Some Enchanted Evening

22 1 0
                                    

LEI

________

Papunta na kami sa Fate Ball. Oo. Pumayag kami sa condition ni G. Inassure naman nya na hindi marereveal ang mga pagkatao namin. He's sticking to the idea na gawing mysterious ang advertisements ng Secret Identity. Kaya ngayon, fully prepared kami para sa Fate Ball na ito. Pero syempre, sobra ang kaba ko. Isang taon na ang nakaraan mula noong nagperform kami sa harap ng maraming tao. Hindi maganda ang kinalabasan ng gabing yun. Sana naman ngayon, okay na.

"Lei, masama ba ang pakiramdam mo? Okay ka lang?" sincere na tanong ni Stef.

"Oo. Kinakabahan lang ako," sagot ko. Ngumiti ako nang bahagya para maassure sya na okay lang ako. Tama nang ako lang ang kinakabahan sa amin.

"Alam mo wag ka nang kabahan. Nagpractice naman tayo ng isang beses," sabi ni Max.

Mas lalo yata akong kinabahan. Di ko alam kung paano nila nagagawang maging confident sa ganitong sitwasyon. Pero di naman ako masyadong kinakabahan pag kasama ko sila sa stage at kapag di ko nakikita ang audience. Kaya nga hindi ko isinuot ang contact lens kahit yun ang utos ni G. para di ko masyadong makita yung mga tao. Pag wala kasi akong salamin, yung shapes lang ng mga tao at bagay ang nakikita ko. Di ko marerecognize ang hitsura nila maliban na lang kung kilalang kilala ko katulad ng mga soulsis ko.

Nang makarating kami sa venue, sinalubong kami ni Miss Chels. Sa likod kami pinapasok at hindi sa main entrance. Secret pa daw kasi ang tungkol sa pagpasok namin sa Fate.

Nasa isang kwarto kami sa backstage. Tatawagin na lang daw kami pag magpeperform na.

Ilang saglit lang, tinawag na kami ni Miss Chels para magready. Tumayo na kami para pumunta sa stage. Humawak ako sa braso ni Bien for support kasi nga malabo ang paningin ko.

Madilim ang buong stage. Nakapwesto na kami sa kanya-kanya naming instruments. Ako at si Bien ay suot na ang gitara sa balikat namin. Si Stef ay nakapwesto na sa drums habang si Max ay hawak na ang violin.

Huminga ako nang malalim at pumikit. Inalala ko lahat ng pinag-usapan namin kanina. Sabi ni Stef, kunwari daw nasa Destiny's Haven kami at magpeperform for Lady D. while playing dress up. After all ang gaganda ng mga suot namin. Mga bagong creations ni G na next week pa nya ilalaunch. Kaya ang pinakareminder nya eh wag na wag naming dudumihan o sisirain.

Black and white ang mga gowns namin. Sa amin ni Stef, mas nangingibabaw ang white at may details lang na black. Kay Bien at Max, mostly black with white details. Sobrang ganda. Para nga kaming mga prinsesa. Yung maskara namin ay black with silver na sparkly and shimmery. Kahit yung mga sapatos na hindi naman makikita dahil mahahaba yung gowns, napakaelegante din. Magaling talaga si G kahit medyo masungit.

Nagsalita na si Miss Chels for introduction. Madilim ang buong paligid maliban sa kinatatayuan niya na may nakatapat na spotlight.

"An enchanted evening to everyone! Tonight, we celebrate the 75th Fate Ball and in connection with this wonderful celebration, more surprises are in store for everyone as the school year begins this coming June. But for now, four ladies will make this evening even more enchanting by serenading us with their incredible talent. And here they go..."

Namatay ang spotlight at unti-unting nabuhay ang mga ilaw sa stage. Dim lang naman ang mga ilaw at sa stage lang kaya di masyadong kita ang audience. Buti naman.

Sinimulan nang tugtugin nina Bien at Max ang intro ng kanta. Enchanted by Taylor Swift ang napili naming iperform. Ang sabi kasi sa adventure slip, make this evening an enchanting one by performing a song. Literal na enchanting ang kanta.

Sobrang tahimik ng audience kaya nakakapangilabot pakinggan ang blending ng gitara ni Bien at ang pagtugtog ng violin ni Max.

Huminga ulit ako nang malalim bago sinimulan ang pagkanta.

Destiny DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon