Chapter 1 ✈️

97 5 0
                                    

ARA's POV



for a girl like me, simpleng student-athlete noong highschool na nangarap lang na maging isang varsity ng isang malaki at magandang UAAP participating na University, sino nga ba ang magaakala na mangyayari sakin lahat ng meron ako ngayon na pinapangarap ko lang noon? Student-athlete na sa DLSU Manila, starting six pa. And guess what? May bonus pa!


Exactly 3 years ago, sino nga ba ulit ang magaakala na ang isang gaya ko ang makakakuha ng puso ng isang Thomas Torres di ba? Sino ba ang magaakala na ang isang normal na volleyball player pala na hindi naman gaano kilala at hinahangaan na napasok lang sa isang ordinary at hindi sikat na school ang magpapatibok ng puso ng isang lalaking basketball player na sikat at hinahangaan ng madami na nagaaral sa isang kilala at sikat na school. Well iba nga talaga kumilos at pumana si kupido.




"Tomsy! Andito na tayo" nakangiting sabi ni Mika, ang bestfriend ko. Batchmates kami, sabay kami dumating sa La Salle at sa team. Hindi din naman nagkakalayo ang ugali naming dalawa kaya hindi na din nakakapag taka kung bakit kami naging magbestfriend nitong si Mika. Agad ko naman inayos ang sarili ko at kinuha ang bag ko sa likod na upuan ng kotse niya.



Right now very limited lang ang pag lakad ko dahil sa injury  na nakuha ko this season. ACL siya, and sad to say nangyari siya sa laban naminpara makapasok sa Finals. Syempre masakit para sakin an hindi ko natapos ang game dahil kinailangan ako dalhin sa hospital at mas masakit na  hindi ako makakatulong sa team pero sobrang saya ko para sa team kasi naipanalo pa din nila ang do-or-die game namin against NU. And still naka cast pa din ang tuhod ko and I'm still using crutches dahil 3 weeks pa lang ang nakakalipas since my surgery.



"Sorry tomsy ha kung hindi kita masasamahan ng buong araw para matulungan ka sa pagkilos mo."

"Ano ka ba, hindi pa naman ako baldado no!" Natatawa kong sabi sa kanya

"Di bale, ihahatid naman kita dun oh." Turo niya, "mukang kanina ka pa inaantay ni Tita." Napangiti na lang din ako ng makita ko si Tita Jane na kumakaway samin ni Mika na para bang kanina pa kami inaantay na dumating.

"Thanks daks!" Masaya kong bati sa kanya.

"Ikaw pa ba? Eh mahal na mahal kaya kita!"

"I love you too! Oh my ghad daks! KaRa is so legit na -- ARAY!!" Napahawak na lang ako sa ulo ko

"Ilang batok gusto mo ha? And eeewww may Jeron ako at may Thomas ko so its a big N-O!" Natawa na lang ako sa pagiging OA ng bestfriend ko.

"Oo na. Thank you po mahal na reyna!" Tumawa din si Mika. Agad naman siya bumaba sa kotse  kinuha ang crutches  ko sa likod, pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan ako na maglakad papunta kay Tita Jane.






"finally naandito na din kayo." agad naman bumeso sakin si tita Jane at niyapos ako.

"hello po tita!" bati ni Mika sa kanya, "pasensya na po at kayo muna ang tutulong na umlalay dyan kay Victonara, hindi po kasi ako pwede magtagal kasi po may lakad ako." at saka bumeso ito.

'Til They Take My Heart Away ♥✈️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon