Help
April's POV
Another day is coming... Hayy... Ngayong araw namin tutulungan si Tita Zealeean para sa bahay niya. Sabi kasi ni Glamorous, masarap daw kasi siyang magluto at dati daw may kainan sila para pagkakitaan nila, pero itinigil daw nila kasi wala na daw silang pera pambili ng mga sangkap sa pagkain. Kaya, suggest namin ni Ashley na magtayo ulit kami ng kainan.
Talino talaga namin!
.
.
.
Bumili na kami ng mga sangkap para sa lulutuin. Yung pinakagusto daw ng mga suki niya dati ay yung sisig.
Favorite ko rin yun eh!!!
Habang niluluto ni Tita yung sisig, takam na takam na ako!
Help me!!!
"Uy, baka maglaway ka na dyan!!!" sigaw sakin ni Czax.
"Bwiset ka talaga! Gago ka!" mura ko sakanya. Hinabol ko siya hanggang mahawakan ko yung damit niya tsaka binatukan siya. "Aray!!! Ano ba yan April! Biro lang eh." sabi niya sakin. "Di magandang biro!!!" sabi ko sakanya sabay irap. Nakita ko naman si Ashley na tumitingin sakin at tinataas yung heart shape na kamay niya. "LQ!!" sigaw niya samin. Ngumiti naman si Czax. Hayyy!!!! Bwiset 'tong mga kasama ko! "Uy! Ashley! Naiinis na si bebe ko..." sabi ni Czax sakin sabay yakap sakin. "Tumigil ka nga dyan! May atraso ka pa sakin! Bwiset!" sabi ko sa kanya. "Kaya walang nagkakagusto sayo kasi ganyan ka gumalaw!" sabi ni Ashley sakin. "Meron yan! Di lang kayo marunong tumingin." sabi ni Czax sabay irap.
Ano problema nito!
.
.
.
.
Sabi ni Tita samin, luto na daw yung mga ititinda namin.
Mmmmmm!!! Sarap!!!
Lumabas na kami para magtinda. Maraming bumibili pero halos lahat babae. Paano ba naman eh si Czax, pacute ng pacute sa kanila.
Hmmph!
(Author: Ayyyie!!! Nagseselos siya!)
Uy! Si Ms. Author oh! Ewan...
*reality*
Ok. So yun na nga, marami kaming kinita. Sapat na siguro 'to para sa bahay. Pero... Buti pa ito sapat, yung pagmamahal niya hindi....
Kailan ka pa humugot April!
Anyways, eto kami ngayon, nagbibilang ng perang kinita kanina. "Salamat sa inyo! Kumita tayo ng.... 1035 pesos! Maraming salamat talaga!!!" naiiyak na sabi ni Tita. Tapos, yinakap namin siya.------------------------------------------------------
Matutulog na ako ngayon. Susulitin ko na ang araw ko na 'to bukas. Last day na kasi namin bukas dito. Sa hapon, uuwi na kami. Hayyyy.... Malungkot nga lang pero kailangan. Goodnight World!
(Thanks po sa mga nagbabasa nito at nagvo-vote! Basahin niyo nga po pala yung "Ang pinaka-malupet kong school year" by AshleyKate038. Bestfriend ko po siya eh. Thanks po!!!)
YOU ARE READING
Kabarkada
Teen FictionMasayang magkaroon ng barkada. Lalo na kung tinutulungan ka at dinadamayan sa lahat ng problema. Paano kung magkakaroon ng malaking problema at madamay ang iyong mga kaibigan??? Kakayanin niyo kaya???