Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 1

198K 5.4K 3.5K
                                    

Chapter 1

Naramdaman kong may tumatapik sa aking pisngi kaya nagtalukbong ako ng kumot ko kasi inaantok pa talaga ako. Hindi ko magawang maimulat ang aking mga mata.

“I said wake up!”

Hindi ko pinansin iyong humiyaw at ipinagpatuloy ang aking pagtulog. Ikaw ba naman ang manood ng K-Drama hanggang madaling araw.

Hindi pa rin ako maka-get over sa W, ang gwapo kasi ni Kang Chul—I mean, ni Lee Jong Suk.

“Gigising ka o bubuhusan kita ng malamig na tubig para bumangon ka lang?!”

“Bakit ba?!” Sinaamaan ko siya ng tingin kasi inabala niya talaga ang tulog ko. “Anong araw ngayon?”

“Hindi ko alam. Wala bang kalendaryo riyan at kailangan pang ako ang tanungin mo?!”

I rolled my eyes. Ano nga ba ang araw ngayon? Nilibot ko ang tingin sa loob ng kuwarto ko at napansin ko ang aking uniform na nakasabit sa likod ng pintuan. Wait—!

“Oh, God.”

Mabilis akong tumakbo papunta sa loob ng banyo at tinawanan naman ako ng babaeng iyon. Hindi ko alam na ngayon nga pala ang unang araw ng pasok namin sa nilipatang school.

Kami lang ang magkasama ni Gennica sa bagong nilipatan naming bahay kasi nasa ibang bansa si mama. Nasanay na rin naman kaming magkapatid na kami lang dalawa.

“Tara na!” She rolled her eyes.

Mas matanda ako sa kanya ng tatlong taon pero mas mature pa siyang mag-isip sa ‘kin. She was only fifteen years old.

Madalas din kaming mag-away pero siyempre, nagkakabati rin kami nang hindi namin namamalayan.

“Huwag mong kakalimutan ang dare natin, ha?”

Sumimangot ako nang paalalahanin niya ang bagay na iyon. Akala ko pa naman ay nawala na sa isipan niya, pero mukhang hindi na talaga ako makakatakas pa.

Nagpaunahan kasi kaming gumising at siya ang nauna kaya kailangan kong sundin ang dare niya. Ano nga ba ang dare ng magaling kong kapatid?

Ang manghalik lang naman ng isang stranger. Bakit nga ba iyon ang dare niya? Dahil sa tanda ko na raw, wala pa rin akong first kiss.

Hindi niya alam na mayroon na akong first kiss—sa screen nga lang. Paano kasi, ang babaeng iyon ay may first kiss na kahit na ang bata pa.

Bata pa lang ay kumakarengkeng na—joke lang! Actually, mayroon siyang boyfriend ngayon at tumagal na sila ng dalawang taon.

Legal na rin silang dalawa. Noong nasa hacienda pa kami ni lolo, palagi siyang binibisita ng boyfriend niya, pero long distance na sila ngayon kasi lumipat na kami ng bahay na malayo sa lugar nila.

“Welcome to Cross Sign University!”

“Bakit ganyan ang name ng university na nilipatan natin? Mga banal ba estudyante rito?”

Nang walang sumagot, I sighed. Hindi ko napansin na umalis na pala ang kapatid ko.

Habang pinagmamasdan ko ang pangalan ng school na ito, napa-sign of the cross na lang ako nang wala sa oras. Baka naman pagma-madre ang course rito?

Hindi maaari! Gusto ko pang mag-asawa ng mala-Lee Jong Suk ang kagwapuhan!

Pero sobrang ganda naman ng uniform namin kung para lang maging isa kaming madre. Parang pang-Korean ang style.

Akmang papasok na ako ng gate nang pigilan ako ng isang guard. Nagtaka naman ako.

“Teka lang, Miss. Nasaan ang ID mo?”

Accidentally Kissed the PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon