"This is love at first sight is!"

3 1 0
                                    

Taiga Ichinose's picture is on the top. {≈°Δ^≈}√

-Rein-05

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos akong kausapin ni Mr. President, sinabi ni Taka-san na kailangan daw muna nila akong iwan ni Koroko, dahil may urgent meeting lang daw sila.

"Gomene Yui-chan." Ang sabi ni Koroko na naka-pout at nakahawak sa mga kamay ko. Ayaw niya kasi akong iwan dahil first time ko lang dito sa Japan.

(Pasensya na Yui) Ang cute nya talaga. Dahil ayokong mag-alala siya, binigyan ko siya ne reassuring smile.

"Iie. There's nothing to worry. I'll be fine!"

Pagkasabi ko nito, nakita kong namula ang mukh ni Koroko.

"Odaiji ni kudasai Yui-chan!" Kumaway siya at saka naglakad palayo.

(Please do take care Yui!)

"Hai!" Kinawayan ko din siya habang pasakay na sila ni Mr. Taka sa elevator.

Napagpasyahan kong pumunta muna sa isang restaurant--katabi ng building. Alam kong nagtatagal ang isang meeting ng 15-30 minutes. Kaya naisip kong mas mabuti kung kumain muna ako.
Nang makarating ako sa isang coffee shop, biglang sumagi sa isip ko na kailangan kong ipaalam kay Koroko kung naaanako. Kaya nagte-text ako habang naglalakad papasok sa loob.

"Irashaimase!"

(Welcome!) Dahil sa busy ako sa pagte-text, hindi ko namalyan na pinagbuksan na pala ako ng pintuan ng guard.
Pagpasok ko sa loob, hindi ko namalayan na may isang yanki o gangster na pala na nasa harap ko. Sa hindi inaasahang pangyayari, bumunggo ako sa kanya at natapunan siya ng ice coffee na hawak-hawak niya. Tumingala ako ako at duon ko lang nalaman na may nabunggo pala ako at ngayon....nasa piligro na ang buhay ko.

"MENDOKUSE NA!!!" Sigaw ng isang naka all black na lalaki na ipinapagpag ang kamay dahil sa natapong ice coffee --sa mukhang mamahalin niyang damit.

(Sh*t!!!) Tiningnan niya ako ng napaka-sama. Kinilabutan naman ako sa takot dahil bukod sa matalim niyang mga mata, kulay blonde at tusok-tusok niyang buhok at puno ng piercing ang buong mukha. Tiyak na matatakot ang sinumang makakakita sa kanya.

"BAKAYAROU ONA!! LOOK WHAT YOU'VE DONE!!!" Sigaw nito habang tinuturo ang leopard's skin jacket niya.

(Youre so stupid woman!!) Nanginginig na ako sa takot dahil sa boses niya na rinig na rinig sa buong restaurant. Namumula na ang mukha nito sa sobrang galit. Yui naman kasi eh! Bakit ka kasi nagse-cellphone habang naglalakad? Tuloy nasa peligro na ang buhay ko. Ang alam ko pa naman ang mga gangsters dito sa Japan, bukod sa napaka-fashionista, walang sinasanto kahit babae o bata. Oh meiji! Tulong!!
Tumingin-tingin ako sa paligid at nakita ko na pinagtitinginan lang kami ng mga tao sa coffee shop, pati na ang security guard. Yung iba naman nakuha pang mag-video. Ay grabe!

"G-Gomenasai! I'm s-sorry sir, I don't know that you're standing there. Please forgive me." Pakiusap ko sa gangster na lalaki.

Nakahawak ako sa dibdib ko dahil parang malalaglag ang puso ko sa sobrang kaba. Inakala kong baka patawarin niya ako kung hihingi ako ng sorry. Ngunit nagkamali ako. Kung kanina namula lang ang mukha niya, ngayon, lumalabas na yung mga ugat niya sa noo at leeg sa galit. O h meiji! Someone help!!! Huhuhu. ~{π Δ π}~

Zangetsu Sakura (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon