Chapter 8

105 3 2
                                    

Okay. I'll be honest with you guys, these past week kasi ay iniiwasan ko si Dj. Yep, iniiwasan ko ang bestfriend ko. Pakiramdam ko kasi totoo na yung mga sinasabi ng girl friends ko e. Yes, it is possible na I like that idiot. I like my best friend. I like Dj. 

But, 'like' pa lang naman e. Crush lang. Hanggang doon lang pero normal naman 'yun diba? Pero bakit ang nifi-feel ko mali? E kasi naman sa dami ba naman ng lalaki na magugustuhan ko ay sa bestfriend ko pa? Kamusta naman 'yun?

Hindi ako manhid. Alam ko namang nagtataka na si Dj kung bakit iniiwasan ko siya. Oo na ako ng obvious pagdating dito. Ganito kasi 'yon, Monday.. niyaya niya akong mag-lunch, pero ang sabi ko ay sumabay siya ka Julia. Tuesday, sinundo niya ako sa bahay pero I told him na masakit ang ulo ko kaya nagpa-late na lang ako ng pasok. Wednesday, naglalakad ako pauwi ng bahay ng sinabayan niya ako pero bumalik ako sa school dahil ang sabi ko nag-text yung isa naming teacher. Thursday, MAPEH namin 'yun kami dapat ang partners pero I excused myself at pumunta sa clinic (totoo yun) kaya sila ni Julia ang magkapartner that time. Friday, pumunta si Dj dito sa bahay at nasa kwarto ako so nagpanggap ako na natutulog ako. Umalis na din siya kasi mukha namang naniwala sa acting ko.

Saturday ngayon and I'm busy doing my article. Oo, member ako ng school paper namin. Hawak ko ang sports category. Bale, mga questions pa lang or ideas yung nagagawa ko dahil wala pa akong nahahanap na athlete na pwede kong i-feature sa article.

  "So bakit mo ako iniiwasan this past week, Kathryn?" halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig kong nagsalita. Sh*t, he's mad. Lagoooot. Anong gagawin ko?! Nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi niya nakikita ang mukha ko. Dumaan pala siya sa veranda. Sh*t, ang tanga ko.

  "Masyado kang nagiisip, Dj. Bakit naman kita iiwasan diba?" I tried na hindi mautal-utal habang kinakausap ko siya. Anytime, pwede akong manlumo dito pero hindi pwede. Lalong magagalit sa akin 'tong si Dj. 

  "Really? It's obvious Kathryn. I don't know the reason pero I want to say na I'm sorry. Kung ano man 'yung nagawa ko, ipagpaumanhin mo. Hayaan mo sana na makabawi ako sa'yo. Pwede ba yun?" I faced him. Kanina halata sa kaniya na galit siya pero bumalik na ulit siya sa dati. Pero hindi ko gets yung gusto niyang sabihin.

  "What do you mean?" I asked him.

  "Well, spend the night with your oooooh-soooo handsome bestfriend?" taas-baba ng kilay ni Dj. Napatawa naman ako ng kaunti doon dahil hindi bagay sa kaniya. Mukha kasi siyang special child doon. Shems lang, ang sakit sa tiyan. 

  "Wait for me sa baba, maghahanda lang ako." patayo na sana ako pera bigla niya akong hinatak.

  "Ayos na 'yang suot mo! Isang oras masasayang e!" pagkatapos niyang magsalita ay hinila niya na ako kaagad pababa ng kwarto. Nagulat nga 'yung dalawa kong kapatid e. Pati sila mommy at daddy. Pero ngumiti lang din naman sila sa amin.

  "Tita't tito, hiramin ko po muna 'yung bestfriend ko! Sige po!" hyper na hyper na pagkasabi na Dj at hinatak niya na naman ako palabas ng bahay namin. Naka-park na pala doon ang kotse nya at sumakay kami kaagad. Ang simple simple lang namin ngayon. Naka-shorts ako with matching stripes na long-sleeve tapos siya white t-shirt lang with matching camoflauge na shorts. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 01, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I love you, bestfriend.Where stories live. Discover now