1 DJ : Magandang umaga mga bibes. Ako si DJ Teresita, ang susunod na
2 Ms. Universe. Nandito po tayo ngayon upang tunghayan ang kuwento
3 ng isa nating kababayan, si Crisostomo Thomasilyo. Cris, pasok!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1 MSC :MAALAALA MO KAYA...
2 CRISOSTOMO : (Narr)Maraming pagsubok ang dumadating sa buhay.
3 Tulad ng iba, naranasan ko na ring mabigo, subalit alam
4 ko na ako rin ang may kasalanan. Tunghayan natin ang
5 aking buhay sa Bakit hindi ka crush ng crush mo.
1 SFX : STUDENTS CHATTERING....SCHOOL
2CRISOSTOMO : (PATUKSO) Bonifacia my labs.
3 BONIFACIA : (NAIINIS) Buwiset talaga tong baklitang demonyong toh, ano!?
4 CRISOSTOMO : Ouch, di mo ba ko na-miss?
5 BONIFACIA : (SARCASTIC) Huh. Oo sobra.
6 CRISOSTOMO : Sabi na nga ba type mo ko eh...
7 BONIFACIA : Unggoy ka talaga, lumayo ka nga, nakakahawa
8 kadiliman mo.
9 CRISOSTOMO : Babe, ganon lang talaga ako ka-hot, tingnan mo,
10 natusta ko pati sarili ko, yun lang naman dahilan
11 kung bat maitim ako. Eh ikaw? Bat anlaki laki ng
12 noo mo? Ano ka? Panginoo?
13 BONIFACIO : Nahiya naman ako sa balat mo, uling.
14 Eh tingnan mo nga yang ngipin mo! Puro bagang.
15 CRISOSTOMO : Alam mo, maganda ka sana, alisin lang natin
16 muka mo.
17 BONIFACIA : Aba, nagsalita ang mukang natapakang ensaymada.
18 CRISOSTOMO : Eh ikaw kayan-
19 SFX : SCHOOL BELL...
20 DOMINADOR : Tumigil nga kayo, ansarap niyong pag-untugin eh,
21 ayan na si ma'am. Upo, mas malala pa kayo sa mag
22 asawang nag aaway eh.
23 CRISOSTOMO : Tumahimik ka nga Dominador, papalitan ko yang
24 pangalan mo sa Dominadora.
25 DOMINADOR : Hay nako, maupo ka na lang.
26 CRISOSTOMO: Oo na. Di pa tayo tapos panginoo.
BINABASA MO ANG
BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO - script
RomanceA script that was made by team effort. Enjoy the story. Language: Filipino LAUGH OUT LOUD - if you get the humor or something. Note: No further information about this. Just read it. Cover, still in progress.