Chapter 6

25 1 0
                                    

Simula nung niyakap nya ko. Di na nawala sa isip ko yung mga pangyayaring ganun. Di ko alam pero sa tuwing iisipin ko yung nangyari, di ko mapigilang kiligin.

Alam mo yung feeling na, oo nayakap ka na ng ex mo noon. Pero parang iba talaga yung dating ng yakap nya. Parang masasabi kong 'Eto yung first time na hug na naranasan ko sa buong buhay ko.' OA man pakinggan pero ganun talaga e. Di ko rin alam kung bat ganun.

Lumipas ang ilang araw na parang naging malayo na ko sa kanila. Yung parang di ko na sila masyadong nakakausap at nalalapitan. Ewan ko ba kung bat kami dumating sa punto na ganun.

-Buwan ng Setyembre-

Setyembre na. Di pa ko nakakamove on kay Lowell. Oo, di naging kami pero ngayon alam ko na yung feeling na 'Di naging kami pero kailangan kong magmove on.' may manliligaw na ko. Oo, pumayag ako. Kasi baka sakaling maging okay na ko.
-
Galing ako sa labas kasi bumili ako ng pagkain. Tapos pagkabalik ko sa room bigla na lang sinabi ni Lowell kay Debbie yung 'Uy debbie! Wag mong sasabihin kay Kath yung sinabi ko sayo ha.' Syempre, nacurious ako dun. Kasi ikaw ba naman pag-usapan ng nakatalikod ka e, sinong hindi macucurious non dba? Kaya pinipilit ko si Debbie at si Lowell nun kung ano ba yung pinag-usapan nila. Sagot ni Debbie 'Sya lang dapat ang magsabi nun sayo. Tsaka secret kasi yun e.' Edi ako naman si ano makulit, panay pilit talaga sa kanya kung ano ba talaga yun. Hanggang sa nagsawa na ko kakakulit kay Debbie. Kaya si Lowell naman.

Kinukulit ko si Lowell. Hanggang sa 'Sige na. Dun tayo sa labas sasabihin ko. Debbie, sama ka.' So, ayun na nga. Nasa may hagdan kami banda kasama si debbie.

'Ano ba kasi yun?'
'Sge sasabihin ko na.. Naging crush din kita Kath. Naalala mo yung sinabi ko sayo nung nasa jeep tayo? Na gusto ko sa babae yung maalalahanin at maalaga.'

Di ako makapagsalita. Speechless. Wala talaga. Di pa nagsisink-in sa utak ko yung sinabi nya. Di ko alam kung maniniwala ako o ano e. Hays. Pinapalayo ka tapos sasabihin nya ganyan? Nakakatanga lang dba? Lahat ng sinabi nya ginawa ko tapos ngayon na may iba na tsaka nya sasabihin yung ganun? Hays.

Pagkatapos nung pag-uusap namin, dumating na yung prof namin. Kami na kasi ng manliligaw ko nung araw na sinabi nya sakin yun. Oo, mahal ko yung boyfriend ko ngayon. Kasi sya, kahit ano o sino man ako wala syang pake ganun naman daw kasi pag nagmamahal tanggap ka kung sino ka.

Syempre, honest akong girlfriend kaya kinuwento ko sa boyfriend ko yung napag-usapan namin. Tsaka alam naman na nya yun, nabubuksan nya facebook account ko e. Kaya kung di ko sasabihin sa kanya, edi parang nagtaksil na ko nun. Kaya mas mabuti nang sabihin ko sa kanya at nabasa nya. Kaya simula nun, ayun na yung pinagseselosan nya.

Napansin ng mga kaibigan ko yung pagiging malapit namin ni Lowell sa room, naikuwento ko rin kasi sa kanila yung mga pangyayari. Kaya ayun. Sinabihan pa nila ako ng 'Akala mo wala kang boyfriend kung makadikit ka kay Lowell, nalaman mo lang na naging crush ka nung tao. Ikaw naman tong asang-asa sa kanya. Isipin mo sana boyfriend mo habang nandun ka sa kanila, at nakikipag-asaran' 'Makakarating to sa boyfriend mo, kilala ko pa naman mga classmates nya.' Naiyak ako sa sinabi nila, hindi ako galit or ano kasi ganyan sinabi nila sakin. Sa totoo lang nyan, thankful pa ko e. Kasi ganyan sila, kasi honest sila at masasabi kong tunay na kaibigan sila. Sadyang nasaktan lang ako sa sinabi nila kaya ako naiyak. Kasi miski ako, alam ko na mali tong kinikilos ko lalo na't may boyfriend ako. Sorry sa boyfriend ko, kasi tingin ng ibang classmates namin e umaasa ako kay Lowell at ginagawa kong panakip-butas yung boyfriend ko.

'Alam mo ba yung tawag jan sa ginagawa mo, Kath? Ginagawa mong tanga yung boyfriend mo. Ginagawa mo syang panakip-butas. Isa lang ang nakikita ko sa mga mata mo. Regrets. Nagsisisi ka kasi hindi mo agad nalaman na crush ka rin nya. At nanghihinayang ka kasi hindi na magiging kayo dahil may boyfriend ka. Wag lang sana mangyari yung nasa isip ko na dadating sa point na iiwan mo yan dahil lang kay Lowell.'

Masakit man para sakin pero wala e. Miski kasi ako alam ko talagang umaasa ako sa kanya. Pero kahit ganto pa yung mga nangyari samin, naniniwala ako na 'Baka hindi pa ito yung tamang oras para sa aming dalawa.'

Ito yung unang beses na nalaman ko yung tunay na kahulugan ng regrets, at kung ano nga ba sa pakiramdam ang salitang iyon. Masakit, nanghihinayang ngunit lahat ng pangyayari ay mayroong mga rason.

C.R.U.S.H [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon