Married w/ a Lawyer (?)

1 0 0
                                    

Yui's POV:

                           Nagising ako sa isang napaka-gandang kwarto na pinapangarap ko noong teenager pa ako. Isang white na kama na may kurtinang nakasabit na parang pang-prinsesa.

Umupo ako sa headboard para pagmasdan ang buong kwarto. Sa ngayon, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Masaya ako dahil nasa akin na ang lahat ng bagay. Pero nakakalungkot dahil wala na anh nakasanayan kong buhay. Dahil sa mga nangyari, hindi na ko na pupwedeng gawin ang lahat ng gusto ko.

Oo at sumang-ayon ako sa kasunduan ni Usui na maging fake na asawa niya. Ngunit....nakakalungkot pa rin dahil mahal ko ang trabaho ko. Ngayon na dito na ako nakatira at hanggang nasa poder ako ng lalaking hindi ko kilala, obligado ako na sundin ang lahat ng gusto niya. Nakakahiya naman kasi kung hindi ko siya susundin, eh iniligtas na nga niya ako, pinatuloy pa niya asko dito sa mansyon niya.

"Aaaargh!" Napakamot nalang ako sa ulo.

"Tok, Tok, Tok!"

Napahinto ako sa malalim kong pag-iisip nang biglang may kumatok at tumunog ang doorknob.

Napatingin naman ako kaagad sa lalaking lumabas ng pintuan.

"Good morning Yui-sama.. I'am the Butler of this house, Makoto."  Ang sabi ng lalaking todo attire na pang-butler at naka-bow.

"Ah.. H-Hai. Nice to meet you Makoto.." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

Totoo bang butler siya? Sa TV ko lang sila nakikita eh. Di ba, kapag may Butler, ang ibig sabihin, sobrang yaman? Ay grabe! So napaka-yaman nga talaga ni Usui?!?

Tiningnan niya ako at iba ang itsura niya sa Butler na nakikita ko sa TV. Napaka-bata pa niya. Siguro mas matanda pa ako sa kanya? Tapos ang gwapo pa niya, mukha nga siyang teen idol eh.

Nginitian ko siya at napansin kong namula ang mukha niya. Haha. Ang cute niya!

"Ehem. Usui-sama wants to see you at the living room. Please get your self ready Yui-sama." Sabi niya at saka iniabot sa akin ang tatlong per bags na hawak niya.

Grabe. Ang tamad ng mga mayayaman ah! Kailangan talaga utusan pa yung butler para sabihan ako kung anong gagawin? Hindi ba niya kayang pumunta dito at kausapin ako ng personal? Hayys!

"Arigato Makoto." Nakangiti kong sabi.

Lumabas na siya ng kwarto at ako naman, pumasok na ako ng banyo para mag-ayos. Matapos ang isang oras kong pagaayos ng sarili (Oo, isang oras talaga!), tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at namangha ako sa itsura ko.

Nakasuot ako ng off shoulder pink dress na may lace at maliliit ng diamonts. Nakasuot din ako ng diamond necklace, diamond bracelet, at silber high hills shoes na puro glitters. Yung totoo? Sa bahay lang ako, tapos ganito ang suot ko? Para akong pupunta sa isang date ah! Nakakaloka talaga kapag mayaman.

Nakarinig ako ulit ng katok sa pintuan at agad ko namang binuksan at nakita ko si——

Nakarinig ako ulit ng katok sa pintuan at agad ko namang binuksan at nakita ko si——

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Zangetsu Sakura (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon