tanong ka ng tanong ha?  Isa pa, naghahanda din ako dahil alam kong gyera na naman itong pupuntahan natin!"-nakapamewang na saad nito. Oo nga naman. Bakit ba kasi nabuntis pa tong bipolar na to?

"Alam ko. Pero dapat diba ako ang sasagot sa mga yon?"-sagot ko din pero binatukan lang ako.

"Bakit na naman Alexine? Nambabatok ka kaagad jan!"-maktol ko sabay himas sa ulo ko na tinamaan. Ganyan ata pagbuntis ano?

"Eh!! Bipolar pa ata yong nanay mo kesa sa magulang ko no!"-wika nito sabay cling ng kamay sa braso ko.

"Alam mo! Ganun talaga kasi dapat gagraduate pa tayo at tutulong sa kanila pero nauna pa ang magbuo ng pamilya"-sabay ngisi ko sa kanya bigla naman akong hinalikan nito sa labi.

"Para san yon?"-tanong ko nung kumawala sya. Ngumisi naman ito na na iba ang pinapahiwatig.

"Alam mo honey! Parang gusto kong maging kambal yong baby natin!"-namilog ang mata ko sa sinabi nya.

Kaya guys!! Hindi ko po sya pinilit or ano! Sya po ang namilit sakin. Haha

"Hon, di ba dapat e-settle muna natin ang lahat ng problema?"-sabay akbay ko sa kanya. Tumango naman ito at humawak sa bewang ko.

"Pagkatapos, gawa tayo ng isa pa ha!?"-sabay halik nito sa pisngi ko.

"Oo na! Kapag okay na ang lahat!"-wika ko. Mahirap pa naman kapag tinatanggihan ang babaeng ito. Ewan ko ba? Bakit nga ba ako nainlove sa baliw na babaeng ito.


Pair of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon