Dear Crush (part 2 ng tula)

1.5K 35 46
                                    

Sa bawat buo ko ng mga salita

Ay tumatagos sa puso ko balde ng tinta

Habang pumapatak sa kwaderno ko sangkaterbang luha;

Dinadasal na sana di ko nalang sinabi yun at naghintay

Di ko nasabi sayo ang nilalaman ng pusong ito

Nahihirapan na lalo pa't nag-iisa baka di makayang mawala ka

Paano na ang pusong ito?

Paano na ang pag-ibig kong nilaan para sa iyo

Hindi mo man lang naisip na ako'y naghihintay

Kahit abutin pa ng habang buhay

Ngunit sa iyong pagbabalik

Kakaiba ang iyong ngiti

at sinabi mong may mahal ka nang iba.

Dear Crush (part 2 ng tula)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon