Chapter 7

139 5 1
                                    

  "What are you doing here? Bumalik ka nga doon." Sh*t naman kasi. Bakit ba walang taxi na dumadaan sa school na 'to. Seryoso, sikat ba talaga 'tong school nila Miles? Eh bakit ang tagal-tagal ng mga taxi. Lord, kahit isang taxi lang o para makaalis ako dito.

Oo na! Naiilang ako masyado. Matapos ba naman akong pagsabihan ng mga kaibigan ko ng ganon. Gets nyo naman siguro kung ano diba? Pero syempre, nakakailang! Gulong-gulo na nga ako mas lalo pang pinagulo. Tell me, ang malas ko ba?!

  "Kath, you're not listening to me." Nabigla naman ako nung biglang nagsalita si Dj. Pero aaminin ko lutang talaga ako, hindi lang ngayon pero these past few days din. Hindi ko naman napansin na kanina pa pala siya nagsasalita. Pasensya naman.

  "Busy nga kasi ako sa pagaabang ng taxi!" sagot ko sa kanya. Totoo naman e. Ang tanging gusto ko lang naman na mangyari ngayon ay makasakay ng taxi at maka-uwi na ng bahay. Eh sa pagod ako e. Wala kayong magagawa.

  "I can drive you home if you want." sabay ngiti niya sa akin. Tss. Kung parang dati lang kami, hindi na ako nagpapaalam dahil basta basta na lang akong sumasakay sa kotse niya at sasabihin na ihatid ako sa bahay pero iba na nga kasi ngayon. Dumating na nga kasi si Julia Barretto!

  "You can't do that! Bumalik ka na nga doon!" pagtataboy ko sa kanya. Sure ako ngayon na hinahanap na siya ni Julia niya. Bakit ba kasi nasalo niya lahat ang kakulitan ng ipinagkaloob ng Diyos sa kalangitan! Pati ako sumasakit ang ulo dito. 

  "Please Kath..." tingnan mo 'to. Nakuha pang magmakaawa sa akin. Tiningnan ko lang siya ng matagal. Ano bang tumatakbo sa isip ne'to?! Manhid ba 'to at hindi niya maramdaman ang nararamdaman ko?! Aba, bakit parang double meaning ata ang sinasabi ng isip ko?! Baliw ka na Kath!

Nanatili kami sa ganong posisyon pero ang pinagtataka ko lang ay bakit wala pang dumadaan na taxi dito?! Hello, ilang na ilang na ako! Lord naman e, nagsimba naman ako a. Bakit ganito ang sitwasyon ngayon?!

Pero dahil mabait si Lord ay pinapunta niya si Julia sa amin. Oh diba, ang astig talaga ni Lord. Pero Lord, bakit si Julia naman?! Di ba pwedeng si Lester, Miles or Mariko na lang. Pero anyway, salamat Lord a!

  "Daniel, I've been looking for you!" sabay cling sa braso ni Dj. Hello, may tao po dito? Ganito na ba talaga ako kapayat at parang poste na lang sa paningin niya?! Teka, kailan pa nag-heels ang poste?! Okay ako ng mais. Pagbigyan nyo ako.

  "Daniel, let's go!" sabi ni Julia sa kanya. Aba't walang balak na pansinin ako. Sige, hangin lang ako dito. Oo, wag nyo 'kong pansinin. Sige, magharutan pa kayo sa harapan ko. Ayos na ayos sa akin dahil para lang naman akong nanonood ng movie. Sige! 

Pero..

DANIEL JOHN FORD PADILLA!! Hindi ko namalayan na hatak hatak niya na pala ako pabalik doon sa tambayan. Aba't bastos talaga 'tong mokong na 'to. Hindi ako ipinanganak para hila-hilahin lang! Lord naman, bakit ba ang swerte ko ngayong araw?! Grabe naman.

  "Oh akala ko ba aalis ka na?" tanong sa akin ni Lester. Sus if I know nang-aasar lang 'to. Tss. Wag nyo nga akong igaya kay Dj na manhid, obvious naman na puno ng sarcasm ang sinabi ng Lester na 'to.

  "Sabi ko nga aalis ako pero hinila ako ni Dj pabalik dito." mabait akong bata kaya sinabi ko sa kanila ang totoo. Duh! Dagdag kasalanan din 'pag nagkataon. Magalitan pa tuloy ako. Tss. Bwiset naman kasi si Dj at hinila ako dito. Naka-heels kaya ako! Anong feeling?! M-A-S-A-K-L-A-P!

  "Eh bakit ang ampalaya ng mukha mo diyan? Mapait?" tanong ulit sa akin ni Katsumi. Ewan ko ba kung nagjo-joke ba 'to o kung ano. Seryoso kasi ang mukha. It's a miracle! Seryoso, ang isang KATSUMI KABE nagseseryoso?! Magpapamisa nga ako ngayon!

I love you, bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon