Rose Petal - Torment Part 2

24 2 0
                                    

"I'm going to kill you"

Nanlambot ang aking mga tuhod sa mga sinabi ni Aura, ito na ba ang katapusan ko? I shut my eyes tightly waiting for any painful movement na gagawin niya pero wala akong naramdaman, except her bitter laugh as I open my eyes again.

"I'm really tempted to kill you but I wouldn't do that." 

"B-bakit ka ba naandito? Ano ba kailangan mo saken?!"

She step closer holding my jaw tightly making me cringe in pain "L-let me go.."

"You're a real pain do you know that? Lahat na lang sa'yo nakakairita. Alam mo ba kung ano ang ginawa mo sa kanya ha? You're just a worthless human being." Saka niya ako tinulak ng malakas para mapaluhod ako.

I stared at her "Nasaan si Seth?"

She snickered and turn her back on me "You have no idea, The next time I'll see you I'll make sure you'll be dead."

At bigla na lang siya nawala sa paningin ko. Nasaan si Seth? Gusto ko hanapin siya pero nag aantay sakin si Theo, As much as I wanted to search for him but..

Theo is waiting..

I gathered all my stuffs and look for my keys bago umalis ng bahay.

Andyan na ako Theo..

(Third Person POV)

Isang nakabibinging sigaw ang maririnig sa buong paligid. Sigaw ng pagsisisi at pagdurusa na napupuno ng makakapal na usok at sobrang tindi ng init na walang sinuman ang makakaligtas ng buhay.

"Quod in ipso iudicio stultus Sethiel. Paano mo nagawang tulungan ang isang mortal?"

Nanatiling tahimik ang binata at nakayuko para lalo siya pahirapan.

"Exaudi me!"

"She shouldn't be in that position."

"Silentium! Wala kang karapatan sabihin ang mga bagay na yan. Baka nakakalimutan mo ikaw ang dahilan."

"Pero--"

"Tahimik!" Isang nakakabinging sigaw ang nagpayanig sa buong lugar. Nag aapoy ang mga mata sa sobrang galit na dahilan para lalo ilatigo ng mga mababang nilalang ang binata habang nakatayo at nakagapos ang kamay at paa. 

"Dapat alam mo kung saan ka nalulugar reaper."

At mas dumoble pa ang sakit na kanyang nararamdaman. Bawat hagupit mas nagpapalabo sa kanyang paningin pero walang makikitang anumang emosyon sa bawat pag latigo sa kanya nanatiling walang imik na nahihirapan.

"Ama!"

Lahat sila napalingon. Ang buhok niyang umaalon na parang nag aapoy sa bawat pag hakbang, mga matang nakakabighani na nakakatakot.

Tiningnan ng dalaga ang binatang nahihirapang nakatali na nakatingin sa kanya

"Pakawalan niyo siya!"

"Aura!" Bakas ang galit pero nanatiling matigas ang tingin niya sa kanyang Ama.

"Mas lalo siyang mahihirapan kapag nakita niya ang ginagawa ni Faith. Physical pain is nothing to him. Kahit anong gawin mong pagpapahirap sa kanya hindi siya masasaktan."

"Kung ganon nga katulad ng sinabi mo. Pakawalan si Seth hayaan niyang makita ang mortal."

Pinakawalan nila si Seth at ika ika itong naglakad palapit kay Aura "Thanks."

Saglit itong tiningnan ng dalaga habang bakas ang awa at lungkot sa kanyang mga mata. "You are indeed stupid Seth."

Pero naglakad lang papalayo si Seth habang nakatingin sa malayo.

Destiny RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon