Chapter 2: Danica

40 1 4
                                    

*Mall*

Danica's pov

"Miss isang choco sundae nga Yung Large" sabi ko dun sa babae.

"Is that all ma'am ?" tanong nya.

"Oo" sagot ko.

"69 pesos ma'am" sabi naman nung babae. Inabot ko na sa kanya yung bayad saka nya inabot sakin yung resibo at yung choco sundae.

Nagikot ikot na muna ako since breaktime pa naman namin nang may lumapit sakin na dalawang lalaki. Mukhang mga taga ibang bansa base sa kanilang pananamit na sosyal at sa kanilang itsura.

"Miss do you know where is the exit here ?" tanong ng lalaking .. matangkad siguro nasa 5"7 ang height nya .. mga kasing edad ko .. matangos ang ilong .. kissable lips .. maputi ang makinis na balat.

"Miss ?" nabalik ako sa katinuan ng tawagin nya ako at i-wave ang kanyang kamay sa mukha ko.

"Uhm yes ?" tanong ko.

"Can you tell us where is the exit here ?" tanong ulit nya. Nakow ! Mukhang ma no-nosebleed na naman ako nito !

"Ahh .. just turn right there then you'll see a guard .. near him is the exit door" sabi ko.

"Miss your nose is bleeding !" nag aalalang sabi nya kaya napahawak agad ako sa ilong ko.

"Wala naman ah !" sabi ko. Bigla naman syang tumawa.

"Im just kidding" sabi nya sabay alis. Bigla naman syang bumalik. Tiningnan nya yung dibdib ko.

"Bastos !" sabi ko at aalis na sana nang bigla nya kong hilahin .. hindi naman malakas.

"I just read your name tag" sabi nya.

"Oh and by the way .. thanks Danica !" sabi nya sabay smile saka naglakad palayo.

*dub dub*

Loading ... 10 %

Loading ... 34 %

Loading ... 73 %

Loading ... 99 %

Done !

He smiled.

Ok .. danica calm down .. nag smile lang naman sya eh !

Wah ! Anong nangyayari sa puso ko ??

-End of danica's pov-

Prince Arthur's pov

Lumingon ulit ako bago ako lumiko .. then nakita ko ulit yung babae .. tulala ?

"Anong nangyari dun ?" tanong ko kay tofer.

"Baka nabastusan sayo" sagot nya.

"Huh ? Eh binasa ko lang naman yung name tag nya ah !" sabi ko.

"Aba ewan tara na nga !" sabi nya at nagsimula na ulit kaming maglakad.

Napapansin ko lang .. bakit parang nakatingin sakin yung mga tao ? Namumukhaan ba nila ako ?

"Tofer bakit nakatingin sakin yung mga tao ?" inosenteng tanong ko kay tofer.

"Aba malay ! Baka napapangitan sayo at nagtataka kung sino yung kasama mong gwapong lalaki" sagot nya.

*pak*

Binatukan ko nga .. ang galing sumagot eh !

"Aray ! Nakakarami ka na arthur ha !" reklamo nya.

"Eh ang ayos ayos ng tanong ko sayo tapos yun ang sagot mo ?" sabi ko.

"Oh sorry naman .. oh yun na pala yung exit eh !" sabi nya sabay turo dun sa exit door.

"Tss" sabi ko at sinundan na lang sya.

Nice name .. danica :)

-End of Prince Arthur's pov-

Danica's pov

"Miss may size pa kayo nito ?" tanong ng customer sabay abot ng damit

"Ahh yes ma'am" sagot ko at ni-assist sya.

*After few hours*

Tapos na rin ang work ko. Uwian na namin. Nagtra-trabaho ako dito sa department store ng sm.

Oh and by the way .. thanks Danica !

Kanina pa hindi mawala sa isip ko yan .. lalo na yung smile nya.

"Huy !" nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Kate bff ko at dito rin nag tra-trabaho.

"Mukhang malalim iniisip mo ah" sabi nya sabay ngisi.

"Ahh wala may naalala lang ako" sagot ko.

"Siguro yung lalaki kanina na gwapo noh ?" tanong nya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Huh ? Paano mo nalaman ang tungkol dun ?" gulat na tanong ko.

"Eh nandun kaya ako sa likod mo sasabay sana ako nang biglang may lumapit sayo .. tinawag pa nga kita kaso busy ka .. nakatulala kaya nauna na ko" paliwanag nya.

"Hindi ko lang makalimutan yung smile nya" sabi ko at nagsimula ng maglakad palabas .. sinundan naman ako ni kate.

"Naku girl ! Baka na love at first sight ka na !" sigaw ni kate.

"Wag ka ngang maingay dyan .. at hindi ako na love at first sight siguro natuwa lang ako sa smile nya saka malabong magkita pa ulit kami nun" sabi ko.

"Eh paano pag nakita mo ulit ?" tanong ni kate.

"Hay nako .. edi wala" sagot ko.

"Sige na uwi na ko" pagpapaalam ko kay kate.

"Ok bye girl ingat ! And goodluck !" paalam ni kate ska sumakay sa jeep.

Naglakad na ko pauwi.

*Danica's house*

"Nandito na ko ma" sabi ko.

"Oh anak nandyan ka na pala .. nagluto na ko ng pagkain" sabi ni mama.

"Si Jake po nasaan ?" tanong ko.

"Ahh nandun minamasahe ulo ni papa mo .. sumasakit na naman daw kasi" sagot ni mama.

"Ahh .. wag ka mag alala ma pag nakaipon ako ipapagamot natin si papa" sabi ko habang naghahanda ng kakainin ko.

"Salamat anak ha .. at nandyan ka para tumulong samin ng papa mo" sabi nya saka umupo sa tabi ko.

"Syempre ma ako ang panganay .. tungkulin ko yun at saka inalagaan nyo ko nung bata pa ako kaya yun din ang ginagawa ko sa inyo ni papa ngayon" sabi ko naman.

"O sige anak .. punta muna ako sa kwarto at nang makapagpahinga na si jake" sabi ni mama at umakyat na sa taas.

Pagkatapos kong kumain .. umakyat na rin ako sa kwarto ko.

Hay .. nakakapagod na araw.

Author: Hi/hello everyone ! Thanks sa mga patuloy na nagbabasa .. Sana po nagustuhan nyo ang chapter 2 .. Don't forget to VOTE AND COMMENT .. sana ipagpatuloy nyo lang po ang pagbasa nito at pagsuporta. :)

The Missing PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon