Multo
April's POV
Hindi ako makatulog dahil sa nakita ko. First time ko kasing makakita ng multo. HINDI KO KINAYA!!! Parang mahihimatay ako sa takot!!! Whoooo!!!
.
.
.
Kinuwento ko kina Czax, Ashley, Glamorous at yung mommy ni Glamorous na pangalan daw, Zealeean, yung mga nangyari...
.
.
.
*Flashback*
Matutulog na sana ako, kaso, nilalamig ako. Kaya naisipan kong isara yung bintana. Parang may nakatapat nga na Aircon sa'kin eh. Sakto namang pagsara ko, parang may nakasilip na babae, matandang babae. Naka-white siya na parang gown. Sisigaw sana ako ng tulong pero naisip ko baka makaistorbo pa ako ng mga natutulog. Kaya di nalang ako sumigaw.
*End of Flashback*
.
.
.
Pagkatapos ng kwento ko, di man lang nagulat o nakaramdam ng takot sina Glamorous at Tita Zealeean.
"Nako... Masanay ka na dito April. Marami talagang gumagala dito na multo. Minsan nga si Glamorous, habang nagbabakasyon siya dito, nang matutulog na siya, nakakita daw siya ng kalahating katawan malapit dyan(sabay turo niya sa Puno ng Mangga sa tapat ng bahay nila) sa puno ng mangga. Kaya wag mo nalang intindihin yun. Masasanay ka rin." sabi ni Tita Zealeean sakin.
"Bakit po di niyo pabendisyunan? Para po matahimik na yung mga kaluluwang gumagala dito." sabi ni Ashley. "Iha, wala naman kaming sapat na pera para doon." sagot ni Tita Zealeean. "Tutulungan po namin kayo." sabi ni Czax. Aba! Himala! May sumapi yata dito at biglang naging mabait!!! "Sino sumapi sayo at naging mabait ka?" tanong ko kay Czax. "Anong sumapi? Mabait na talaga ako. Wag ka! Inggit ka lang eh!!!" sabi niya sakin saka tumakbo. At ayun, naghabulan kami.
.
.
.
Gabi na. Tapos na kaming maghapunan. Napag-usapan namin ni Czax at Ashley na magtatagal muna kami dito mga 5-7 days. Kaya tumawag ako kay mama.
.
.
.
Hello Ma.
{oh, anak bakit ka napatawag? May problema ba?}
Wala po Ma. Kasi po napag-usapan po namin nga mga kaibigan ko na baka mag-extend kami. Mga 5-7 days lang naman.
{Bakit naman anak?}
Kasi po Ma, tutulungan po namin si Tita Zealeean, mommy po ni Glamorous. Papabendisyunan po kasi namin yung bahay nila kasi maraming gumagalang kaluluwa.
{Ahhh. Sige anak. Ingat kayo dyan ha. Bye na. Baka maubos na load mo. Goodnight}
Bye na rin. Goodnight.
(Call Ended)
.
.
.
Matutulog na sana ako ng tawagin kami ni Glamorous. May paguusapan daw kami sa sala. "Bakit po Tita?" tanong ni Ashley. "Ahhh... Kasi... Gusto ko lang magpasalamat sa mga ginawa niyo sa amin." sabi ni Tita. "Nako... Yun lang pala. Pinatawag pa niya tayo." dinig kong bumulong si Czax sa gilid. " Tita... Si Czax po sabi niya... Istorbo daw po kayo." sumbong ko kay tita. Tumawa ng bahagya si Tita. Lumabas kami ni Czax at hinabol ako.
.
.
.
Habang hinahabol ako ni Czax, tumingin kami sa langit. Nang may Makita kami.
MANANANGGAL!!!(Boring po ba??? Comment naman po dyan)
YOU ARE READING
Kabarkada
Novela JuvenilMasayang magkaroon ng barkada. Lalo na kung tinutulungan ka at dinadamayan sa lahat ng problema. Paano kung magkakaroon ng malaking problema at madamay ang iyong mga kaibigan??? Kakayanin niyo kaya???