Sorry kung ngayon lang po nakapag update. Sobrang busy sa thesis.
hope to like this new part
KEIRA'S POV
Saan bang lupalop ng school na to yung room nung CJ na yun? kailangan ko ng isoli tong jacket nya.
Pumunta na muna akong canteen.
umorder na din ako.
"250 pesos" grabe namang mahal ng pagkain dito.
Kinuha ko na yung wallet ko.
shett.
"Asan na yun?" halos nagulo na lahat ng gamit sa loob ng bag ko, kakahanap sa wallet na yun. Asan ka na ba kasi??
"Marami pang customer. Baka pwedeng pakibilisan" Masungit na sabi ni ateng tindera. Pinagtitinginan na din ako. Nakakahiya. Lumabas ka na pleaseee
"Tsk. Kung wala kang cash, may card naman to pay for those foods. Uh oh dont tell me, wala ka ring card?" umekstra na po si ateng nasa likuran ko.
"Wala rin e. Ahh babalik ko nalang pooooo" Mukhang lalong nagalit yung tindera sa sinabi ko.
"Naglolokohan ba tayo dito?!!" Jusko. Ang lakas na ng boses nyaaa
"Get out bitch" bigla nalang akong sinagi ng babaeng nasa likuran ko kaya naman natapon yung dala kong pagkain.
"Aray ko ah!"
"How a beggar like you study in this school? Pathetic"
"Simply because she's smart. You?" That..voice? Napatingin agad ako.
Hindi naman nagsalita yung tindera at yung babae. Binayaran din ni Erol yung pagkaing natapon.
PERO THIS TIME
dug dug dug
Hawak hawak nya yung kamay ko.
"Let's go"
---
---
---
---
"Ganyan ka ba kahirap?" hayst. Akala mo kung sino ng mabait kanina. Lalaitin din naman ako.
"Naiwan ko lang yung wallet ko sa bahay. Babayaran din kita"
"Tsk. Kumain ka na nga!" Oo nga pala. Nilibre nya ko.
"teka. Kilala mo si CJ diba?"
"Bat mo sya hinahanap?"
"Isosoli ko tong jacket nya"
"Di ko sya kilala" Sabay tumayo na sya at umalis. Problema non?
SIRAULO
Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ko sa room.
Si CJ?!
Nagkatinginan kami. Ngumiti naman sya.
"Ahh..yung jacket mo. Salamat" Pagkabigay ko sa kanya, umupo na ko.
Umupo rin sya sa may bandang likuran ko.
"Bat ang cute mo?" Oh Shit. Nagtaasan yung balahibo ko. Binulong nya sakin yung mga salita na yun.
BAT ANG CUTE MO?
Napakalapit sa tenga ko kaya ramdam na ramdam ko yung labi nya dito at ang hininga nya. Damn.
"Si..Sira!" Nilayo ko agad yung sarili ko sa kanya. Pero nung tiningnan ko sya, ngumiti ulit sya.
___
___
Hanggang sa matapos yung klase..wala ako sa katinuan.
Teka? ako nalang pala tao dito sa room.
Tumayo na ko nang biglang may humila sakin at kinorner ako sa may pader.
Shett.
"E..rol?!"
Tumingin ako sa paligid baka kasi may makakita samin, mapagkamalan pa kong malandi. Slight. Hahahaha
"Umalis ka nga dyan!" Pero di nya ko pinakinggan. Yung dalawa nyang kamay napaggigitnaan yung balikat ko kaya di ako makaalis.
Nakatingin lang sya sakin.
dug
dug
dug
Pakshet.
Baka naririnig nya yung heartbeat ko.
Biglang nilapit nya yung mukha nya sakin na para bang may ibubulong.
Bulong na naman!! Ano ba to!
Nararamdaman ng tenga ko yung bawat paghinga nya.
Nasa right ear ko sya nakalapit, same ear kung saan binulongan ako ni CJ na BAT ANG CUTE KO daw.
Naalala ko na naman.
"ARAAAAY!!" TUNGUNUUUU!!! Ang sakit! Lintik!
"Bat mo kinagat tenga ko?!" Siraulo na talaga sya! Parang feeling ko natanggal right ear ko sa pagkagat nya dito.
"Ayokong kinikilig ka sa ibang lalaki" Anon daw?! Bigla na syang umalis nang sinabi nya yun.
Ako naman naiwang masakit ang tenga at curious sa sinabi nya.
AYOKONG KINIKILIG KA SA IBANG LALAKI

BINABASA MO ANG
The Title Of This Story Is Secret
Teen Fiction"Sana ikaw naman yung nasasaktan. Sana ikaw naman yung nahihirapan. Sana ikaw naman yung nagseselos tapos SANA AKO NAMAN YUNG WALANG PAKIALAM" sabi ni Keira habang pinipigilan ang sarili nyang umiyak. "You dont know everything Keira! Ganyan ka naman...