(Picture of Reece above)
"Sina Leila ba yun? Kanina pa siya hinahanap ni Keith. May usapan daw sila eh,"
Hindi malaman ng dalaga ang gagawin. Nilingon niya ang tatlo sa building. Nakita niyang suminyas ang mga ito na gawin ang utos bago muling umatras. Sinundan din ulit ni Reece ng tingin ang tatlo.
"Tapos na ba kayong mag decorate ng Hall?"
"Ah....yes,ahmm,tapos na ba ang practice niyo?" I asked awkwardly. Paano ba niya lulusutan ito?
"Yup,kanina pa tapos ang practice. Ako na lang ang nahuli. Why?"
Isang lingon pa uli sa tatlo ang ginawa ng dalaga. Naiinip na ang mga ito. Siya naman ay parang gusto ng maiyak.
"What's wrong sweetheart?" muling tanong ng binata na nagsasalubong ang mga kilay. "May problema ba sa loob?"
"Eh,Reece... n-naglalaro kasi kami ng truth or consequence. Ako ang taya.".
" Ow,,hahaha..what are you,ten?c'mmon sweetheart." he said smiling,half amused? Oh great. Sana kainin na lang ako ng lupa.
"At ano ang iniuutos saiyo?"
Nagyuko ako ng ulo at huminga ng malalim bago alanganing timingin dito.
"To....kiss you. Rather.... kong sino ang kauna-unahang makita kong lalaking dadaan dito."
Sandaling hindi nakakibo si Reece. Napatitig sa dalaga.
"Really? Well,I'm glad na ako ang napadaan." Muling sinulyapan ang kinaroroonan ng tatlo na biglang nag atrasan patago.
"Wala bang ibang paraan para makalusot ka sa utos saiyo?" amused na tanong ng binata.
Iling ang isinagot niya. "They were all so sport pagdating sa turn nila." mahinang sagot niya. Ilang segundong katahimikan ang lumipas.
Mayamaya ay may bigla siyang naisip."May paraan Reece! Yes may paraan. Pwede kang tumanggi. I will tell them that you don't want to kiss me because I'm a friend...that you don't like to participate. Yes,that's it!"
Tumaas ang kilay ni Reece at bahagyang ikiniling ang ulo. Tiningnan ng binata ang dalaga.
Reece POV
Tinitigan niya ang dalaga. Noon pa man ay nakuha na nito ang attention niya ng minsang dumalo siya sa ika-sampung kaarawan nito. Pinsan ito ng matalik niyang kaibigan na si Keith. Pareho silang varsity player ng school nila. He clearly remembered her while smiling widely to all who came to attend her birthday. She's wearing a pink chiffon dress. Ang alon-alon nitong buhok ay nakalugay with a beautiful flower clip on the right side. Simula noon ay hindi na niya makalimutan ang napaka inosente at napaka gandang mukha nito.
Ngunit ang kaisipang limang taon ang agwat niya sa dalaga at idagdag pang pinsan ito ng matalik na kaibigan ay sapat ng kalimutan niya ang umuusbong na paghanga dito. She deserves a better man and sad to say,its not him. But it doesn't mean that he's not going to look for her.
Pero napansin niya nitong mga nakaraang araw ay malimit niyang makita ang mga lalaking madalas umaaligid dito. Ewan pero nakadama siya ng pagkainis sa kaisipang may mga manliligaw na ang dalaga. He suddenly felt the possessiveness towards her.
Naalala niya rin ng minsang mahirang bilang Miss Highschool. He attended the coronation. Buong programa ay pinanood niya which is odd. Nasa harapan niya ang dalaga. Nakasabog sa mukha ang kulot kulot na buhok. Parang painting ng mga sinaunang pintor sa Italy. Shy and pretty. Young and fresh like a flower not yet in bloom. At dapat sa mga pisikal na katangian na ito ng dalagaay may boyfriend na ito tulad ng ibang mga kasing edad na kakilala nito. Pero walang nalamang ganoon si Reece.
At noong minsang pumunta siya sa bahay nito para ihatid ang pinsan nitong si Lizzy sa Lola nila ay di niya maiwasang mag alaga ng malamang wala ito sa bahay gayong malapit ng dumilim. Labis nang nag aalala ang Lola nito kaya nag presenta siyang hanapin ito.
Halos malibot nya ang buong bayan hanggang sa maisipan niya na naikwento sakanya minsan ni Lizzy ang madalas nitong puntahang dalampasigan. Mandalas daw itong maligo at magpalipas ng oras doon.Dala ang 4WD pickup ay mabilis niyang narating ang lugar. Ngunit ikinakunot ng noo niya ng mamataan ang pink na scooter nito na nakaparada sa tapat ng pinakalumang bahay sa kanilang bayan.
Anong ginagawa ng dalaga dito? Nasagot ang tanong niya ng maabutang tila manghang-mangha ito sa nakakita. Nahigit niya ang hininga ng makita ang kabuuan nito. She's wearing a cardigan shorts and a white cotton blouse na natatakpan ng balabal. Nakatirintas ang mahaba nitong buhok at ang ibang hibla ay inililipad ng hangin. "Wear that shawl often" he wanted to say but didn't have the courage. Instead,sinabi niya ang tunay na sadya niya. At ng nagsalita ito,God knows how his legs trembles like some crazy teenager who's confessing in front of his crush. Shit. Am I nuts? Obcourse not. What the hell?
"Hey,hindi kana kumibo. Bakit titig na titig ka sa mukha ko?"
"Because I want you to kiss me sweetheart."
Hi guys..please support my first story here in wattpad. I need your votes and comments too. Thank you.

YOU ARE READING
The Man who Owns My Heart
RomanceA story of a girl who never loss hope. An example of an amazing and wonderful woman any man would fall. And it all started in their secret place (as what they called). Follow Reece Noah Cordina and Olivia Gaile Montañez as they discover their true f...