Chapter 3

35 1 0
                                    

*Con't chapter 2* (Before uwian)

'Malapit nang mag-uwian. Paniguradong mahirap makasakay nito. Umulan kanina e. Hays.'

May nagvibrate sa pwet ko. Kinuha ko yung cellphone ko 'Uy, si mama nagtext.'  bigla kong nasabi nung nakita kong nagtext ang aking mahal na ina.

From Mama:

Nak, sunduin ka namin ni papa mo. Mahirap sumakay nyan. Umulan kanina.

Buti na lang may load ako. Marereplyan ko pa sya.

To Mama:
Wag na may kasabay naman ako pauwe ma e. Kasabay ko si lowell, yung naikwento ko sayo nung nakaraan. Yung makakasabay ko na pauwe.

From Mama:
Edi isabay mo na rin. Para makatipid sya ng pamasahe. Ibaba na lang natin sya sa may plaza tapos sakay na lang sya ulit ng jeep.

To Mama:
Sge ma. Sabihan ko sya.

"Lowell, sabay ka daw sakin mamaya. Susunduin ako nila mama."
"Nako, wag na. Nakakahiya."
Inabot ko sa kanya yung phone ko para basahin yung convo namin ni mama.
"Sge na nga. Mas nakakahiya naman kung di ko tatanggapin yung alok nya. At para mas makatipid ako ng pamasahe."
"Kotse yung susundo sa inyo no?" tanong nila
"Hmmm... Oo."
"Rk talaga si pressy."
"Uy, baka rk. Di kami rk baliw."
"Ay boto naman pala mama ni pressy."
"KathWell iz real."

Narinig ng mga classmates ko. Kaya dun nagsimula yung pang-aasar nila sakin tsaka kay lowell.

---

Nakalabas na pala kami ng campus. Sabi ko kasi sa labas na lang sila mag-abang dahil mahihirapan sila na ipasok yung sasakyan dito dahil puro estudyante.

So, ayun nga. Nakita ko na yung sasakyan namin.

"Ayun na. Nakita ko na."
Binuksan ko yung pinto. At nauna na kong pumasok.

"Hello po. Goodevening po."
"Oh lowell pangalan mo dba?"
"Opo."

Natatawa ako. Masyado syang tahimik. Pag lumilingon at tumitingin ako sa kanya parehas kaming natatawa. Ang cute nya pag nakangiti.

Nag-uusap sila ni mama. Di ako nakikinig. Natatawa kasi ako kaya di ako makapagfocus sa pinag-uusapan nila.

Kumakanta kami ni lowell sa loob ng sasakyan. Natatawa ulit ako. Kasi yung favorite song ni mama ay favorite song nya rin.

Madami-dami silang napag-usapan. Halos sa dami ng pinag-usapan nila, ni isa dun wala kong naintindihan. Unang beses lang to. Unang beses lang to na may nakasabay ako pauwe at mukhang nagustuhan ni mama si lowell.

Nalaman ko rin pala na mananahi rin mama nya. Mas natuwa si mama kasi katulad nya ay mananahi rin yung mama ni lowell.

Malapit nang bumaba si lowell. Parang ayaw kong bumaba sya.

"Sa plaza ka na lang namin ibababa ha?"
"Sge po, tita. Salamat po."

--

"Mabait sya ha. Magalang din at Gwapo pa." - Mama
"Mukha ngang bakla." - Papa
Si papa ayaw talaga sa lalaki. Ayaw nyang magkaroon ako ng kaibigan na lalaki. Paranoid kasi mag-isip yan. Advance masyado, yung naiimagine nyan. Buntis na agad ako. Hays.
"Di yun bakla. Mahinhin lang talaga."

Nakauwe na rin agad ako. Omg. Di ko talaga makakalimutan tong araw na to. Feeling ko gusto ni mama si lowell... para sakin. Hahahahahahahahahah.

Ito ang unang beses na makasabay ka sa kotse. At unang beses na nakilala ka ng magulang ko.

C.R.U.S.H [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon