#SMASP 11: You Are My Song

9.6K 516 17
                                    

Vote muna please bago magbasa. Salamat po. Enjoy reading.



[JUSTINE]




"Taft LRT na. Baba na tayo." –Pag-aya ni Gino.

"Tara."

Pagkababa ay may nakita agad kaming Jeep pa MoA. Kaya sumakay na kami. 4:03PM pa lang. Ang bilis ng byahe.

Pagkababa sa MoA ay bumili muna kami ng makakain. Hotdog Sandwich, 1.5 liter na softdrink. Malalaking Chichirya at kung ano ano pa.

Nag-ikot ikot muna kami dahil mainit pa sa may seaside. Nakakatuwa talaga kasama si Gino. Buti nga hindi siya naiilang na kasama ako eh. Yung ibang lalake kasi halos ayaw lumapit sa mga katulad kong bakla. Pero iba si Gino. Wala siyang pili kung sino ang mga kakaibiganin niya. Napakabait.

Makalipas ang halos isang oras ng pag-iikot ay nagpasya na kaming tumungo sa may seaside. Malapit na magsunset. Gustong gusto ko pagmasdan yun dahil sobrang narerelax ako.

Pagkatapos makahanap ng mapipwestuhan ay naupo na kami habang kinakain ang mga binili naming pagkain. Hindi na ako pumayag na siya lang ang bibili ng pagkain. Nakakahiya naman kasi kaya nakihati na ako sa pagbabayad. Nakakahiya naman kasi kung pati pagkain ay ililibre pa niya ako. Saka isa pa, hindi naman ako sanay na nililibre. Lalo na ng isang gwapong lalake. Hehehe. Nyaay lande ko na naman. Eh bakit. Gwapo naman talaga siya eh.

"Mabuti at pumayag kang sumama sa akin kahit biglaan to at wala sa plano." Pagbasag ni Gino sa katahimikan habang tino-tono ang kanyang gitara.

"Ayos lang yun, wala rin naman akong gagawin." –sagot ko naman.

"Salamat."

"Sus wala yon. Pag ako naman ang nagyaya dapat go ka rin ha!" –Ako.

"Oo naman. Syempre, para makabawi naman ako sa'yo sa pang-aabala ko sayo ngayon. Hehehe." –Sagot ni Gino habang inuumpisahan ng tugtugin ang You Are My Song na awitin.

"Magaling ka pala kumanta no. Ganda ng boses mo." Sabi ko kay Gino.

"Oy hindi naman masyado. Hehehe. Ikaw nga jan eh. Ang ganda pala ng boses mo. Kala ko babae yung nakanta sa bus kanina eh. Ikaw pala." –Gino.

4r4yk0hb3h! Na-hurt naman ako. Sad.

"Oo na, hindi ako babae. Alam ko naman. Hahaha." –Ako.

"Ayyy sorry, that's not what I meant. Ahmm. Ang ibig kong sabihin. Ang ganda ng boses mo. Babaeng babae. Hehehe." –Bawi ni Gino sa binigyan ako ng pamatay na ngiti. Letse, bawing bawi siya dun.

"Nako Gino. Inuuto mo na naman ako. Wag nga ako. Iba na lang. Hanap ka iba. Hahahaha. Mambobola." Nakangising sabi ko habang tinatago ang kilig. Hahaha.

"Loko!" –Gino.

"Alam mo sobrang favorite ko talaga yang kanta na yan. Kanta ko yan sa crush ko nung high school eh. Hehehe."

Tinutugtog na niya kasi yung You Are My Song.

"Talaga Justine? Alam mo sa totoo lang. Favorite song ko din to eh. Kaya nga ito yung sinuggest ko na kantahin namin sa Valentines Ball namin." Sabi ni Gino habang patuloy pa rin sa pagtugtog ng kanyang gitara. Ako naman ay patuloy lang sa pagkain. "Saka yung Forevermore, favorite ko rin yun." Dugtong niya pa.

Si Malakas at si Pabebe - BxB (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon