Prologue

38 2 0
                                    

Inihilig niya ang scooter na regalo sa kanya ng daddy nya nung nakaraang 16th birthday nya sa matandang puno ng narra at tiningala ang pinakamatandang bahay sa bayan ng San Andres.

Nakatayo ang bahay sa bayan nila maraming taon na ang nakararaan. Ayon sa Lola Celestina nya,naroon na ang bahay na iyon bago pa man ito ipinanganak.

Her grandmother is sixty-four years old. Pero sa edad na sixty-four ay sadyang malakas pa ito kung ikukumpara sa ibang kaedad nito. Marahil siguro sa palagiang pagsayaw nito ng Sumba kada Sabado sa may plaza. At sa pag aasikaso nito araw-araw sa munti nilang hardin sa harap ng kailang bahay. Wala kasi itong ibang libangan maliban sa pagsasayaw.
Ito ang nag alaga sakanya simula ng tumuntong syang high school sa bayan nila. Ang kanyang mga magulang ay parehong nasa ibang bansa.

Ang daddy nya ay nasa Dubai bilang project engineer sa isang malaking kumpanya samantalang head nurse naman ang kanyang ina sa Canada. Once a year lang umuwi ang mama nya at ang daddy nya minsan kada dalawang taon.

Natigil sya sa pag pag muni- muni ng bumalik ang atensyon nya sa lumang bahay. Pribado ito at matagal ng bakante sa matagal na panahon. Hindi daanan ng tao ang lugar at medyo malayo sa mga kabahayan. Madamo at magaraba ang daan.

She liked old houses. Antiques and old famous places. Old houses amazed her. They had character.

Iyon ang dahilan kong bakit sa kabila ng mga haka-haka at mga kwentong haunted ang lumang bahay na iyon at kalimitan pang ginagawang pantakot sa karamihan ay hindi nya magawang iwan ang lugar.

Walang kapitbhay ang lumang bahay na iyon. Dahil ang ekta-ektaryang lupain na nakapaligid ay pag aari din ng nagmamay-ari ng bahay.

Sa tuwing gusto nyang maligo sa dagat ay hindi nya alintana ang tumambay ng mahabang oras paikot sa dalampasigan. Tanaw na tanaw kasi mula doon ang bahay.
Hindi nya maipaliwanag ang atraksyon niyon sa kanya gayong karamihan sa mga classmates nya ay kinikilaabutan at sinasaway sya tuwing nababanggit nya ang lumang bahay. Bagaman walang pintura ang bahay,ang picket fence na nakapaikot doon ay maayos at tanaw din mula sa dalampasigan ang namumulaklak na bougainvillea.

Promininte na ang dalawang puno ng mangga sa magkabilang dulo ng bakod.
Ito ang unang pagkakataon na naglakas sya ng loob na panhikin ang lumang bahay. Hindi sya matapang pero di rin sya duwag. She started walking while counting her steps. She stopped counting at nineteen. Huminto sya sa tapat ng kahoy na gate ng bahay. Sinuri nya ang paligid. Mas maraming halamang namumulaklak doon. Karamihan pulang rosas,yellow bell at santan. Sa ibaba ng mga bintanang may rehas na bakal na ang disenyo'y hindi na uso ngayon ay may plant box ng roses de alas dies. Its flowers were in bloom in different colors. Ang usap usapang haunted ang bahay ay siguradong panakot lamang para walang sinumang magtankang pumunta sa lugar.

Nakapagtatakang ganoon kalinis ang lugar. Malamang may tagalinis ang pamilya niyon sapagkat maayos ang lugar. Humampas ang malamig na simoy ng hanging sa kanyang mukha. It had a salty tang. Ang likod kasi ng bahay ay ang mismong dagat na madalas nyang puntahan.

May tao ba sa loob ng bahay?
Bahagya syang kinabahan.
Sandali syang lumakad patungo sa pinto niyon.

"Tao po..." tawag nya na sinabayan ng mahinang katok.
Nang walang sumagot ay inulit nya ang pagtawag sabay hawak sa antigong siradura ng pinto at dahan dahang itinulak ang isang panel pabukas.

Napahugot sya ng hininga ng tumambad ang makintab na sahig at malaking sala ng bahay.

Ang malalaking kurtina ay malayang sumasayaw dulot ng hangin. Sa isang sulok sa gawing kanan at may nakasabit na antigong grandfather's clock,sa baba nito at mayroong maliit na piano na kahit luma na ay maayos at malinis pa. May tatlong pinto na sa tingin nya ay pawang mga kwarto at sa kaliwang bahagi ng bahay ay ang kusina na hindi na nya pinag ukulan pa ng pansin. Maliban doon ay wala ng ibang kasangkapan.
It was a high-ceilinged house. Sa gitna ng sala ay nakabitin ang isang bronzed chandelier. Awed,she walked towards the piano. Sa ibabaw noon ay may picture frame ng babae at lalake. Siguro mag asawa. She smiled faintly.

The Man who Owns My HeartWhere stories live. Discover now