Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 3

98.6K 4.1K 2.1K
                                    

Chapter 3

Hindi ako mapakali mula sa kinauupuan ko dahil kanina pa ako sinusundan ng tingin ng kapatid ko. At ang mas malala, kanina niya pa tinuturo ng nguso niya iyong malanding lalaking na iyon.

Nakakainis, nakakagigil. Ikaw ba naman ang pagtripan ng ganoon na lang! Pinagmukha niya akong tanga kanina at ako naman itong uto-uto. Hindi ko naman alam na isa lang pala siyang stupidyante rito.

Narito ako ngayon sa cafeteria at mag-isa lang ako. Ewan ko ba, parang naiilang akong kasama si Stella. Minsan mabait, minsan naman ay maldita.

Hindi siya palaimik at minsan lang din siya ngumiti. May topak yata ang babaeng iyon. Sabagay, hindi ko pa nga pala siya gaanong kakilala.

Natanaw ko na paalis na ang lalaking iyon. Napansin kong sumimangot ang kapatid ko sa pag-alis nito.

Kasama niya ngayon ang bago niyang mga kaibigan. E 'di siya na ang may kaibigan, ako na ang wala.

Tumayo na ang kapatid ko mula sa kinauupuan niya at nakangising umupo sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong mayroon na naman siyang binabalak.

"Fine! Huwag na ang lalaking iyon. Hanapin mo na lang iyong nakasuot na pulang jersey. You will thank me, sis. Gotta go! A dare is a dare." She kissed my cheek.

Nakahinga naman ako nang maluwag. Mas okay na iyon kaysa naman ang malanding iyon ang maging first kiss ko.

Bakit ba kasi napaka-big deal sa kanila kapag wala pang first kiss ang isang tao? Kapag ba may first kiss ka na, roon na masasabing dalaga ka na?!

Matapos kong kumain ay agad akong uminom at lumabas ng canteen. Mabilis namang tumayo ang kapatid ko. Napabuga ako ng hangin kasi obvious naman na susundan niya ako.

Saktong paglabas ko'y may nakita akong lalaki na nakasuot ng jersey na red at mayroong apelyidong Samaniego. Hindi ko maisip na gagawin ko ito nang dahil lang sa isang dare. Wait—Samaniego?

Hindi lang naman siguro siya ang nag-iisang Samaniego sa paaralang ito. Pati kanina naman ay naka-uniform siya, kaya imposible na siya iyon.

Humigpit ang hawak ko sa palda ko habang dahan-dahang naglalakad papunta roon kay Mr. Jersey. Please, Lord, sana gwapo ang magiging first kiss ko at kung hindi'y kuhanin n'yo na po siya.

Gagawin ko ba talaga? Ang dami kayang tao rito. 'Pag ginawa ko iyon wala na akong mukha na maihaharap pa sa kanila.

Fine! Para matapos na ang dare na ito. Alam kong hindi ako tatantanan ng kapatid ko kapag hindi ko pa ito nagawa ngayon.

Masyado kasing spoiled ang babaeng iyon kay lolo kaya lahat ng mga gusto niya'y nakukuha niya.

Kapag hindi ko naman siya sinunod, mas malala ang gagawin ko. Ano nga ba? Kapag hindi ko sinunod ang dare niya ay magsasayaw raw ako ng twerk at ipo-post niya sa social media. Mas nakakahiya kaya iyon.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang nasa likuran na niya ako. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Hinawakan ko ang braso niya at hinila ko siya paharap sa 'kin kasabay nang paghalik ko sa kanya.

Nakatingkayad pa ako kasi sobrang tangkad niya.

Naramdaman kong nagulat siya at nang lumaon ay hinawakan niya ang batok ko at mas lalo niyang nilaliman ang halik.

Narinig ko ang kanilang hiyawan sa gulat sa ginawa ko. Alam kong sa oras na ito'y marami na ang nanonood sa amin. Ipinalibot ko ang mga braso ko sa kanyang batok.

He was now kissing me so hard. Hindi ko alam pero parang marunong akong humalik kasi nadadala ako sa paraan ng kanyang paghalik.

Bumalik ako sa realidad at agad ko siyang tinulak. Halos lumuwa ang aking mga mata nang makilala kung sino iyon. Gusto kong bumuka ang lupa at lamunin ako sa kahihiyang nararamdaman sa oras na ito.

Accidentally Kissed the PLAYBOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon