Chapter 12: Study Buddy

4.9K 193 13
                                    

Sofiya Alexandria Bliss POV

"Ako nalang." sabi ng isang lalaki mula sa pinto.

Bakit nandito siya?

"Yow, Lance! Bakit nandito ka? I miss you pare!!!" sabi ni kuya Kenshin sabay yakap kay Lance. Bakit nandito siya?

"Kenshin, lumayo ka nga para ka namang bakla eh! Tch." reklamo ni Lance

"Hoy, anong sabi mo kanina? Anong ikaw nalang?" tanong ni kuya Eauen

"Narinig kong pinag-aawayan niyo kung sino sainyo dapat ang escort ni Alex. Kaya para walang away, ako nalang. Parang kapatid ko na rin naman kayo at si Alex."

"Weh." bulong ni kuya Alfon

"Papayag naman kaya si Alexandria?" tanong ni kuya Pierce, tapos tumingin silang lahat saakin.

"Aba! Hindi ko pa alam!" sabi ko

"Mga alaga ko! Kumain na kayo!" sigaw ni manang mula sa kitchen.

"Ayun oh! Ano ulam manang?" sigaw ni kuya Alfon habang papunta sa dining area.

"Tara na, mag dinner na tayo. Dito ka na mag dinner Lance." sabi ni kuya Pierce tapos dumeretso na sila sa dining area. Kaming dalawa nalang ni Lance ang natira sa living room.

"Oh bakit nandito ka pala?"

"Uhmm."

"Ano?"

"Uhmm, b-bagsak kasi ako sa isang subject. Sabi ni prof, magaling ka daw sa subject na yon. Kaya kung pwede lang, tulungan mo akong bumawi."

"Ganon ba? O sige sige, walang problema."

"Talaga?! Salamat!" sabi niya

"You're welcome! Kahit papaano naman pala may pakielam ka sa mga subjects mo."

"Syempre nam--" sabi niya tapos may ibinulong siya na hindi ko narinig dahil sa sigaw ni kuya Eauen.

"Hoy! Ano pang ginagawa niyo diyan? Tara na kain na tayo!"

"Oo, nandiyan na!" sigaw ko. Tumayo na ako. "Tara, Lance dito ka na mag dinner." Nag nod lang siya, tapos dumeretso na kami sa dining area. Kumakain na pala sila, umupo na kami, tumabi saakin si Lance.

After almost a half hour natapos na din kami sa kakakain at kaka-kwentuhan nila about sa basketball.

Napagpasyahan ni Lance na umuwi na. Ako nalang ang naghatid sa kanya sa labas, dahil ang mga barkada niya, ayun nagsi-akyat na.

"Sige, una na ako ha? Thank you sa dinner! Ang sarap talagang magluto ni manang."

"Hahaha, syempre naman."

"Salamat din pala, pumayag kang maging tutor slash study buddy ko." sabi niya

"Tss. May kapalit 'yon no!"

"Ano ba gusto mong kapalit?" tanong niya

"Uhmm." ano ba? Aha!

"Alam ko na."

"What?"

"Everyday dapat may ice cream ako. Oh ano deal?"

"Adik ka talaga sa ice cream, pero hindi ka naman tumataba. Sige deal! Basta galingan mo ang pagtuturo saakin ha?"

"Oo sige! Ako pa ba? Haha!"

"Bukas, pupunta ulit ako dito. Magi-start na tayo."

"Sige. See you tomorrow!"

"Sige, bye. Pasok ka na." nag wave lang ako at pumasok na. Narinig ko na lang ang paalis na sasakyan.

--

My Four BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon