Chapter 1

82 1 0
                                    

*1st day of 1st semester*

1st day, omg. Wala pa kong kaclose nito. Parang ayokong pumasok. Hahaha. Pero syempre, joke lang yun.

Syempre, 1st day. Kaya ang sikip dito sa PNR (Philippine National Railways). Mukhang lahat to bababa sa Sta.mesa.

'Sta.mesa Station. Ang susunod na istasyon ay Sta.mesa Station.'

Malapit na ko. Konting kembot na lang makikilala ko na mga classmates ko.

Nakarating na rin ako sa PUP. Eto na yung dream school ko.
'Please PUP, be good to me.'
---
Andaming tao.. Sobrang dami. Di ko mahagilap yung section namin. Pag tumingin ka sa paligid, mga may kaibigan at close na agad sila. Asan na ba yung section namin?

HAHAHAH. Ayun, ang liit kasi ng sulat e. Ballpen pa ginamit panulat. Pano to makikita agad?

Wala naman nangyari samin habang naghihintay ng ibang classmates. Puro pakilala at pakikipagkaibigan lang naman ang naganap. Ayun, may close at kaibigan na rin ako. Hanggang sa kumpleto na nga kami at sabay-sabay kaming umakyat sa room. Ang layo naman, 5th flr be like. Nakakapagod, nakakahingal. Hahaha. Papayat na ko neto e.

Walang prof na dumating. Wala rin kaming ginawa kundi ang maglaro lang. Nakakaboring din pala pag walang prof na nagtuturo at nagsasaway sa ingay nyo.

So, ayun nga natapos yung buong araw ko sa paglalaro lang ng UNO cards. Madaming friends, ganern.

*2nd day of 1st semester*

Oo, leche wala nanamang prof. Well, sabi ng kapatid ko one week adjustment period dito sa PUP. Hays, ganto pala dito. Hahahahawiw.

"Oh kath akala ko ba tatanungin mo pangalan nila isa isa?" nasabi ko kasi sa gc namin na bukas bukas tatanungin ko pangalan nila isa-isa e.
"Eto na nga e. Hahahah."

Di ko na iisa-isahin dahil masyadong madami. Medyo nakalimutan ko na nga yung iba sa sobrang dami. 50 pala kami sa isang klase.

"Wala pa tayong class officers, so agree ba kayo na magbotohan na tayo ngayon?"

So, lahat nag-agree sa sinabi ng classmate ko. Pabor naman talaga na may class officers e, para may taga alaga at taga asikaso sa classroom. Hahaha.

"I respectfully nominate Patrick for the position of President" (4 votes)
"I respectfully nominate Kath for the position of President" (24 votes)
"I respectfully nominate JJ for the position of President" (22 votes)

Oo, tama kayo jan. Ako. Ako nga yung President. Mahirap pa naman maging pressy.

After ilang days, haggard ang lola mo. Sobrang haggard ang pagiging pressy.

Ang vice president ko ay tila naging sulat na lamang. Hindi na sya gumalaw. Nakakaloka! Ako lang kumikilos dito, napakamanhid nung bise ko hays.

*1 week of 1st semester*

"Pressy, tara sm tayo. Wala pa naman tayong prof sa next and last subject e." syempre mabait ako tsaka tama sila wala pang prof dahil hanapan days pa ngayon.
"Sige tara."

Halos okupado namin yung isang jeep.

Napakaingay. Napakagulo. Ganyan lang masasabi mo sa loob ng jeep kasama ang mga 'to. Akala mo unang beses pa lang nila makasakay sa jeep.

Malapit lang ang sm dito sa school namin. Syempre, mga rk (richkid) ang mga 'to. Kaya nagjeep sila.

Nasa loob na kami ng sm. Napakadami namin, akala mo buong section namin dito na pumasok at nag-aral.
"Picture tayo!" sigaw ko sa kanila.

After ng picture-taking, sinend ko sa gc namin.

As usual. Laro, window shopping, kain, laro ulit, puntang NBS (kunyari mag-aaral, pero ang totoo naghahanap lang ng mapagtitripan), magtatanong kung magkano yung ganto ganyan pero di naman bibili.

6pm na. It's uwian time na.

Kasabay ko si crush pauwe. Parehas kasi kami ng sasakyan pauwe e. Sa kanya na lang daw ako sumabay kasi bukod sa gabi na, wala pa daw akong kasama.

"Tara dun tayo mag-abang ng masasakyan. Mahirap mag-abang dito, puro puno na e."
"Sige."

So, habang naglalakad kami. Kinukwentuhan nya ko tungkol sa malungkot nyang kwentong pag-ibig. And i swear, maiiyak na ko. Ang sakit kasi ng ginawa sa kanya.

Nasabi ko na rin pala sa kanya na crush ko sya. Syempre sa umpisa, di sya naniwala. Hanggang ngayon yata. Kasi sabi nya 'Di pa yan crush, kakabreak nyo pa lang ng boyfriend mo. Mahal mo pa sya, i see it in your eyes.' (Di ko masyadong maalala sinabi nya sakin, basta parang ganyan din. Di nagkakalayo.)

Pagkalipas ng 30 minuto, nakasakay na rin kami pero siksikan pa rin hanggang ngayon. Katabi ko sya, biglang tumiklop bibig ko di ako nakapagsalita. Sa sobrang daldal ko, napatahimik ako ng bahagya.

May sumakay na babae, sabi kasi nung driver 'Oh, 2 pa.' Pero ang totoo nyan, wala na talaga. Kung titignan mo yung nasa tapat ko, halos mahulog na yung pwet nya sa upuan tapos sasabihin nung driver dalawa pa?

Nagulat ako. Nagulat ako kasi biglang umalis yung crush ko. Sinundan ko sya ng tingin, sumabit sya. Binigay nya yung upuan nya sa babaeng sumakay.

Gentleman. Yun lang ang nasabi ko. Bihira lang ako maka-encounter ng ganung klasing lalaki. Mas lalo akong napahanga sa ugali nya. Oo, di sya masyadong kagwapuhan pero ang lakas ng appeal nya. Mas magugustuhan mo pa ugali nya ng sobra.

Ito ang unang beses kong nasabi ang tunay kong nararamdaman. At ito rin yung araw na mas lalong lumalim yung pagkahanga ko sayo.

C.R.U.S.H [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon