08. ( narration )

1.2K 69 26
                                    


Hina's

Nagulat na lamang ako dahil bigla ako chinat ni Jaemin. Kasi palagi nalang ako unang nagchachat sa kanya kaya nakakapagtaka talaga plus tinawag niya pa akong yeobo.

Pagkarating ko sa playground nakita ko siya nakaupo sa may swing nakayuko. Buti na lamang at hindi madilim ang lugar na ito actually, maraming ilaw dito kaya kitang kita ko siya mula rito.

lumapit ako sa kanya at sinabing,

“hoy, gaymin bakit nga pala?” pagkatanong ko sa kanya tumingin naman siya sa akin na ikinagulat ko. Umiiyak siya?

Mas nagulat ako nung tumayo at bigla niya akong niyakap ng mahigpit. “Hina..Yeobo...wag mo na akong iwan please handa ako magpakalalaki para sayo” huh? Yeobo?! Magpakalalaki!? GAYMIN TALAGA SIYA!!?!! OH MY GOD.

“Hina...please..dito ka lang..” naramdaman ko naman na humigpit yung yakap niya sa akin at humihikbi siya. Pero teka?! Lasing siya? Naaamoy ko kasi yung alak. “Jaemin..” bumitaw naman siya ng yakap sa akin tapos hinawakan niya yung isang kamay ko.

“Sorry, naging duwag ako noon..hina...mahal parin kita” pagkarinig ko bigla nalang tumibok ng malakas ang puso ko. Huh?! Naguguluhan na ako sa mga sinasabi niya, anong noon. Anong mahal parin. Aish hina lasing lang yan kausap mo.

“Jaemin, ihahatid kita sa inyo. Taga saan ka ba?” tanong ko sa kanya umiling naman agad siya at sinabing,

“Ayoko sa amin malademonyo nakatira doon, gusto ko muna sa inyo matulog” wala na ako magawa kundi pumayag dahil alam ko naman na dyan rin bagsak kahit magdebate pa kami.

Pero nakakapagtaka lang talaga yung mga sinasabi niya.

Jaemin, Magkakilala na ba tayo noon?

a/n: lame, Sorry.

GayminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon