Then I Met Mr. I-have-a-business-with-you

23 2 0
                                    

MAX

_______

Halos hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari kagabi. I caused the failure of our adventure and it's all because of the lame reason that I'm scared to face my family. I want to be much stronger than that.

Hindi ko alam kung bakit ko sila pinagtataguan. It's not like they'll kill me once they found out I'm there. Ayoko lang kasi na madagdagan pa ang disappointment ni Mommy sa akin. And I really wanna spend more time with my co-Warriors. Naisip ko kasi na baka marami na akong na-missed out dahil one year akong wala. Buti na lang ganun pa rin sila. Hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo nila sa akin though I know how they're trying to adjust to my changes. I'm very lucky to have these friends who are willing to leave such event para lang matakasan ko ang ginawa kong kasalanan.

Kaya naman hindi ko na sinabi sa kanila ang nangyari kagabi while I was waiting for Stef sa parking area. Nandun sa hotel na yun ang mga nakalaban naming gang last year. Hanggang ngayon pala hinahanap pa rin nila kami. Siguradong sila ang may kagagawan ng biglaang pagkamatay ng mga ilaw kagabi. At siguradong dahil yun sa amin.

Nakasulat ang mga Warrior name namin sa kanang kamay katulad noong ginawa namin ang Adventure No. 2 kaya siguradong nakita nila kami. Kaya lang, paano nila nalaman na magpeperform kami ng gabing yun?

Nag-iisa lang ako sa parking area kaya nacorner nila ako. Tatlo lang naman sila at kaya ko namang makipaglaban pero nakagown ako, nakaheels, at medyo frustrated dahil sa pagtatago kina Mommy kaya wala akong nagawa. Sa tingin ko naman hindi nila ako sasaktan kaya tumahimik na lang ako.

"Tingnan mo nga naman ang swerte. Nakita din natin ang Warrior of Destiny na ito pagkatapos ng isang taon. Siguradong matutuwa si Leader nyan," sabi nung isa sa mga kasama nya.

"Hoy, ikaw si Dark Blaze di ba?" tanong sa akin nung isa habang nakatingin sa braso ko. Tinanong pa nya eh nakasulat na nga sa braso ko di ba?

Hindi na lang ako nagsalita at tinakpan ko ang kanang braso ko.

"Pare, di yata magsasalita yan. Ano bang utos ni Leader?"

"Pinapunta tayo dito dahil nandito daw ang Warriors of Destiny."

"Nakita na natin itong isa. Kailangan ba yung apat ang mahuli natin?"

"Wala naman sinabing hulihin natin. Ano palang gagawin natin dito? Tawagan mo nga si Leader."

Mukhang engot 'tong tatlong 'to. Napakadaling takasan pero napagpasyahan kong magstay muna para malaman ko kung bakit ba nila kami hinahanap. Sobra naman kasing dahilan yung pagkatalo nila sa Battle of the Bands para magtanim sila ng galit sa amin na umabot ng isang taon, di ba?

Lumayo yung isa para kausapin yung leader nila. Ako naman ay nakacross arms na dahil naiinip na ko sa mga ito.

Nang bumalik yung isa, may inabot sya na papel sa akin. Tiningnan ko lang yung papel. Wala sana akong balak kunin yun pero pinagpilitan nya.

"Kunin mo to. Pinapabigay ng leader namin. Imbitasyon para sa inyo. Saka kailangan nyong sumama muna sa amin ngayon. Nasaan yung iba mong kasama?"

Ano daw? Kung makapag-utos itong mga ito, parang bayad nila ang kaluluwa ko. Bakit kami sasama? Ano 'ko sira?

Kinuha ko na yung papel. Binuklat ko sa pagkakatupi at binasa yun.

To the Warriors of Destiny,

We are requiring you to join our gang RSVP.

Meet us at the basement of Innova Building.

-Leader

Napasmirk ako pagkabasa ko ng sulat nila. Requiring talaga? Umiling na lang ako at pinunit ang sulat sa harap nung tatlong bugok na itlog. Nagulat sila sa ginawa ko. More like nagalit.

Destiny DiariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon