PROLOGUE

14.4K 146 0
                                    

Prologue

"No way! Hindi ka sasama sa amin! Look at you, kahiya hiya ka! Yucks!"

Lihim akong napairap. Punyeta, sigaw sya ng sigaw akala mo ang ganda! Di hamak naman na mas maganda ako sa kanya kahit kupas na ang damit ko at pudpod ang tsinelas ko!

Hindi na lang ako umimik. Noong huling sinagot sagot ko sya sa garage ako pinatulog. Aba'y punyeta! A lot of mosquitoes bit my precious skin!

"Diba mommy hindi sya sasama? Hindi ko sya papahiramin ng damit ko! Panigurado wala naman syang susuotin para sa party mamaya!"

Oh well, you read it right. Party ang pupuntahan mamaya. Dapat kasama ako, actually dapat ako lang talaga. Excuse me? Ako ang purong anak ni Chancellor Park. Nakikisabit lang sila. Then bigla bigla nilang sasabihing ayaw nila akong isama? Ang kakapal ng muka!

"Sasama sya sa atin iha."

Tila nagpanting ang ears ko. Nabibingi na ba ako? May sapi ba si Tita Hana Demonyita?

"Mommy!" matinis na sigaw ng bruha

Naiinis talaga ako sa tuwing sumisigaw sya. Ang tinis tinis ng boses! I swear pag hindi ako nakapagtimpi sasalpakan ko ng medyas yang mouth nya.

"But I have a condition" patuloy ni Tita Hana Demonyita

Sabi na! I knew it! May kondisyon naman lahat! Anong papagawa nya? Paglilinisin ako ng pool? Ng bubong? Ng mga banyo? Maglalaba?

Nakita ko ang pagngisi ni Dallen, bruha ka talaga pag hindi ako nakapagtimpi tatanggalin ko yang bibig mo.

"Mag-igib ka ng tubig. Punuin mo ang pool."

Literal na napanganga ako. Punyeta! Ano?!

Mayaman ang dad ko, sigurado ako doon. May hose kami sigurado din ako don. So bakit kailangan kong mag-igib ng tubig?

Lalong lumawak ang ngisi ng bruha.

"M-may hose naman tayo--"

"Gusto kong mag-igib ka. Maliwanag? Magsimula ka na ngayon. Sasama ka mamaya pag napuno mo ang pool."

Like mother, like daughter. Mga kampon ng kadiliman!

Hindi na lang ako sasama! Wala naman akong mapapala sa party!

Tila nabasa ni Tita Hana Demonyita ang isip ko.

"Na-uh-uh. Hindi kita bibigyan ng allowance sa loob ng isang buwan pag hindi mo napuno ang pool ora mismo."

I gritted my teeth. Ibang level ang kasamaan nya! What kind of animal is she? Huh?

Humagalpak ng tawa ang witch. Sino pa ba? Dallen.

"Magsibak ka rin ng kahoy dear Chanel"

"Eh kung sibakin ko yang muka mo?"

"Ano?!"

"Wala po."

Umakyat na ang mag-ina sa taas.

Napa-walling ako sa wall.

A year ago akala ko ako na ang pinaka bitch sa lahat ng bitch, may tatalo pala sa akin.

Mother, bakit mo ba ko iniwan?
Father, bakit ka sumunod kay mother?
At bakit ka nag-asawa ng demonyo? Aba'y may bonus pa! May dalawang demonyong anak!

Dalawang demonyo pa lang ang nakikilala nyo. Si Hana Demonyita at Dallen Bruhilda. Wala pa ang pinaka-kinaiinisan kong demonyo.

At sana nama'y wag na muna syang bumalik. Sya si Lucifer - ay este- si Allen.

Stepbrother ko sya, kapatid nya si Dallen at ina nya si Hana.

"Muntanga."

Napaigtad ako nang magsalita ang pinakademonyo sa lahat ng demonyo.

Kakawish ko pa lang na sana wag na syang umuwi tapos andito na sya?!

"Makapag-igib na nga" bulong ko

Mas gusto kong mag-igib kaysa makasama sya.

Nilagpasan ko lang sya. Bigla ako nitong hinigit sa braso.

"Ene be?" inis kong sigaw

"San ka pupunta? Dito ka lang, gawin mo assignments ko."

Napairap ako. Balita ko top 1 to overall sa school nila tapos nagpapagawa ng homeworks?!

"Pupunta ako sa pool, lilinisin ko 'yon tapos magiigib ako ng tubig at pupunuin ko ang pool."

Kumunot ang noo nya. "Tanga ka ba?"

"Hindi. Iyong ina mo ang tanga."

Na-gets nya naman iyon. Alam naman nyang ina nya ang nagpapagawa sa akin ng mga kahumindig hindig na bagay. Ina nya!

"Pabayaan mo na 'yon. Gawin mo na lang assignments ko"

"Punyeta! Wala akong lalamunin ng isang buwan kapag hindi ko sya sinunod!"

Hinila ko ang braso ko at naglakad papuntang pool area.

Ramdam kong nakasunod sya sa akin.

Wala ng laman na tubig ang pool. Tinanggal ko nong isang araw.

Bumaba ako ng pool at nagsimulang ipunin ang mga dumi.

Ramdam kong nakatitig lang sya sa akin. If I know minamanyak na ko nyan!

"Let me help you"

Bumaba rin sya ng pool at nagsimulang magpulot ng mga dahon.

Huminto ako sa paglinis. "Allen. Kahit ano pang gawin mo bawal na tayo"

Feeling ko napalitan ang ambiance ng paligid. Mula sa normal papuntang seryoso.

Okay. He is Allen Lee. Ex ko sya. Ex boyfriend. We had a relationship bago pa man lang ikasal si Hana kay dad. Hindi namin alam na magiging magkapatid kami. But that's not the reason kung bakit kami naghiwalay. He cheated on me. That's all.

"Alam ko" simple nitong sabi

Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglilinis.

Kahit naman hindi nya ko niloko bawal talaga kami dahil eto nga, step siblings ang peg. At saka napakabata pa namin 'non. Patawa! 13 years old lang sya tapos 16 ako. Hahaha! Echos echos lang yon. Ni hindi pa nga ata sya non tuli.

At ngayon, 20 na ako. 17 sya.

At sa hindi ko malamang dahilan! Ang gunggong hindi ako tinitigilan. Kaya tinatawag ko syang demonyo e. Pahamak sya sa buhay ko, isa syang dahilan kaya ako minamaltrato ng magina e. Mas kinakampihan daw ako ni Allen kaysa sa kanila.

Kinakampihan lang naman nya ko, wala naman syang nagagawa kapag sa garahe ako pinapatulog.

xxx

SEDUCING MY STEPBROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon