Chapter 6: Foundation day

679 52 8
                                    

          

            "Woow! Maaga pa pero ang dame ng benta ng booth natin." Mai2x.

          "Grabe sila! Willing silang gumastos mabili lang ang mga gamit ng mga crush nila." Yong.

          "Oo nga eh. Pero atleast with a cost naman ang pagbili nila. Marame tayong madodonate sa foundation." Kisses.

        "Tama! Mabuti nalang mamaya pa ang laban nila Criz mapapanood pa natin sila." Mai2x.

       "Sabi nya hindi sya makakapunta ngayon kase may practice sila. Kaylangan nyang makahabol dahil ilang araw din syang hindi nakapagpractice. Mabuti nalang nagbago ang isip ni Edward at pinabalik sya sa team." Yong.

       "Oo nga. Mabuti nalang." Nakangiting sang-ayon ni Kisses. Wala silang idea sa dahilan ng pagkakabalik ni Criz sa varsity.

     
         Naging busy na sila sa mga sumunod na oras.

        Ukay-ukay booth ang naisip ni Kisses para taon na yon. Pero ang twist, yung mga ibebenta nilang gamit ay mga gamit ng sikat sa campus. Then mapupunta sa foundation ng University ang lahat ng napagbentahan nila.

      Marameng tao sa University nila ng araw na yon dahil sa celebration ng foundation day ng University na tatagal ng isang linggo.

      Bukod sa pagbabantay ng booth nila sinubukan din nila ang booth ng ibang college, department or coarse.

       Kinagabihan naman ang laban ng basketball varsity team.

       Kisses

          Eksaktong 6 o'clock ng gabi nasa gymnasium na kame para manood ng laban ng varsity against other University.

         Mabuti nalang Criz reserve a seats for us. Dahil kung hindi wala na kameng mauupuan sa dame ng tao.

       May mga taga-supporter din ang kalabang team pero siyempre dahil home court namin ito kaya mas marameng supporter ang varsity team namin.

      Nag-wawarm up palang ang dalawang team. Kaya we are just in time.

       "Tama lang pala ang dating natin eh." Yong.

       "Oo nga eh. At mabuti nalang niserve tayo ng upuan ni Criz. Maganda ang pwesto natin." Mai2x.

       Napapagitnaan nila ako. At nasa bandang gitna ang pwesto namin sa may unang row ng mga bleachers kaya kahit mag-change court sila ay okay lang.

      Napatayo ako ng makita ko si Criz na naglalakad palapit sa mga kateam nito. "Criz!" Hindi ko napigilang isigaw ang pangalan nya. Natutuwa kase ako dahil nakabalik na sya sa team nya. Napatingin sya sa pwesto namin saka nakangiting kumaway. Pero nawala ang ngiti ko at bigla akong mapaupo ng makita kong nakatingin din sa direksyon ko si Edward. Na as usual seryoso.

      "Ayan na si Mr. Mvp." Yong.

      "Criz! Galingan mo!" Cheer ni Mai2x dito.

      "Oo nga. Galingan mo! Mag-chicheer kame." Sigaw ko din. Nag-iwas nalang ako na mapatingin sa direksyon ni Edward. Hay..... Pero i have to thank him nga pala. Una, dahil ibinalik nya sa team si Criz kahit pinaglinis nya ko ng gymnasium. Pangalawa, dahil marame syang dinonate na mga gamit. Malaking tulong yon sa foundation.

        "Go,Criz!!! Go, team!" Cheer ni Mai2x.

        Nag-umpisa na ring mag-cheer ang iba pa pati ang supporters ng kalaban ng mag-umpisa na ang laro.

Started with the Wrong ImpressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon