House
April's POV
Pagkatapos ng Group Project, nagyaya si Ashley na pumunta kami ni Czax sa bahay nila. Sumakay kami sa kotse ni Czax.
Mayaman naman kasi sila... May kompanya sila ng sikat na sapatos...
Anyways...
.
.
.
Ang Awkward sa kotse... Halos walang nag-uusap...
Pagdating namin sa bahay ni Ashley, parang ang lungkot-lungkot ng bahay nila pati yung mga nakatira sa bahay...
Parang ang dami ng problema nila...
Sabi ni Ashley sa'min, doon daw muna kami sa kwarto niya.Ang ganda ng hagdan paakyat.Pagdating namin sa kwarto niya, ang daming stuff toys, dolls, at kung ano-ano pa!
"Bakit ang dami mong stuff toys at dolls???" tanong ko kay Ashley. "Bigay yan ni Papa" sagot niya, ng malungkot..
"Bakit parang di naman namin nakita yung papa mo pagpasok namin ng bahay niyo??? Parang mommy mo lang nakita ko..." tanong ko ulit....
"Baka nasa work..." sabat ni Czax. Tinignan ko siya ng masama. Pero nag-peace sign lang siya...
.
.
.
"Kasi... Ehhh.... Ano..." bigla nalang pumatak ang luha niya.
Parang ang bigat ng pakiramdam niya...
"Iniwan na kami ni papa... Pinagpalit niya kami sa iba..." tuluyan ng umiyak si Ashley... Kaya pala ang lungkot-lungkot ng bahay nila...
"Lagot ka April!!! Pinaiyak mo si Ashley!!!" asar sakin ni Czax...
"Sorry Ashley... Dapat pala di na kita tinanong..." sabi ko habang tinitignan ko si Czax ng masama sabay irap...
"Okay lang... Ano kakain kayo dito ng dinner???" tanong niya. Nakakahiya naman kung kakain kami, pero nakakahiya rin kung tatanggi kami, kasi siya na ang nag-imbita...
Kaya nag-Oo nalang kami...
Habang nasa hapag-kainan kami, tahimik lang ang lahat. Tinitignan ko ang bawat mukha ng mga tao sa bahay. Walang nakangiti at seryoso silang lahat...
.
.
.
Sumabay na ako kay Czax pauwi... Pagdating ko sa bahay, tulog na si mama... Kaya nagpalit na ako at natulog na rin.
.
.
.
Pero, tumunog yung phone ko kaya tinignan ko... May nagtext.
.
.
.
(Boring po ba??? Peace po)

YOU ARE READING
Kabarkada
Roman pour AdolescentsMasayang magkaroon ng barkada. Lalo na kung tinutulungan ka at dinadamayan sa lahat ng problema. Paano kung magkakaroon ng malaking problema at madamay ang iyong mga kaibigan??? Kakayanin niyo kaya???