"Hoy Chelsea! Hintay nga!" hiyaw ni Chad.
"Bilisan mo nga Chad. First day na first day ng eskuwela, malilate ka na?" sagot ni Chelsea.
"Kung pinabayaan mo pa akong matulog at nauna ka na, hindi ba ako lang ang magiging late?" tanong ni Chad.
Tumigil sa paglalakad si Chelsea at tumakbo naman si Chad papunta sa kanya at nagtanong kung bakit siya huminto.
Yumuko lang si Chelsea at nagpunto ng tanong na, "Bakit? Ayaw mo bang ang unang mukhang makikita mo sa skul ay ang bestfriend mo?"
Nalungkot si Chad at hihingi na sana ng patawad ng, "Joke lang! Halika na!" biglang sabi ni Chelsea sabay takbo.
Tumawa lang si Chad at sumunod kay Chelsea.
Matalik na magkaibigan sina Chelsea at Chad Paul simula pa nung sila'y nasa kindergarten.
Ngayong sila'y nasa ikaapat na taon na sa hayskul, may magbabago kaya sa relasyon nila?
Ang pagkakaibigan ba nilang nabuo ay mawawala na lng na parang bula? Ewan ko noh...
Pagdating nila sa klase, magkatabi silang umupo sa pangalawang hanay ng mga upuang nakahanda. Tamang- tama ang pagdating ng kanilang guro ng sila'y nakaupo na. Binati ng buong klase ang guro.
"Bago tayo umusad sa klase, may bago tayong makikilala at makakasama sa taong ito," panimula ni Mrs. Deacon. "Pumasok ka na."
Nakatingin ang lahat sa harapan, sa isang binatang may suot ng berdeng t-shirt at isang guess- brand na pantalon. Isang gwapong binata na may mga kulay- tsokolateng mata at maitim na buhok.
"Hello sa inyong lahat. Ako si Brenan Geston, 16 years old. Galing nga pala ako sa Pacific High, Quezon City. Kinagagalak ko kayong makilala," sabi ni Brenan.
"Mukhang mayaman, noh, Chelsea?" pabulong sa tanong ni Chad. Nang hindi umimik si Chelsea, inobserbahan siya ni Chad. Napansin niyang titig na titig si Chelsea kay Brenan. "Hoy Chelsea," sabi ni Chad sabay siko sa braso ni Chelsea.
"Ang gwapo niya noh... May GF na kaya siya?, " tanong ni Chelsea kay Chad.
Hindi man niya pinahalata, masakit yun. "Ewan ko!" pagalit na sagot ni Chad.
Nabigla si Chelsea at ang iba pa nilang mga kaklase.
Ngunit mas nabigla ang lahat ng, "Brenan, saan mo ba gusto umupo?" tanong ng guro.
Tinuro ni Brenan ang bakanteng upuan sa tabi ni Chelsea, "Doon po. Sa tabi ng magandang babae na 'yun."
Simula nga nung araw na iyon, magkatabi sina Chelsea at Brenan. Si Brenan ang sa kanan ni Chelsea, si Chad naman ang nasa kaliwa. Pansin na pansin ni Chad na may pagtingin si bestfriend Chelsea kay Brenan. Ngunit ang hindi niya alam ay pansin ng kanyang mga kaklase na may pagtingin si Chad kay Chelsea at nagseselos siya kay Brenan at Chelsea.
![](https://img.wattpad.com/cover/987810-288-k947594.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Bestfriend (One Shot)
Teen FictionHanggang kaibigan nalang ba talaga? Kailan ba masabi sa isa't-isa ang tunay na nararamdaman? -->> Basahin para malaman ang kwento ng mag-bestfriend na sina Chelsea at Chad.