Chapter 21: Blue Park

2.1K 94 69
                                    

Sofiya Alexandria Bliss

"Can we meet tonight? At the Blue Park at 8pm? This is the time, Alexandria. This is the time." -H

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ito na, ito na ang oras na makikilala ko na ang taong ito. Ang dami kong gustong itanong, ang dami kong gustong alamin. Gusto ko na siyang makita.

"Hey!"

Nakatulala na pala ako dahil sa kakaisip. Nakatingin saakin si kuya na parang nagtataka.

"What's that?"

"Hmm... nothing. Can I just have my Iced Coffee and my blueberry cheesecake? Thanks."

Sana 8:00 na. Sino ang taong nasa likod ng pangalan na H? Bakit niya ginawa iyon? Bakit niya ginagawa ang mga bagay na iyon? Kaibigan ko ba siya? Kababata? Kapit bahay? Kalaro? Kaklase? Ka schoolmate? Naguguluhan na talaga ako. Di bale, lahat ng tanong na bumabagabag saakin ngayon masasagot na lahat mamaya.

Nagaayos na ako sa kwarto ko. Malapit na mag 8:00 pero kinakabahan parin ako. Nagpaalam ako sa pamilya ko na may bibilhin lang ako saglit sa mall. Pinasama nila ako sa driver namin dahil oras na daw. Ilang sandali nandito na ako sa Blue Park. Ang daming Christmas Lights. Napaka ganda naman dito, napaka romantic. May isang Café dito pumasok ako doon. May iilang tao ang naka tambay dito.

Pupunta kaya ang taong yon? Bakit hindi niya man lang sinabi kung ano ang suot niya? Hindi ko maiwasan na hindi kabahan sa ginagawa kong ito. Hindi ko siya kilala, hindi ko alam ang pagkatao niya, hindi ko pa siya nakikita. Baka isa lang pala siyang modus. Pero huwag naman sana, malakas ang pakiramdam ko na wala naman mangyayaring masama saakin dahil sa taong ito.

Paano ko malalaman kung nandito na siya?

Baka naman nakikita na niya or isa siya sa mga taong nakaupo dito?

Matangkad kaya siya?

Mababaliw na ata ako sa sobrang daming tanong sa isip ko ngayon. Ilan minuto na din akong nandito. Malapit na mag 8:30.

8:45pm...

8:55pm...

9:15pm...

Magddalawang oras na akong nandito. Yung ibang tao nakatingin na saakin. Ayoko na, aalis na ako. Nakakainis! Nakakainis! Umasa akong makikilala ko na siya! Nakakainis talaga! Sayang lang oras ko! Dapat hindi ko nalang pinapansin ang ginagawa ng taong yon saakin. Pinagttripan lang siguro ako non. Pwes hindi nakakatuwa ang mga pinanggagawa niya.

Nakita ko si Harold na papasok dito sa Café. Nakita niya ako at kaagad niya akong pinuntahan.

"Harold bakit ka nandito?"

"Huh? Ahh.. ehh.. May ginawa lang akong importante. How about you? What are you doing here? Late na."

"Ahh wala. Uhm, I'm just craving for some pasta."

Harold? First letter is H. Kinakabahan ako. Gusto ko siyang tanungin kaso hindi ko magawa. What should I do? Siya na nga ba? I have no idea! But he's here, and the first letter of is his name is H. H ang laging nakalagay sa mga message na natatanggap ko sa taong iyon. H means Harold nga ba? Kinakabahan akong tanungin siya.

"Uhm... Harold?"

"Y-yes?"

"Can I ask you something?"

"Yes of course."

"What time did you go here?"

"B-before eight o'clock? Or a-around eight o'clock I guessed. Why?"

"Hmm... nothing."

"You okay? Why did you suddenly a-ask that?"

"Ah wala lang."

"Hmm? Okay?"

"Harold?"

"Yes?"

"W-wala wala"

"Are you okay?"

"Yes, I'm okay hehe."

"Late na. I'll drive you home. Hatid muna kita bago ko daanin yung mga papers sa office ko."

"No. No. I'm good, kasama ko ang driver namin. Actually nasa labas lang siya waiting for me. You can go, I bet importante yan. You drive safely okay?"

"Okay lang sayo na iwan kita diyan? Pasensya na ha, sobrang daming trabaho ngayon e. I'll make up to you I promise."

"Sus okay lang yon. You can go now. Maya-maya uuwi na din kami."

"Okay sige. Mag-ingat kayo ha? See you tomorrow." he said and kissed my forehead. I just waved my hand.

Lumabas na ako sa Café na yon. Naglalakad lakad lang ako sa park. Kung siya nga si H, bakit hindi niya maamin? Bakit hindi niya sabihin saakin e kilala ko naman siya at kababata ko siya dati? Kaya lang, hindi ako nakakasiguradong siya nga talaga. Tinitignan ko ang mga bricks na dinadaanan ko ng may puting sapatos ang huminto sa harap ko. Pagangat ng ulo ko nakita ko ang isang pamilyar ang mukha saakin.

"Lance..."

My Four BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon