Chapter 4
Pagkagising ko pa lang, si Gennica na agad ang hinanap ko kasi humanda talaga sa 'kin ang babaeng iyon.
Pagkauwi ko kahapon ay naabutan ko na itong mahimbing ang tulog. Hindi ko naman siya magising dahil tulog mantika ang babaeng iyon.
As usual, mag-isa na naman akong kumakain kasi umuna na ang babaeng iyon. Why? Dahil nasa ibang bansa si mama, habang si papa naman ay lumipat ng kabilang bahay—I mean, mayro'n na siyang bagong pamilya.
Sa tuwing naaalala ko iyong pag-aaway nilang dalawa'y hindi ko mapigilan na maluha.
Hindi kami nabuo sa pagmamahalan nilang dalawa. They were married but they didn't love each other. Kinasal sila dahil lang sa isang arranged marriage.
Saktong umiinom ako ng tubig nang maibuga ko ang ininom ko. Iyong basong iniinuman ko'y mayroong drawing na babae't lalaki na nagki-kiss. Speaking of kiss—
"Leche kang playboy ka!"
Hindi ko talaga ma-imagine na siya ang nahalikan ko, at ang mas malala nito, pumayag pa akong magpahalik sa kanya.
Masusuntok ko talaga ang lalaking iyon. Akala niya ba na papayag pa akong magpahalik sa kanya kahapon? Siyempre, mabilis akong umalis sa impyernong paaralan na iyon para hindi niya ako maabutan.
Sa nangyaring iyon, maging sa page ng Cross Sign University ay ako ang pinag-uusapan. Ang landi ko raw, hinalikan ko raw ang prinsipe nila, at ang mas malala pa'y nalapatan daw ng virus ang mga labi nito.
Damn him. Just damn him! Napakalandi ng lalaking iyon. Kumukulo pa rin talaga ang dugo ko kapag naaalala ko iyong pagpapanggap niya na isa siyang teacher.
Planado pala ng lalaking iyon na palabasin ako para sabihin sa mga kaklase namin na iturin siyang isang teacher na dapat ginagalang. Nalaman ko lang ang bagay na iyon kay Stella.
Kung alam ko lang talaga na nagpapanggap siya, hindi ako magdadalwang-isip na sipain ang balls niya nang mabaog siyang tuluyan. Para naman hindi na rumami pa ang malandi sa earth na ito.
Mga salot sa lipunan!
"Hi Stella!" I greeted.
"Hey." She smiled.
Nagpabagal ako sa paglalakad at pinagmasdan ang kanyang likuran. Isa lang ang masasabi ko—sobrang sexy niya, at idagdag pa ang mahaba at maputi niyang mga binti.
Siguradong habulin ito ng mga kalalakihan.
"Good morning, honey."
I rolled my eyes. Binilisan ko naman ang paglakad ko. May impaktong sumusunod sa 'kin. Nawala na tuloy ako sa mood nang makita ko ang lalaking iyon.
Sa tuwing binibilisan ko ang paglakad, nagagawa niya pa rin akong abutan. Talagang iniinis niya ako!
Narinig ko ang bulungan ng ibang estudyante lalo na sa ginawa kong paghalik dito.
Itinakip ko sa aking mukha ang hawak kong libro kasi ang sasama na ng tingin nila sa 'kin. Kamalasan talaga ang dala ng playboy na iyon sa buhay ko.
Nang dahil sa paghalik ko sa kanya'y minalas na ako. Napairap ako nang maramdaman kong umakbay siya sa 'kin.
Umaabuso na ata ang playboy na ito at napaka-feeling close. Nilalandi lang naman ako ng gago!
"Layuan mo ako, malanding espiritu!" Nag-sign of the cross pa ako at mabilis na tumakbo palayo sa kanya.
Sa tuwing malapit siya sa 'kin ay hindi ko maiwasang kabahan. Baka bigla na lang akong halikan ng lalaking iyon. Sobrang landi talaga, siguro kung hindi siya ang nahalikan ko kahapon...malamang na payapa pa ang buhay ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Accidentally Kissed the PLAYBOY
Teen FictionWhen her younger sister dares Gianna to kiss notorious playboy Marcus Samaniego, she thought that was the end of it. But with one playboy, one dare, and one kiss, Gianna is in trouble, and everyone knows that falling for a playboy is a one-way ticke...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte