PROLOGUE

1 1 0
                                    


  Kadiliman at tanging buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa kapaligiran . Napakatahimik ng lugar at mga kuliglig lamang ang maririnig . Aakalain mong parang desyerto dahil iilan lamang ang naninirahan sa probinsya ng San Martin .

  Maaga pa lamang ay nagtakbuhan na ang mga tao papasok sa bahay at isinara lahat ng mga bintana , patay ang lampara at nagsitulogan na ang mga ito .

  Nabugtong hininga na lamang si mauriana sa nasaksihan . Nakakabingi ang sobrang katahimikan ng bayan .
Bukas magiging mayos rin ang lahat .

Nagising si mauriana dahil sa ingay na nagmumula sa kusina . Akmang babangon ,ng maramdaman niyang mabigat ang kanyang pangangatawan . Kahit anong pilit niyang gumalaw maski ibuka lamang ang bibig ay hindi niya magawa . Narinig niya ang mga yabag na papalapit sa kinaroroonan niya . Dahang-dahang bumukas ang kawayang pintoan ng kanyang silid . Kinakabahan siya at sinisigaw sa isip ang salitang tulong . Nakatingin lamang siya sa isang bulto na pumasok sa loob at dahang-dahang lumakad papasok . Nararamdaman niyang napakalakas ng tibok ng kanyang puso at namamawis na siya . Mas lalong bumigat ang kanyang pakiramdam . Dahil sa liwanag ng buwan ay nakita niyang may kumislap na isang bagay na hawak-hawak ng bulto . Palapit ito ng palapit sa kaniya . Umusal siya ng panalangin na sanay may tumulong sa kaniya . Dumukwang ang bulto sa kanya , nakikita niya ang mga mapupula nitong matang parang galit kung tumitig sa kanya . Dahan- dahan nitong itinaas ang kumikislap na bagay sa kanya . at isasak sa puso niya ....hindi !!!! ......

  Napabalikwas si mauriana at para siyang kapos sa hininga . panaginip . Nagpakawala siya ng mahabang hininga . Mabuti nalang at panaginip . Akala niya totoo. Pawis na pawis siya at nauuhaw . Lumakas ang ihip ng hangin at napatingin siya sa pintoan na nakabukas . Nanginginig siya sa takot . Naalala niyang isinirado niya ang pintoan bago natulog . Naalala niya ang kanyang panaginip . Panaginip nga ba o totoo ang nangyari ? ....




 

PANAGINIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon