BIEN
________
Ayoko talagang magpunta sa mga ganitong lugar. Kung di ko lang importanteng kaibigan si Dada, hindi ako pupunta dito sa airport. Ayaw ko kasing makakita ng mga umaalis. May mga nag-iiyakan pa dahil iiwan sila. Mga ganitong eksena kasi ang makikita sa airport.
Ten years old ako nang iwan kami ng magaling kong tatay. Di ko alam ang dahilan kung bakit sya umalis. Basta ang alam ko, hindi na nya kaya ang mahirap na buhay. Yun ang narinig ko nang mag-usap sila ni Mama. Nagmamakaawa noon si Mama na wag nya kaming iwan pero ginawa pa rin nya. Ilang araw ko syang hinintay. Araw-araw, nakaupo ako sa labas ng bahay namin at inaabangan ko ang pagbalik nya. Pero hindi sya dumating.
Si Mama naman, hindi ko na makausap. Lagi lang tulala o kaya naman umiiyak. Iniisip ko nga noon, patay na si Papa. Kasi nagluluksa si Mama. Hindi rin sya kumakain. Minsan, nakakalimutan pa nyang magluto kaya ako na lang ang gumagawa. Pati paglalaba at paghahanap ng kakainin. Buti na lang tinutulungan ako noon ni Lady Destiny at ng fellow Warriors ko, kung hindi, baka namatay kami sa gutom.
Isang araw, pagbalik ko sa bahay namin, nagulat ako dahil nakakalat lahat ng gamit namin. Inisip ko na baka pinasok kami ng magnanakaw pero imposible yun dahil hindi naman kami mayaman at maliit lang ang bahay namin. Nakita ko si Mama sa isang sulok at nag-iiyak. Tapos paulit-ulit nyang sinasabi sa akin na "Paano na tayo?"
Nalaman ko na lang na buntis pala sya kay Tetet. Mula noon, mas lumala si Mama. Lagi syang malungkot. Pinipilit naman nyang magtrabaho pero lagi syang wala sa sarili.
Noon ko sinimulang pasanin ang responsibilidad para sa pamilya namin. Nagtrabaho ako sa hacienda nina Stef. Doon sa manggahan. Nagkonduktor din ako sa jeep na pinapasada nung kapitbahay namin.
Binibigyan ako ng pera ni Lady Destiny noon pero ayaw kong tanggapin kung wala akong magagawa para sa kanya kaya nagtrabaho na rin ako bilang tagalinis ng bahay nya at taga-alaga ng garden nya. May green thumb daw kasi ako, sabi nya.
Yun din ang simula ng pagiging matapang ko. Sinasabihan ako ng mga kaklase ko na baliw daw ang nanay ko kaya iniwan kami ni Papa. Kaya naman madalas akong mapaaway.
Nang ipinanganak si Tetet, mukhang naging okay na si Mama kahit papaano. Kaso sakitin si Tetet. Mahina ang puso nya at may asthma sya. Sinisi ni Mama ang sarili nya. At isang araw, iniwan din nya kami. Sabi nya, may aayusin lang sya. Pero di na rin sya bumalik.
Yun na nga ang bitter beginning ko. Pero at least may natutunan naman ako sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay. Una, ang mga lalaki ang unang nang-iiwan. Kahit sabihin nilang di ka pababayaan, di nila tutuparin. Pangalawa, sa pag-ibig, mga babae ang palaging talo at nasasaktan sa huli. Pangatlo, pag-ibig ang sumisira sa isang tao. At ang pinakaconclusion nito ay: Ang pag-ibig ay parang sakit na nakamamatay. At ang mga lalaki ang virus na may dala ng sakit na yon. Kaya nga ginawa ko ang mga rules na ito:
BIEN'S RULES FOR A HAPPY, PEACEFUL, AND SUCCESSFUL LIFE
Rule #1 : Guys must be avoided at all cost. Dapat layuan sila ng at least one meter. Baka mahawa ako ng virus.
Rule #2 : Huwag ipakita ang good side sa mga virus. They don't deserve it!
Rule #3 : BAWAL MA-INLOVE. Pag nainlove, PATAY!
So, ito na nga ang rules ko. Sineseryoso ko yan kahit pinagtatawanan ng mga soulsisters ko. Ayon sa kanila, wala daw tao ang hindi naiinlove at sigurado daw silang mababali ko lang lahat ng rules na sinet ko sa sarili ko.
Ewan ko sa kanila. Basta ako, gagawin ko ang lahat matupad lang ang mga rules na yan. Kaya nga masungit ako sa mga lalaki. Minsan sa sobrang inis ko sa kanila, nabubugbog ko pa. Pero syempre exempted sa rules na yan ang mga bata at matanda aged 10 below and 60 above. Masyadong bata at matanda ang mga yun para makasakit pa sa akin at isa pa, may respeto din naman ako sa kanila bilang tao.
BINABASA MO ANG
Destiny Diaries
Ficção AdolescenteA story of friendship, chasing dreams, hopes, ups and downs, twists of fate, finding happiness, and discovering love...