ISANG oras ng naghihintay si Shane sa tagpuan nila ng kanyang walanghiyang ex. Naiinip na talaga siya ng sobra. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong pinaghihintay siya. Noon, isa siyang maunawain na girlfriend. Kahit malate ito sa kanilang usapan ay pinagpapasensyhan niya na lamang. Lalo kapag tungkol sa pamilya at trabaho nito ang idinadahilan nito.
Isang halik at haplos lang nito sa kanya ay nawawala na ang init ng kanyang ulo. Sobrang minahal niya si Alberto. Ngunit sa tingin niya ay hindi sapat ang pagmamahal na ibinigay niya sa binata upang mas piliin nito ang lokohin at bilugin ang kanyang ulo sa halos isang taon ng kanilang relasyon.
Masakit sa kanya ang nararanasan niya. She always believe in happy ending. Feeling niya pa nga nung maging sila ni Alberto ay isang napakagandang fairy tale ang kanyang love life.
But she's wrong. She's so wrong.
How can someone like Alberto can be cruel to someone like her? Lahat-lahat ginawa niya sa relasyon nila. Ano pa ba ang kulang?
Sa sobrang sakit na kanyang nararanasan hindi niya namalayang parang bukal ng ilog na namamalisbis sa kanyang mga pisngi ang kanyang mga luha. Luhang sumisimbolo sa pagsuko niya sa kanyang pagkabigo sa pag-ibig. Mga luhang kanyang nagiging katuwang sa sakit na bumabalot sa kanyang pagkatao.
"Love, anong nagyari sa'yo?! Sino ang nagpaiyak sa'yo?" Puno ng pag-aalalang tanong sa kanya ni Alberto na marahil sa tindi ng kanyang pagdadalamhati ay hindi niya na napansin ang pagdating.
Isang matalim na tingin lamang ang ibinigay niya rito.
Hayop ka! Minahal kita! Lahat lahat ng oras ko ibinigay ko lang sa'yo tapos lolokohin mo lang pala ako. Nanggagalaiting turan niya sa kanyang isip habang matalim pa rin ang tinging ipinupukol niya rito.
"Love, why are you looking me like that?" takang tanong nito sa kanya.
Ngumiti siya ng mapait bago sinabing, "You know what, Al. It's funny how people act as if they don't know what is going on around them and why the people around them are hurt because of them." Mataman niya muna itong tinitigan pagkuwa'y sinabi niyang, "Let's end this. It will not work. You know why?! You know why?" Nanggigigil na tanong niya rito.
"Why, my love? What have I done wrong?" Takang-taka pa ring tanong ni Alberto sa kanya
"You're having an affair with someone else! And that someone is a gay, Alberto! Do you know how insulted I feel right now? Don't touch me!" Aniya rito nang akmang hahawakan siya nito.
"Love, I don't know what you're talking about." Shocked na turan nito sa kanya. Kitang kita niya na may dumaang recognition sa mga mata nito ngunit mabilis naman iyong napalitan ng lungkot.
"Huwag kang magmaang-mangan diyan. Mukha kang tanga. Simula ngayon ayoko ng makita ka, ni anino ng hintuturo mo ayokong makita. Sumama ka sa na sa baklang kalampungan mo noong isang araw." Aniya rito.
"Ano nagulat ka? I've heard everything. Narinig ko kung paano mo itanggi ang existence ko sa buhay mo at kung pano mo siya hinalikan na parang mahal na mahal mo siya." Naluluha na namang sumbat niya rito.
"Sharmaine---" Tawag nito sa pangalan niya.
"Don't talk. Just don't talk. Malinaw sa'kin na siya ang pinili mo. Hindi ako nanggulo at kahit masakit at nakakainsulto pinili kong manahimik. Huwag ka ng magpakita sa'kin simula sa araw na 'to. Break na tayo." Aniya rito na sinundan niya ng pag-alis.
BINABASA MO ANG
This Gay is MY GUY
De TodoShane is a hopeless romantic girl until her boyfriend broke her heart nang ipagpalit siya nito sa isang mayamang bakla. Simula noon isinumpa niya na ang lahat ng bakla sa mundo. And then came the hunky papabol na si Aviel who happened to be a recen...